Batas sa kababaihan na nagbibigay proteksyon: The Magna Carta of Women

Ang Republic Act 9710 o Magna Carte of Women ay batas na nangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan. Alamin dito kung ano ang nakasaad sa batas na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang batas na Magna Carta of Women o Republic Act 9710 ay isang komprehensibong karapatang pantao para sa kababaihan sa Pilipinas lalo na sa sa mga nasa laylayan ng lipunan o marganizalized sector.

Layunin nitong alisin ang diskriminasyon sa pamamagitan ng pagkilala, pagprotekta, paggawad at promosyon ng karapatan ng kababaihan.

Batas para sa kababaihan: Implementing rules and regulations

Direktang naka-angkla ang Magna Carta of Women sa international law. Nagsilbing pledge of commitment ng Pilipinas ang Magna Carta of Women sa Elimination of All Forms of Discrimination against Women’s (CEDAW) Committee.

Ang nasabing batas para sa kababaihan ay local translation ng probisyon ng CEDAW. Partikular na sa pagbibigay kahulugan sa gender discrimination, state obligations, substantive equality, at temporary special measures.

Kinikilala rin ng nasabing batas para sa kababaihan ang karapatang pantao na aprubado ng International Convention on Economic, Social and Cultural Rights (ICESCR).

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

Ilan sa mga mahahalagang layunin ng batas ay ang mga sumusunod:

  • Pataasin ang bilang ng mga babae sa third level position sa pamahalaan upang maabot ang fifty-fifty (50-50) gender balance sa loob ng limang taon. Habang ang composition ng kababaihan sa lahat ng levels of development planning at program implementation ay maging at least 40%.
  • Magkaroon ng 2 months leave benefits ang mga kababaihan. Kung saan ay makatatanggap sila ng full pay base sa buwanang suweldo bilang empleyado. Ito ay kung sumailalim sa surgery dulot ng gynecological disorders. Matatanggap ang kaukulang benepisyo kung ang babae ay anim na buwan nang tuloy-tuloy na nagtratrabaho sa nagdaang 12 buwan.
  • Alisin ang diskriminasyon sa employment sa field ng military, police at iba pang katulad na serbisyo. Kabilang na rin dito ang pagbibigay ng pribilehiyo at oportunidad na ma-promote, magkaroon ng pay increase, at karagdagang benepisyo, tulad ng mga lalaki sa nabanggit na trabaho. Dapat ding bigyan ang kababaihan ng awards ayon sa kanilang competency at kalidad ng kanilang performance.
  • Bigyan ng pantay na karapatan sa pagtanggal ng diskrimasyon sa edukasyon, scholarship, at training ang mga kababaihan. Ipinagbabawal din ng batas ang expulsion, non-readmission, pagbabawal na mag-enroll, at iba pang diskriminasyon sa mga babaeng estudyante at mga guro nang dahil sa pagbubuntis nang hindi kasal.
  • Non-discriminatory at non-deragatory portrayal sa mga kababaihan sa media at pelikula. Ito ay upang magkaroon ng kamalayan ang lahat sa pagkilala sa dignidad, gampanin, at kontribusyon ng kababaihan sa pamilya, komunidad, at lipunan sa pamamagitan ng ma-estratehiyang paggamit ng mass media.
  • Magbigay ng pantay na estado sa mga babae at lalaki sa pagkakaroon ng titulo ng lupa at issuance ng stewardship contracts and patents.

Tungkulin ng pamahalaan sa karapatan ng kababaihan

Larawan mula sa Freepik

Nakasaad sa Chapter 3 ng The Magna Carta of Women, na ang estado ang primary duty-bearer ng nasabing batas. Ayon dito, ang Estado, pribadong sektor, ang lipunan, at ang lahat ng indibidwal ay nararapat na makiisa sa pagkilala, paggalang, at promosyon ng karapatan ng kababaihan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dapat na gawin ng lahat ang mga sumusunod:

  • Tigilan ang diskriminasyon sa mga kababaihan at huwag apakan ang kanilang karapatan.
  • Protektahan ang kababaihan mula sa diskriminasyon at sa pag-apak sa kanilang karapatan ng mga pribadong korporasyon, entity, at indibidwal.
  • I-promote at bigyang katuparan ang karapatan ng mga babae sa lahat ng aspeto, kabilang na ang kanilang karapatan sa substantive equality at non-discrimination.

Kailangang ipatupad ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng batas, polisiya, regulatory instruments, administrative guidelines, at iba pang appropriate measures. Ang tungkuling ito ng pamahalaan ay dapat na ipatupad ng lahat ng ahensya ng gobyerno. Sakop nito ang lahat ng state agencies, offices, at instrumentalities sa lahat ng level. Kabilang na rin ang mga government-owned at -controlled corporations.

BASAHIN:

Nasasaktan ni misis? 13 signs ng domestic abuse sa mga lalaki

8 Things about domestic abuse victims wants you to know

“My partner beats me every day, but I know he loves me.”

Mga karapatan ng kababaihan

Larawan mula sa Pexels kuha ng Pixabay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakasaad sa Magna Carta ng kababaihan na ang lahat ng tinuturing na human rights sa konstitusyon at iba pang karapatan na kinikilala sa ilalim ng international instruments na nilagdaan at ni-ratify ng Pilipinas, ay itinuturing na karapatan ng mga kababaihan sa ilalam ng batas.

Ang iba pang karapatan ng kababaihan ayon sa Magna Carta of Women ay ang mga sumusunod:

  1. Proteksyon mula sa Karahasan. Tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang mga babae mula sa anomang uri ng karahasan. Dapat na gawing prayoridad ng mga ahensya ng gobyerno na depensahan at protektahan ang mga babae laban sa gender-based offenses at tulungan ang kababaihan na makamit ang hustisya at paghilom.
  2. Proteksyon at seguridad sa sitwasyon ng armed conflict at militarization. Dapat na maging ligtas ang kababaihan mula sa anomang uri ng gender-based violence partikular na mula sa rape o panggagahasa, sa sitwasyon ng armed conflict.
  3. Lahat ng local government units ay dapat magkaroon ng Violence Against Women’s Desk sa bawat barangay na maaaring lapitan ng kababaihan kapag nakaranas ng karahasan.
  4. May karapatan ang kababaihan sa proteksyon at seguridad sa oras ng kalamidad, disaster, at krisis. Lalong-lalo na sa phases ng relief, recovery, rehabilitation at construction effort. Tungkulin ng pamahalaan na magbigay ng agarang humanitarian assistance, allocation resources, at early resettlement kung kinakailangan.
  5. Makibahagi at rumepresenta sa lahat ng gawaing panlipunan, partikular na sa decision-making at policy-making sa mga proseso sa gobyerno at private entities. Ito ay upang ganap na maipakita ang kanilang gampanin sa pagsulong at pag-unlad.
  6. Pantay na pagtingin ng batas. Kailangang i-review at gumawa ng amendment ng pamahalaan sa mga existing law na discriminatory sa mga kababaihan.
  7. Pagtanggal ng gender sterEotypes at images sa mga educational material. Gamitin sa lahat ng pagkakataon ang gender-sensitive language sa paaralan. Kabilang na rin dito ang pagpayag na mag-enroll ang mga babae sa nontraditional skills training sa vocational at tertiary levels.

Karagdagan

  1. Hindi maaaring alisin o hindi tanggapin ang babae sa school dahil sa pagkabuntis nang hindi pa kasal.
  2. Paigtingin ang mga programa kung saan makakalahok ang mga babae, bata man o matanda sa competitive at noncompetitive sports. Kailangang tiyakin ng pamahalaan ang kaligtasan ng lahat ng babae na nakikilahok sa sports, kabilang na ang mga trainee, reserve members, members, coaches, at mentors ng national sports teams. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng comprehensive health and medical insurance coverage. Pati na rin ng integrated medical, nutritional, at healthcare services.
  3. Pagtanggal ng diskriminasyon sa kababaihan sa military. Pinarerebisa ng batas na ito ang anomang polisiya at gawain sa military na pumipigil sa mga kababaihan na makilahok sa combat at noncombat training. Ayon sa batas, dapat na pareho ang oportunidad ng mga babae at lalaki mula sa mga gawaing pang militar hanggang sa mga benepisyo at promosyong maaari nilang makamtan.
  4. Dapat na mabigyan ng space, airtime, at resources, sa anomang uri ng media, communication, information dissemination, at advertising ang maayos at angkop na pagrepresenta sa mga kababaihan.
  5. Karapatan ng kababaihan sa comprehensive health services. Nararapat na magkatanggap ng comprehensive, culture-sensitive, at gender-responsive health services at programs ang kababaihan.
  6. Special leave benefits para sa mga babaeng sumailalim sa surgery dahil sa gynecological disorders.
  7. Pantay na karapatan sa lahat ng usapin hinggil sa kasal at relasyon sa pamilya. Kabilang na rito ang karapatang pumili ng pakakasalan

Bukod pa rito, saklaw din ng batas na ito ang karapatan ng kababaihan sa marginalized sectors. Kabilang sa mga karapatang ito ay ang mga sumusunod:

  1. Food security at productive resources – karapatan sa pagkain at magkaroon ng resources sa food production.
  2. Pantay na karapatan ng babae at lalaki sa pagkakaroon ng titulo ng lupa, kasal man o hindi. Pati na rin sa issuance ng contracts at patents.
  3. Pantay na karapatan ng babae at lalaki bilang benepisyaryo ng agrarian reform program.
  4. Pantay na karapatan ng babae sa paggamit at pag-manage ng land, water at iba pang natural resources sa kanilang komunidad at lupang ninuno.
  5. Equal access sa paggamit at management ng fisheries at aquatic resources.
  6. Maging bahagi ng housing programs na localized, simple, accessible at may tubig at kuryente, ligtas, at malapit sa mga employment opportunities at may affordable amortization.
  7. Karapatan na magkaroon ng disenteng trabaho
  8. Karapatang magkaroon ng kumikitang pangkabuhayan
  9. Karapatan sa pagkakaroon ng sapat na edukasyon at training
  10. Rights to representation, participation, social protection, at information
  11. Pagkilala at preserbasyon ng cultural identity at integrity

Sakop din ng nasabing batas ng kababaihan ang mga babaeng nakaranas ng mahirap na sitwasyon. Kabilang sa mga ito ang mga biktima at survivor ng sekswal at pisikal na pang-aabuso, illegal recruitment, prostitution, trafficking at iba pa.

Para malaman ang lahat ng karapatan ng kababaihan sa ilalim ng batas na ito, maaaring idownload ang kabuuan ng Implementing Rules and Regulations ng Magna Carta of Women.

Para sa mga biktima ng karahasan at pag-apak sa karapatan ng mga kababaihan. Maaaring magsumbong at humingi ng tulong sa Violence Against Women’s Desk sa inyong barangay.

Violence Against Women and Children: Saan dapat mag-file ng complaint?

Bukod sa Magna Carta of Women, isa rin sa mga batas na pumoprotekta sa mga kababaihan at sa kanilang mga anak ay ang RA 9262. Tinatawag din itong Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang batas na ito ay nagbibigay proteksyon laban sa karahasan na maaaring danasin ng mga babae at ng kanilang mga anak. Mula sa kanilang intimate partners tulad ng kanilang asawa, live-in partner, boyfriend, o dating partner.

Kabilang sa mga violence na tinutukoy sa batas ay ang physical, sexual, psychological harm, economic abuse. Dagdag pa riyan ang banta sa kaligtasan ng babae at ng kaniyang anak. Kabilang na ang pananakit nang pisikal, coercion, harassment at arbitrary deprivation of liberty.

Anong dapat gawin ng kababaihan na nakararanas ng VAWC?

Ayon sa batas, ang offended party ay maaaring mag-file ng criminal action. O mag-apply ng Protection Order bilang independent action o kaya naman ay incident in civil or criminal action at iba pang remedies.

Maaaring i-file ang reklamo sa Regional Trial Court na designated bilang family court, kung saan naganap ang karahasan. Ang korte na ito ang may orihinal at eksklusibong jurisdiction sa mga ganitong kaso.

Ang sinomang mapatunayang lumabag sa Violence Against Women and their Children Act ay mapaparusahan ng 1 month and 1 day hanggang 20 taon ng pagkakakulong. Bukod pa rito ay pagmumultahin din ng P100,000 hanggang P300,000 para sa damages mandatory psychological counseling o psychiatric treatment.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa batas na ito, maaaring bisitahin ang article na ito ng Philippine Commission on Women.

Sinulat ni

Jobelle Macayan