Batang pumanaw dahil sa COVID, perfect healthy ayon sa mga magulang niya. Nang dalhin sa ospital ay agad pa nga itong pinauwi ng doktor dahil sa maayos naman daw ang kondisyon nito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kuwento ng batang pumanaw dahil sa COVID.
- Sintomas at paano makakaiwas sa sakit.
Batang pumanaw dahil sa COVID
Si Tagan Drone, ang batang pumanaw sa COVID./Image from NBC
May isa na namang bata ang pumanaw dahil sa COVID-19. Siya ay si Tagan Drone, 5-taong gulang na ayon sa mga magulang niya ay “perfectly healthy” naman. Pero sa hindi inaasahan ay nasawi ito ng dahil sa sakit nitong October 30.
Kuwento ng ina ni Tagan na si Lastassija White, napansin nalang niya noong October 27 na tulog ng tulog ang anak. Pero nakakakain naman ito at maayos na nakakainom ng tubig.
Bagama’t nakikita nila sa itsura nito na si Tagan ay tila pagod na pagod. Hanggang sa noong October 28 ng gabi ay bigla na lang itong nagsuka ng nagsuka.
Ito na ang nagtulak kay White at kaniyang mister na dalhin na ang anak na si Tagan sa ospital. Doon nga nila nalaman na positibo sa COVID-19 si Tagan.
Pero kuwento pa ni White, hindi tulad ng pang-karaniwang kaso ng COVID-19, ang anak niya ay walang ubo at lagnat. Sa katunayan ay nang dalhin nila ito sa ospital ay pinauwi ito agad ng doktor.
Sapagkat magiging maayos naman umano ang kaniyang anak at ang sakit na COVID-19 umano ay hindi naman mapanganib sa mga bata.
Sabi ng doktor na tumingin sa bata ay wala naman umanong dapat ipag-alala sa kondisyon nito
Inuwi nila White ang anak na si Tagan dahil sa payo ng doktor. Ngunit sa kanilang bahay ay mas lumala ang kondisyon nito. Si Tagan ay nanghina ng nanghina.
Umabot umano sa puntong hindi na ito nagre-respond. Kaya naman tumawag na sila ng ambulansiya. Ilang oras matapos madalang muli sa ospital si Tagan, ito ay nasawi.
Pahayag ng ama ni Tragan na si Quincy Drone, hindi sana ito mangyayari sa anak kung ito ay nagamot at naagapan. Pero hindi ito nangyari dahil pinauwi sila ng doktor at sinabing magiging maayos rin ang kondisyon ng kaniyang anak.
“This doctor told us that our child would be fine, and our child didn’t even make it 24 hours. She died within the next 15 hours.”
Ito ang magkahalong lungkot at pagkabigla na sabi ni Drone sa isang panayam.
Ayon naman sa ina ni Tragan na si White na hindi parin makapaniwala sa nangyari sa anak, si Tragan ay isang “perfectly healthy” na bata. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganoon nalang kabigla ang pagkakasawi nito.
“My daughter was perfectly healthy. Perfectly healthy. There’s no way that should have happened.”
Ito ang sabi ni White.
Lastassija White at Quincy Drone, ang mga magulang ni Tagan.
Base pa rin sa pahayag ng mga magulang ni Tagan, siya ay isang charimastic na bata. Ito rin umano ang laging nagpapaalala sa kanila na magsuot ng mask.
Si Tagan ay isang kindergarten student mula sa Coronado Elementary School sa Amarillo, Texas.
BASAHIN:
Safe at effective ang COVID-19 bakuna sa mga batang 5-11 years old, ayon sa Pfizer
Sanggol hindi man lang napangalanan ng mga magulang niyang nasawi dahil sa COVID-19
Got COVID from work? 10 steps to claim up to P30,000 from SSS
COVID-19 sa mga bata
Kung ikukumpara sa bilang ng kaso ng matatanda, higit na kaunti ang bilang ng mga batang nagkakaroon ng sakit na COVID-19. Pero sa pagdaan ng mga araw ang virus na nagdudulot ng sakit ay nagmu-mutate sa mas malakas na uri ng virus.
Ang mas malakas na uri ng virus na ito ngayon ay wala ng pinipiling edad at estado ng katawan. Kahit may malakas at malusog na pangangatawan ay maaaring dapuan ng sakit. Kung hindi maagapan ay maaaring maging dahilan ito ng pagkasawi.
Sa ngayon, payo ng mga eksperto ang pinakamainam na paraan para maging ligtas sa sakit ay ang maiwasang mahawaan ng virus. Dahil magpahanggang ngayon ay wala pa ring natutuklasang lunas nito.
Ang isa sa pinakapapayong paraan ng mga eksperto para makaiwas sa kumakalat na sakit ay ang pagpapabakuna laban dito. Sa kasalukuyan ay bukas na ang pagpapabakuna laban sa sakit ng mga batang edad 12-anyos pataas.
Habang patuloy pa rin ang mga ginagawang pag-aaral kung ligtas ba ang COVID-19 vaccine sa maliliit na bata.
Pero maraming paraan na maaring gawin ang mga magulang para maproteksyonan mula sa sakit ang isang bata. Ang mga paraang ito ay ang sumusunod.
Kids photo created by jcomp – www.freepik.com
Paraan sa kung paano makakaiwas sa COVID-19
- Ugaliin ang maayos at madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. O kaya naman ay sa pamamagitan ng 70% alcohol-based sanitizer.
- Lumayo ng hindi bababa sa 3 metro sa isang taong umuubo o umaatsing.
- Iwasang hawakan ang iyong mukha ng hindi pa naghuhugas ng kamay. Ito’y upang maiwasang pumasok sa iyong mata, ilong at bibig ang virus.
- Ugaliing mag-disinfect ng mga bagay at surfaces sa iyong paligid.
- Kung galing sa labas ay agad na magpalit ng damit. Huwag ng gamiting muli ang mga jeans at jackets. Dahil maaaring kumapit sa mga ito ang virus.
- Magtakip ng tisyu o panyo sa tuwing uubo o babahing. O kaya naman ay itakip ang iyong braso o manggas ng damit sa tuwing uubo.
- Manatili lang sa bahay kung masama ang makiramdam.
- Agad ng magpakonsulta sa doktor kung makaranas ng sintomas ng coronavirus na ubo, lagnat, hirap sa paghinga, at kawalan ng panlasa.
- Makinig sa balita at umiwas sa mga lugar na may nailulat na kaso ng coronavirus.
- Kung hindi makakaiwas na magpunta sa matataong lugar ay mag-suot ng mask. Mag-baon ng alcohol na madaling mailalagay sa kamay sa oras na hahawak sa mga bagay o surfaces.
- Panatiling malusog at malakas ang pangangatawan.