Bukod sa paghahangad na maging successful ang isang bata, hangad din nating mga magulang na lumaki sila na maging mabuting tao. Ngunit paano nga ba kung sa murang edad pa lamang ay nagpapakita na ito ng senyales na isa siyang batang walang respeto sa kaniyang kapwa?
Sa isang panayam kay Dr. Jacqueline Navarro, isang developmental and behavioral pediatrician ng The Medical City, tatalakayin natin kung ano nga ba ang mga posibleng dahilan kung bakit walang respeto ang bata. Aalamin din natin kung ano ang mga puwedeng gawin upang mahinto ang ganitong behavior.
-
Dahilan kung bakit may mga batang walang respeto
-
Paliwanag eksperto ukol dito
-
Payo para sa mga magulang
Bakit may batang walang respeto?
Paliwanag ni Dr. Jacqueline Navarro, walang bata o tao ang ipinanganak na basta na lamang taglay ang ugali na mayroon sila. Ang anumang behavior o ugali na ipinapakita ng isang tao ay epekto ng kaniyang kapaligiran o karanasan. Sa mga bata, ito ay parte rin ng kanilang development na maitatama o maitutuwid pa habang sila ay lumalaki.
Ayon pa rin kay Dr. Navarro, tayong mga magulang ang pinaka may malaking impluwensya sa ugali o behaviour na ipinapakita ng ating anak. Kung ang anak mo ay lumalaki na isang batang walang respeto, maaaring bunga ito ng mga pagkakamaling ginagawa mo na hindi mo alam o napapansin.
Ang mga parenting mistakes na ito ay ang sumusunod:
Food photo created by tirachardz – www.freepik.com
1. Hinahayaan, imbis na itama ang pagkakamali na ginagawa ng ating anak
Isa sa mga lagi nating sinasabi sa tuwing may pagkakamali ang isang bata ay ganito, “Hayaan mo lang, bata ‘yan, Hindi niya pa iyan alam.”
Ayon kay Dr. Navarro ay mali ito. Dapat sa oras na may pagkakamali ang isang bata lalo na sa behavior na kaniyang ipinapakita ay i-acknowledge ito at itama. Hindi rin dapat ito kinokonsinte dahil malaki ang posibilidad na maulit ito at makalakihan niya na.
“Kapag hindi natatama ‘yong maling nagawa o kaya naman ay nare-reward ‘yong maling behavior ng bata ay nauulit pa ito.”
“For example, from toddlers do not know how to share yet. If a child sees a sibling who has the toy that he likes, since he cannot control his impulses, he sometimes resorts to grabbing. So kapag kinuha ulit nung kapatid ‘yong laruan, do’n magsisimula ‘yong hitting.”
Paliwanag ni Dr. Navarro na maaaring manaig ang agresibong reaksyon sa ganitong edad dahil hindi pa kaya ng bata na ma-control ang kaniyang emosyon.
“Kung it happens twice or thrice normal part of development ito. Pero kung nakita na ito ng parents at hindi kino-correct, mauulit at mauulit ‘yong bad behavior.”
Ang ganitong pag-uugali ay maaaring magdulot ng pagkawala ng respeto ng bata sa kaniyang kapwa.
2. Hinahayaan nating ma-expose sa labis na impormasyon o data ang ating anak
Maganda na lumaking independent at confident ang bata. Ngunit may kasabihan din na hindi rin na nakakabuti kung nasosobrahan ang isang bagay.
Isa pa umano sa dahilan kung bakit lumalaking walang respeto ang isang bata ay dahil labis silang nagiging independent at confident. Isang malaking impluwensiya na nga rito ay ang internet at social media na kung saan marami silang impormasyon at kaalaman na nakukuha.
“A young child when he grows up, he learns a lot of things. When he learns more things, he becomes confident of the knowledge that he has. Then he learns that his parents also do not know everything so the child may sometimes think that he is more knowledgeable that his parents.”
Ang pagiging confident na ito ng isang bata ay nasosobrahan at iisipin niyang mas marunong na siya kaysa sa mas nakatatanda sa kaniya. Nawawalan ito ng respeto sa mga authority figures. Hindi lamang sa magulang kundi pati na rin sa mga nakakatanda na nasa paligid niya katulad ng guro, kasambahay, atbp.
“Parang lumalabas na superiority effect, sometimes it becomes offensive, then it becomes arrogance.”
Ito ang paliwanag ni Dr. Navarro. Kaya naman payo niya mas mabuting bantayan ang mga napapanood ng ating mga anak. Kailangan ay may patnubay ng magulang upang maipaliwanag ang mga impormasyon na nalalaman ng bata, mas lalo na kung ito ay lagpas pa sa kanilang pang-unawa. Ani Dr. Navarro, hindi rin nakakabuti na nakakapanood ang mga bata ng violence, mapa telebisyon man, video games o sa social media.
Photo by Alex Green from Pexels
BASAHIN:
Picky eater ba ang iyong anak? Narito ang vitamins na dapat mong ibigay sa kaniya
5 tungkulin na kailangan gawin ng mga Daddy para sa mga anak na babae
3. Labis na pagpupuri sa anak.
Bilang isang magulang, natural na maging proud tayo sa mga achievement ng ating mga anak. Pero paalala ni Dr. Navarro ito ay hindi dapat sumobra. Maaari kasing magdulot ito ng labis na kayabangan sa ating anak na magiging dahilan kung bakit siya hindi magpapakita ng respeto sa kaniyang kapwa.
Halimbawa, kapag mayroong nagsasalita at bigla na lang sasabat ang bata o di kaya kapag nakapila ang lahat at gusto nito na mauna. Ipaalala sa kaniya na kailangan niyang maghintay para sa kaniyang pagkakataon.
4. Maaaring intimidated siya o kulang sa confidence.
Hindi lang labis ba confidence at papuri ang maaaring makasama sa iyong anak, ang pagiging insecure o kakulangan sa confidence ay maaari ring magdulot ng kawalan ng respeto sa kaniya. Ito’y dahil ginagamit niya itong defense mechanism sa totoo niyang nararamdaman. Imbis na aminin na insecure siya ay ipinapakita niya ang kabaligtaran sa pamamagitan ng kayabangan o kawalang respeto sa kaniyang kapwa.
Sa ganitong pagkakataon, payo ni Dr. Navarro mas mabuting kausapin ang iyong anak at alamin kung ano ang dahilan ng ipinapakita niyang behavior. Dapat maturuan siyang sabihin ang kaniyang nararamdaman sa paraan na hindi siya magmumukhang bastos o walang respeto sa iba o sayo na magulang niya.
5. Magpakita ng respeto sa iyong anak.
Hindi porket ikaw ang nakakatanda, hindi ka na dapat magpapakita ng respeto sa iyong anak.
Bilang isang magulang, ayon kay Dr. Navarro ay dapat maging mabuting modelo o halimbawa tayo sa ating mga anak. Para matutunan nila tayong respetuhin ay dapat magpakita rin tayo ng respeto sa kanila.
Maipapakita ito halimbawa sa mga malilit na bagay o sa araw-araw na kasama natin ang ating anak. Tulad nalang kapag aalis tayo ng pagbigla-bigla o walang pasabi habang sila ay nag-ienjoy sa paglalaro.
Dapat ay magbigay daw muna ng warning sa kanila. Halimbawa, sabihin na ganito, “Anak, in 15 minutes aalis na tayo ha kasi may online meeting pa si Mommy.” Sa ganitong paraan ay nabibigyan sila ng oras na mag-transition na isang paraan ng pagpapakita ng respeto sa kanila.
Sa oras naman na nakailang warning ka ng ibinigay at hindi pa rin nagre-respond ang iyong anak ay manatiling kalmado. Isaisip na maaaring hindi niya ito naririnig dahil busy siya sa kaniyang ginagawa. Pagsabihan siya sa kalmadong paraan na kayong dalawa lang at ipaalam sa kaniya na mali ang kaniyang ginawa.
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
6. Maging mabuting halimbawa at magpakita ng respeto sa iba.
Hindi rin dapat maging sarcastic o judgmental sa pakikipag-usap sa iyong anak. O hindi dapat nagpapakita sa kanila na hindi ka rumerespeto sa iyong kapwa. Dahil maaari nila itong magaya at paniwalaan na tama. Kaya payo ni Dr. Navarro, maging mabuting halimbawa sa lahat ng oras sa iyong anak. Gawin ito kahit siya ay maliit o bata pa.
“Children learn by seeing, doing, and observing. So, definitely, whatever it is in the environment is where they pick up things. And their immediate and constant environment from the very beginning are their parents. So, definitely, even at a young age, parents should start modeling proper behavior.”
Paalala rin ni Dr. Navarro na sa oras na hindi na ma-control ng magulang ang sitwasyon o sadyang nahihirapan na ito na disiplinahin ang anak ay huwag mag-atubili na kumonsulta sa duktor. Mas mabuting ma-obserbahan ito kung mayroong underlying na behavioral o cognitive na problema.