Maxene Magalona mental health condition nagsimula umano ng mawala ang kaniyang ama na si Francis Magalona. Mister ni Maxene nakaranas umano ng emotional abuse mula sa kaniya dahil sa mental health condition na kaniyang nararanasan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Maxene Magalona mental health condition.
- Paano nalaman ni Maxene na may mental health problem siya.
- Ginawa ni Maxene para ma-treat ang mental health condition niya.
Mister ni Maxene Magalona nakaranas ng pang-aabuso mula sa kaniya
Sa pinakabagong episode ng talk show vlog ni Toni Gonzaga sa kaniyang YouTube channel ay ininterview niya ang aktres na si Maxene Magalona.
Ang panayam ay umikot tungkol sa mental health condition na nararanasan ng aktres. Ang kondisyon na naging dahilan para makaranas ng pang-aabuso ang mister niya mula sa kaniya.
“I was projecting negative emotions towards my husband and I was becoming abusive with my words. I didn’t know that it was already psychological and emotional abuse.”
“Kunyare kapag may sinabi siya sabi sakin pipitik na ko, magagalit tapos kung ano-ano na sasabihin ko. Later on I felt bad about it, then I say sorry to him and then he will accept my apology. A few days later, magkakaroon ulit ako ng episode.”
Ito umano ang napansin ni Maxene sa behavior niya sa kaniyang mister. Maliban nga umano dito, naging pisikal rin umano siya. Umabot na siya sa point na sumusuntok na siya sa pader at naninipa na siya ng pintuan.
Maxene Magalona mental health condition
Image from Maxene Magalona-Mananquil Facebook account
Dahil sa ipinapakitang behavior sa kaniyang mister na si Rob Mananquil, isang musician ay sinabi nitong mas mabuting magpatingin siya sa isang espesyalista at mag-therapy. Noong una ay tinanggihan daw ito ni Maxene dahil sa takot na siya ay ma-judge agad ng ibang tao.
“But at first, of course, I was in denial because here in our country, when you say therapy, it means there’s something wrong with you, that you’re a little crazy.”
Ito ang sabi ni Maxene kung bakit noong una ay in denial pa siya sa kaniyang kondisyon. Pero dahil sa mga ipinapakitang negative behavior na nakakaapekto na sa marriage niya ay minabuti rin ni Maxene na magpakonsulta sa isang espesyalista.
Doon niya nalaman na siya ay nagsu-suffer na pala sa kondisyon na kung tawagin ay complex post-traumatic stress disorder o CPTSD.
Ano ang complex post-traumatic stress disorder o CPTSD?
Ayon sa Mind.Org, ang complex post-traumatic stress disorder o CPTSD ay isang kondisyon na kung saan ang isang tao ay nakakaranas ng mga sintomas ng post-traumatic stress disorder kasabay ng mga sumusunod pang sintomas.
- Hirap na kontrolin ang emosyon o damdamin.
- Pagkagalit o kawalan ng tiwala sa mga tao o paligid.
- Madalas na feeling ng pagiging mag-isa o kawalan ng pag-asa.
- Pakiramdam na habang buhay ka ng damage at walang silbi.
- Pakiramdam na kakaiba ka sa lahat ng tao sa paligid mo.
- Iniisip mong walang nakakaintindi sa ‘yo at sa mga nararanasan mo.
- Umiiwas ka sa mga kaibigan at pakikipagrelasyon.
- Nakakaranas ng pisikal na sintomas tulad ng pananakit ng ulo, pagkahilo, pananakit ng dibdib at tiyan.
- Pagkakaroon ng suicidal feelings.
Dahilan ng pagkakaroon ng CPTSD
Base sa paliwanag ni Maxene ang kondisyon umano na ito ay nag-uugat pa sa pagkabata ng isang tao at sa mga interpersonal relationships na mayroon siya.
Ilan sa mga sinasabing dahilan ng pagkakaroon ng kondisyon na ito ay kung makakaranas ng mga traumatic events ang isang bata tulad ng mga sumusunod:
- Childhood abuse, neglect o abandonment o ‘yong mga batang hindi nabibigyan ng sapat na atensyon ng magulang.
- Domestic violence o abuse.
- Sexual abuse.
- Paulit-ulit na nakakakita ng violence o abuse.
- Napuwersa o napilitang pumasok sa prostitusyon.
- Na-kidnap, naalila o na-torture.
- Nakaranas ng bullying.
- Pagkawala ng isang mahal sa buhay.
BASAHIN:
Look: Maxene Magalona and Rob Mananquil’s engagement photos!
Meryll Soriano on postpartum depression: “I had thoughts of suicide. I had thoughts of hurting myself, others—and even the baby…”
Kylie Padilla inamin na “nahirapan” si Aljur sa kaniyang PPD at anxiety — “Parang kaaway ang tingin ko sa lahat”
Maxene nagsimulang maranasan ang kondisyon ng masawi ang ama
Image from Maxene Magalona-Mananquil Facebook account
Sa kaso ni Maxene, ang naging trigger umano sa pagkakaroon niya ng kondisyon ay ng namayapa ang kaniyang ama. Dahil mula umano noong nasawi ito ay nahilig siya sa pagp-aparty at pag-inom ng alak mapanatili lang happy ang sarili niya. Hindi niya napansin na 5 taon na pala niya itong ginagawa at labis ng naapektuhan ang kalusugan at pagkatao niya.
“My dad was my best friend. I was super close to him. I’m his first born. We were really I see so much of myself in him. “
“So parang my world came crushing down and I didn’t know what to hold on to. I didn’t know I was lost.”
Ito umano ang naramdaman ni Maxene ng mawala ang kaniyang ama.
Paano nalampasan ni Maxene ang kondisyon
Image from Maxene Magalona-Mananquil Facebook account
Mabuti na nga lang umano ay nalampasan niya ang mental health condition na naranasan sa tulong ng mister niyang si Rob. Ito umano ang nagpursige sa kaniyang magpakonsulta at magpa-therapy para masaayos ang kondisyon niya.
Na-realize rin ni Maxene na hindi pagtakbo o pagde-deny sa sakit ang paraan para malampasan ito. Kailangang ito ay harapin at tanggapin para matukoy ang dapat mong gawin.
“I’ve been going through my healing journey. I realized that admitting that you’re going through pain, owning it, and embracing it is actually a very strong and courageous thing to do. Running away from it is actually what makes you weak.”
Sa ngayon, ito ang advocacy ni Maxene na isa naring yoga trainer. Ayon sa kaniya, hindi dapat nating ikahiya kung tayo ay nakakaranas ng anumang mental health condition. At dapat na ituring ito na tulad rin ng physical health na kailagang malunasan.
“I’m a big advocate of mental health. I really believe we should speak more about it, more openly. That we should talk about it just like how we talk about physical health because it’s the same.”
Ito ang nasabi pa ni Maxene.
Si Maxene ay ikinasal sa mister niyang si Rob Mananquil sa Boracay noong January 2018.
Source:
Mind.Org UK
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!