TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Batang na-kidnap sa Pampanga natagpuang namamalimos sa Novaliches!

3 min read
Batang na-kidnap sa Pampanga natagpuang namamalimos sa Novaliches!

Makalipas ang apat na araw mula nang ma-kidnap ang batang taga-Pampanga na si Ally, natagpuan ito sa Novaliches na namamalimos.

Laking pasasalamat ng mga magulang ng isang 5-year old na batang babae nang maibalik na sa kanila ang anak na na kidnap ng isang hindi kilalang lalaki.

Huli sa CCTV: Batang babae sa Pampanga na kidnap!

Na kidnap ang isang 5-year old na batang babae na tiga-Angeles City, Pampanga noong March 17, 2024, ayon sa report ni Oscar Oida sa 24 Oras. Ang bata ay kinilalang si Margaux Alliyah Dela Cruz o mas kilala sa palayaw na “Ally.”

batang na kidnap

Screenshot mula sa 24 Oras

Sa araw na nawala ang bata ay nasa bahay umano ito ng kaniyang lola sa Barangay Balibago.

“Humihingi po siya ng pagkain, ngayon sabi ko sandali mag-sasangag ako. Nakita ko pa siya naglalaro pa diyan. Nung may itinapon akong kapirasong plastic sa basurahan napansin ko bukas yung gate. Tinawag ko walang sumasagot sa akin. Pagsilip ko wala, tiningnan ko lahat ng kwarto hanggang sa ilalim ng lamesa, sa banyo,” kwento ng lola ni Ally.

Samantala, nakita sa CCTV na tumatakbo si Ally sa area at gumapang pa patungo sa footbridge. Huli rin sa CCTV na binuhat ng isang lalaking naka-facemask, sombrero, at nakapayong ang bata.

Matinding lungkot at anxiety ang dinulot sa ina ni Ally na si Helen ang nangyaring pag kidnap sa kaniyang anak.

“Malungkot sobra po. Ang sakit po kasi maliit pa po yung anak ko di pa po niya kayang anuhin yung sarili. Kaya po nagmamakaawa po ako kung sino makakita sa anak ko sana ibalik po. Masakit po mawala anak ko,” aniya.

batang na kidnap Larawan mula sa Facebook ni Jessica Audrey Campos

Ally natagpuan sa Novaliches, pinilit umanong mamalimos!

Ngayon lang March 21, 2024, apat na araw mula nang ma-kidnap si Ally ay nagpost si Jessica Audrey Campos sa kaniyang Facebook. Ibinalita nito sa publiko na natagpuan na nila si Ally.

Ayon sa post ni Jessica, nahanap daw nina Mrs. Janette Panaligan at ng kaniyang asawa ang bata. Dinala raw ito ng kumidnap dito sa Novaliches. Doon ay pinilit nito ang bata na mamalimos ng pera at pagkain. Mabuti na lamang ay nakilala ng mag-asawa ang bata at agad na dinala sa mga awtoridad.

batang na kidnap

Larawan mula sa Facebook ni Jessica Audrey Campos

“We would like to thank everyone, especially Mrs. Janette Panaligan and her husband for helping us find Ally. If it weren’t for your prayers, shares, and engagements with our posts, the family would not have been able to recognize Ally and know that she’s a missing child. “Your actions helped save Ally and get her home. We will be eternally grateful for all of you. Also, we would like to thank everyone who offered assistance out of the goodness of their hearts and even if they didn’t know Ally or us personally,” pasasalamat ni Jessica.

GMA News, Jessica Audrey Campos

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Batang na-kidnap sa Pampanga natagpuang namamalimos sa Novaliches!
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko