Hindi parating ligtas ang kids lalo kung nasa labas ng bahay, upang matulungan silang maging safe from kidnapping narito ang ilang tips.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Alleged kidnapping in Bulacan
- 10 tips para maiwasan ang kidnapping sa inyong mga kids
Larawan ng Pixabay na kinuha mula sa Pexels
Alleged kidnapping in Bulacan
Delikado ang panahon ngayon lalo na sa mga bata. Hindi natin alam kung kailan naririyan ang masasamang tao na umaaligid sa kanila. Tulad na lamang nitong mga nakaraang linggo kung saan naging usap-usapan na naman sa social media ang kidnapping.
Sa Bulacan daw kasi ay dumarami di umano ang bilang ng mga babaeng menor de edad na nawawala. Nakailang post kasi ang nagviral na nawawala ang mga girls na may edad 13 pataas ang pare-parehong hindi matagpuan sa Bulacan. Mariin namang pinabulaanan ng Governor ng probinsya na si Daniel Fernando sa isang press conference ang balitang ito,
“We want to clarify everything regarding doon sa mga nangyayari sa social media na nagiging katatakutan tuloy dito sa ating probinsiya regarding sa mga pino-post na nawawalang kababaihan.”
Dahil daw kasi dito ay nagkakaroon ng katatakutan sa kanilang lugar.
“Mahirap po ito, nagkakaroon tuloy ng katatakutan dito sa mga kababayan natin,”
Ayon naman kay Colonel Charlie Cabradilla, nararapat lang daw na maging accountable ang mga tao sa kung ano ang ipinopost online. Nagsasanhi raw kasi ito ng labis na takot sa mga tao,
“We must exercise accountability in the digital age, particularly when publishing content to social media networks. These may cause confusion, fear, and disorder in our community.”
Larawan ni Donald Tong na kinuha mula sa Pexels
10 tips para maiwasan ang kidnapping sa inyong mga kids
Bagaman sinabi na ng mga local officials ng Bulacan na hindi totoo ang mga kidnapping issues na ito, mahalaga pa ring maturuan ng parents ang kids kung papaano magiging ligtas sa mga masasamang loob. Narito ang ilang ways at tips na maaaring gawin ng mga bata para safe sila from kidnapping:
Siguraduhing nakahanda parati ang birth documents ng bata.
Sa ganitong paraan ay madali kang pagkakatiwalaan ng mga opisyal kung sakaling magsusumbong ng iyong concerns.
Panatalihing updated ang parehong medical ang dental records ng bata.
Mas magiging madali kasi ang paghahanap sa kanya kung sakaling mawala o hindi niyo man siya mahanap.
Always keep a copy of your child’s photo together with his/her fingerprint every six months.
Pagkakaroon kasi ito ng accurate na information tungkol sa kanya upang mapabilis ang paghahanap sa panahong nawawala siya.
Tandaan na dapat ay laging safe rin sila even sa online world dahil talamak ang cyber stalking dito.
Lalo ngayon sa modern times, halos nasa social media na nag-aabang ang mga taong may masamang intensyon dahil sa availability ng information dito.
Iwasang mag-post ng photos at lugar kung saan madaling matutunton ng stalkers o kidnappers ang iyong anak.
Mas madadalian kasi silang matukoy kung saan matatagpuan ang iyong anak.
Larawan ni Kat Wilcox na kinuha mula sa Pexels
Huwag na huwag iiwanan ang mga bata sa sasakyan o kaya naman sa stroller kahit pa sa saglit na panahon lamang iyan.
Bukod sa delikado ito dahil sa suffocation o anumang aksidente, nabibigyan din nito ng chance ang kidnappers na makuha kaagad ang mga bata nang walang kahirap-hirap.
Mag-set ng boundaries at rules sa mga pinupuntahan ng iyong anak.
Bagaman hindi mo sila kailangan paghigpitan nang sobra, kailangan namang magtiyak ng limitations kung ano ang mga dapat at hindi dapat niyang puntahan.
Tiyaking alam mo kung sino-sino ang kanyang kasama at kung saan siya pupunta.
Dapat din na pinagkakatiwalaan mo ang kanyang mga kasama at kilala na nang lubos. Dapat ding alam mo kung ligtas ba o hindi ang kanyang pupuntahan.
Magkaroon ng masinsin na background check kung sakali mang kukuha ng caregivers o kaya naman ay baby sitters.
Kung mayroong mag-aapply na kilala mo na at pinagkakatiwalaan for a long time, mas maganda pa rin na mag-background check upang matiyak na safe ipabantay sa kanya ang anak. Kung hindi naman siya totally na kakilala kinakailangan ng dobleng ingat sa pag-alam ng kanyang mga impormasyon.
Mag-ingat kung kanino ipapakilala ang iyong anak.
Karamihan sa mga bata ay sumasama kaagad sa mga taong nakakakilala sa kanila. Ingatan kung kanino ibibigay ang kanyang pangalan upang maiwasan ito. Huwag ma ring lagyan ng kanyang name ang damit kung saan madaling malalaman ng stalkers o kidnappers.
Kung sakaling nawawala ang iyong anak, dapat ay maging alerto ka sa mga unang oras na ito. Mainam na kumontak kaagad sa mga opisyal tulad ng pulisya. Dapat dito ay dala-dala mo na ang mga impormasyon tungkol sa iyong anak. Kadalasang hihingin nila ay ang recent na picture niya, suot na damit nang mawala, at maging kung saan at kailan nawala ang bata.
Matapos mabigyan ng impormasyon ang awtoridad ay manatiling kalmado. Sa ganitong paraan ay madali mong maiiisip ang mga impormasyon na kinakailangan mo para sa iyong anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!