Bagaman mas kaunti ang bilang, mahalagang tandaan pa rin na pagdating sa mga lalaki ay nakararanas at nagiging biktima rin silan ng domestic abuse.
Mga magbabasa sa artikulong ito:
- 13 signs ng domestic abuse sa mga lalaki
- Ano ang dapat gawin kung nasa isang abusong relasyon?
13 signs ng domestic abuse sa mga lalaki
Larawan kuha mula sa Pexels
Laganap pa rin ang pang-aabuso sa loob ng romantic relationships. Saan mang panig ng mundo at anumang lahi ay may marami pa ring record ng mga naaabuso.
Ang domestic abuse ayon sa United Nations ay pattern kung saan ginagawa ng isang tao ang mga aksyon para magkaroon ng control sa kaniyang partner.
“Domestic abuse, also called “domestic violence” or “intimate partner violence”, can be defined as a pattern of behavior in any relationship that is used to gain or maintain power and control over an intimate partner.”
Ayon naman sa Help Guide, ito ay ang pangyayari kung saan hindi nagiging patas ang isang tao sa kaniyang partner para lang makontrol ito.
“Domestic violence and abuse are used for one purpose and one purpose only: to gain and maintain total control over you. An abuser doesn’t “play fair.” An abuser uses fear, guilt, shame, and intimidation to wear you down and keep you under their thumb.”
Maituturing na mas kaunti ang bilang ng mga kalalakihang nakararanas ng domestic violence ngunit importanteng malaman na ito ay nangyayari rin sa kanila. Katulad ng sa kababaihan, ito rin ay nasa iba’t ibang porma, maaaring abuse sa pisikal, verbal, emosyunal, sekswal at maging sa pinansyal.
Dahil sa pagtingin ng lipunan sa mga kakalalakihan na malakas, madalas mangyari na hindi na sila naglalakas loob na sabihin pa ang pang-aabuso. Iniisip kasi nila ang magiging tingin sa kanila ng tao kung sakaling malaman na binugbog sila ng babae at isiping mahina lamang sila.
Larawan kuha mula sa Pexels
Narito ang ilan sa mga specific signs na pang-aabuso na ng ginagawa sayo ng iyong partner:
- Pananampal, pananapak, pagsipa at kahit ano pang pananakit na pisikal.
- Pagmamanipula ng iyong nararamdaman gamit ang pagsisinungaling at paninisi ng ikaw ang may kasalanan kahit hindi.
- Pamamato, pagbabasag, at pagsira ng mga kagamitan sa tuwing nagagalit o nasa gitna ng away.
- Pamimilit na ikaw ay may karelasyon iba o nag-cheat kahit hindi naman.
- Pagtutok ng mga patalim, baril o anumang maaaring makapanakit sa iyo.
- Pagbibigay ng punishment gaya ng paglayo ng mga bata sa iyo kung siya ay galit.
- Pagtakot na saktan o kaya naman ay kidnappin ang mga anak kung makikipaghiwalay.
- Pagkuha ng ilang kagamitan mo, pera at iba pang personal na kagamitan mula sa iyo.
- Pananakot na iiwanan ka.
- Pagbabanta sa buhay mo at sa buhay ng iyong pamilya.
- Pag-aabuso maging sa pets.
- Pagmumura at pagsasabi ng kung ano-anong masasakit na salita.
- Pamamahiya sa ibang tao.
- Pinagsasawalang bahala ang iyong mga accomplishments.
- Sinisiraan ka sa ibang tao na nakakausap niya.
- Pagsisi sa iyo sa maraming bagay.
- Pang-iistalk at pag-iinvade ng iyong privacy at personal space.
BASAHIN:
Amazing rescue story of a domestic violence victim in the midst of COVID-19
Masakit magsalita ang partner? 11 warning signs na maaaring verbal abuse na ito
6 signs ng emotional abuse na pala ang nararanasan mo
Ano ang dapat gawin kung nasa isang abusong relasyon?
Larawan kuha mula sa Pexels
Mahirap ang makalabas sa abusive na relasyon ngunit hindi nangangahulugang imposible na ito. Mahalagang matandaan ng taong inaabuso na hindi niya kasalanan ang mga nangyayari at hindi justified ang kahit anumang pang-aabuso. Hindi rin dapat kalimutan na hindi siya nag-iisa sa laban na ito at marami ang maaaring tumulong sa kanya.
Para sa mga nasa abusive relationship, narito ang ilang maaaring gawin:
- Alaming mabuti ang mga red flags ng iyong abuser.
- Magtakda ng mga safe area sa loob ng tahanan na maaring puntahan kaagad.
- Magsabi ng “signal word” para sa mga anak, kapitbahay, kaibigan o kamag-anak na maaaring tawagan kaagad kung sakaling kailangan na ng tulong.
- Alaming mabuti kung paano makakaalis at saan pupunta kung sakaling tumakas sa bahay.
- Parating ihanda ang mga emergency contacts na madaling matatawagan.
- Protektahan ang privacy ng iyong cellphone upang hindi malaman na humihingi ka na ng tulong.
- Kumontak sa mga sexual assault at domestic violence program malapit sa iyong lugar.
- Humanap ng support groups na makakatulong sa iyo.
Pagtapos na makatakas sa ganitong relasyon, mahalagang malaman na hindi kasalanan ng inabuso kung bakit siya inabuso. Hindi ang dalas o bilang ng kung ilang beses niya ginawa ang pang-aabuso makokonsidera na ito domestic abuse.
Hindi rin kinakailangang makaranas muna ng lahat ng pang-aabuso sa lahat ng porma bago umalis sa relasyon. Mahalagang maunawaan ng tao ang pagbibigay ng respeto sa sarili at hindi ito dapat nararanasan nang sinuman.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!