TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Street kid nagpupursige mag-aral kahit nababasa ng ulan

2 min read
Street kid nagpupursige mag-aral kahit nababasa ng ulan

Makikita sa video kung paano pilit na tinatakpan ng batang nag-aaral sa ulan ng tela ang kaniyang libro at notebook para hindi ito mabasa.

Karamihan sa mga estudyante ang tuwang-tuwa pagdating ng rainy season—maaari kasing makansela ang ang klase tuwing bumabagyo. Ngunit para sa isang estudyante sa Malate, Manila, kalbaryo ang hatid ng walang tigil na ulan.

Naantig ang puso ng isang GMA Youscooper nang makita niya ang batang kalsada na nag-aaral sa ulan. Makikita sa video kung paano pilit na tinatakpan ng bata ng tela ang kaniyang libro at notebook para hindi ito mabasa. Mapapansin din na may kasama siyang isang babae na natutulog sa sidewalk at isa pang bata sa tabi nito.

Pinayuhan ng netizen na nag-upload ng video na sumilong muna ang bata para hindi ito mabasa ngunit tumanggi ang bata. Saad nito, ayaw niyang umalis sa kanilang puwesto dahil baka tuluyan silang paalisin sa lugar.

Nais ng netizen na magsilbing inspirasyon ang pursigidong bata na nag-aaral sa ulan sa mga kapwa niyang estudyante.

SOURCE: GMA News

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

Paano ma-ecourage ang anak mo na mag-aral

Kulang ba sa motibasyon ang anak mo sa pag-aaral? Narito ang 5 simpleng paraan kung paano mo siya ma-e-encourage na mag-aral:

  1. Hayaan mo na sila ang gumawa ng sarili nilang homework.
    Imbis na ikaw ang gumawa ng homework nila, panoorin mo sila habang ginagawa nila ito. Alalayaan mo sila kung kinakailangan pero dapat sila pa rin ang gagawa ng kanilang takdang aralin.
  2. Hayaan mo sila na solusyunan ang mga problema nila.
    Kapag parati mo silang tinutulungan sa problema, maaaring mag-quit sila tuwing may mga hamon silang haharapin. Hayaan mo sila na humanap ng solusyon.
  3. Hayaan mo sila na mag-usisa at maging malikhain.
    Kadalasan na napakaraming tanong ng mga bata. Maging mapagpasensya at subukang sagutin ang mga ito. Sa ganitong paraan, natututo silang maging mausisa at magkaroon ng malikhaing pag-iisip.
  4. Pakinggan mo sila nang mabuti.
    Maglaan ng oras para kausapin ng masinsinan ang bata. Iwasan na gumawa ng ibang bagay habang nagkukuwento ito tungkol sa mga nangyari sa kaniya ng araw na iyon.
  5. Suportahan ang kanilang paaralan at mga guro.
    Kalahati ng araw ay nasa eskwelahan ang bata. Dito niya natututunan ang karamihan sa mga leksiyon. Makipagtulungan sa mga guro upang magandang learning environment at mas matuto ang iyong anak.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Street kid nagpupursige mag-aral kahit nababasa ng ulan
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko