Narito ang mga senyales ng emotional abuse sa tagalog na maaring nararanasan mo na pala.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga senyales ng emotional abuse (tagalog).
- Paano makikitungo sa isang taong emotionally abusive.
Ano ang emotional abuse?
Ang pang-aabuso ay hindi lang ginagawa sa pisikal na paraan. May tinatawag na emotional abuse na tulad ng physical abuse ay maaari ring magdulot ng sugat hindi nga lang basta sa iyong katawan pero pati na rin sa buong pagkatao mo.
Ayon sa mga eksperto ang emotional abuse ay paraan ng isang tao upang makontrol ang kaniyang kapwa sa pamamagitan ng pag-criticize sa kaniya, pamamahiya, paninisi o kaya naman ay pananakot.
Gamit ang mga salita o behaviors na may consistent pattern o paulit-ulit na nangyayari ay nawawala ang self-esteem ng isang tao. Nagdudulot din ito ng emotional pain at distress at kalaunan ay makakaapekto sa mental health niya.
Ang emotional abuse ay hindi lang nangyayari sa mga romantic o intimate relationships tulad ng mag-asawa. Ito ay maaaring mangyari rin sa pagitan ng magulang at anak o kaya naman ay sa boss mo sa trabaho at sayo.
Pero paano ba masasabing nakakaranas ka ng ng emotional abuse? Narito ang mga senyales na dapat mong bantayan at tingnan.
Mga senyales ng emotional abuse (tagalog)
1. Kung ano-ano ang mga salitang sinasabi sa ‘yo na maaaring makasakit, makatakot o makapahiya sayo.
Ang isa sa madalas na form ng emotional abuse ay verbal abuse o paggamit ng mga salitang maaring makasakit o makatakot sa isang tao.
Tulad ng mga pagmumura o pagtawag sa ‘yo ng mga salitang hindi katanggap-tanggap na nagiging insulto sa pagkatao mo. O ang pagki-criticize sa lahat ng ginagawa mo na mali, hindi tama o kailangan man ay hindi magiging kapaki-pakinabang sa iba.
Photo by RODNAE Productions from Pexels
2. Pagpaparamdam sa ‘yo ng silent treatment.
Ang sadyang hindi pakikipag-usap s ‘ayo ng isang tao o silent treatment ay isa rin uri ng emotional abuse. Lalo na kung ito ay gumugulo sa iyong isipan at may isang malaking tanong sa ‘yo kung bakit niya ginagawa.
3. Pagpipigil sa ‘yo na makihalubilo sa iba.
Emotional abuse rin kung maituturing ang pagpipigil sa ‘yo ng isang tao sa pakikipag-usap o pakikihalubilo sa iba. Kahit na ito ay miyembro ng pamilya o malapit mong kaibigan na nagdudulot sayo ng lungkot o pakiramdam na ikaw ay nag-iisa.
Dahil gusto ng iyong abuser na siya ang aasikasuhin mo. Dito ay maaari niyang gamitin ang sakit na nararanasan niya para konsensyahin ka at huwag siyang iwan.
4. Gaslighting o paglalagay sa isip mo na hindi totoo ang iniisip mo o wala ka sa katinuan.
Ang lagi ring pagpipilit ng isang tao na hindi totoo ang mga sinasabi o nakikita mo ay uri rin ng emotional abuse. Dahil sa pamamagitan nito ay nakukuwestyon ang maayos mong pag-iisip. At inilalagay sa utak mo ng iyong abuser na maaaring nawawala ka na iyong sarili o katinuan.
5. Pagpaparamdam sa ‘yo ng ikaw ang laging may kasalanan ng lahat.
Senyales din ng emotional abuse ang ginagawang pagpaparamdam sa ‘yo ng isang tao na ikaw ang may kasalanan ng lahat. O nang dahil sa ‘yo ay napapasama o napapahamak ang mga tao sa paligid mo kahit sa katotohanan ay wala ka namang kinalaman dito.
Photo by RODNAE Productions from Pexels
6. Pagpapahiya sa ‘yo sa harap ng ibang tao.
Ito ang isa sa madalas na emotional abuse na nararanasan ng marami. Nangyayari ito halimbawa sa tuwing pinakikilala ka sa ibang tao kasunod ang pagsasabi ng mga kahinaan mo. O kaya naman ay mga karanasan mo na ikinahihiya o ayaw mo na sanang mabanggit pa.
BASAHIN:
Maxene Magalona, inamin ang emotional abuse na ginawa niya sa mister dahil sa mental health issue
Masakit magsalita ang partner? 11 warning signs na maaaring verbal abuse na ito
3rd chances sa relationship: “Once is enough, two is too much, and three? Abuse.”
Paano makikitungo sa isang taong emotionally abusive?
Ang mga nabanggit ay mga senyales ng emotional abuse na maaaring nararanasan mo na pala. Sa katagalan kung ito ay hindi naagapan ay maaaring magdulot ito ng negatibong epekto sa iyong mental health. Paano pakikitunguhan ang taong gumagawa sa ‘yo nito?
Ang pinakaunang paraan upang pakitunguhan at tuluyang matigil na ang ginagawang emotional abuse sa ‘yo ay ang tanggapin na ito ay nararanasan mo.
Saka mo unti-unting ibalik sa dati ang iyong sarili at itigil na ang pang-aabusong ginagawa sa ‘yo. Gawin ito sa pamamagitan ng paglalagay sa iyong sarili bilang iyong priority.
Huwag ng isipin kung paano mapi-please ang ibang tao. Ilagay sa iyong isip na dapat anumang aksyon na gagawin mo ay makakabuti sa iyong kalusugan lalo na sa iyong mental health.
People photo created by our-team – www.freepik.com
Mainam din na kausapin ang taong umaabuso sayo na dapat itigil niya na ang anumang bagay na kaniyang ginagawa. Mag-establish ng boundaries sa pagitan niya at sa ‘yo. At ipaalam sa kaniya ang maaari mong gawin sa oras na ito ay inulit pa niya.
May mga grupo o support group ka rin na maaaring malapitan para mahingan ng tulong kung nakakaranas ng emotional abuse. May mga kaibigan o kapamilya ka ring maaaring malapitan at makausap.
Huwag mahiyang magsabi o makipag-usap sa kanila. Lalo na kung nararamdaman mong ang pang-aabusong iyong nararanasan ay labis ng nakakaapekto hindi lang sa physical kung hindi pati narin sa mental health mo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!