TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Baunan ng bata, natagpuang punong-puno ng amag!

3 min read
Baunan ng bata, natagpuang punong-puno ng amag!

Isang ina ang nagulat nang kaniyang matagpuan na ang baunan ng bata na binili niya sa kaniyang mga anak ay punong-puno pala ng amag.

Isang ina mula sa New Zealand ang nagulat nang makitang punong-puno ng amag ang baunan ng bata ng kaniyang mga anak. Dahil dito, ikinalat niya sa social media ang mga larawan upang magsilbing babala sa mga ina.

Punong-puno ng amag ang baunan ng bata!

Ayon kay Grace Bollen, naghuhugas siya ng baunan ng kaniyang mga anak nang may mapansin siyang kakaiba dito. Nakita niya na sa isang sulok nito ay mayroong bagay na kulay itim.

Dahil dito, naisipan niyang tanggalin ang glue na nakadikit sa baunan ng bata at buksan ito. Nagulat siya nang matagpuan na sa loob ng baunan, ay punong-puno ng amag!

baunan ng bata

Source: Facebook.com

baunan ng bata

Source: Facebook.com

Dagdag pa niya na halos mag iisang-taon nang ginagamit ng kaniyang mga anak ang kanilang mga baunan. Hiyang-hiya daw siya sa sarili dahil inakala niya na sapat na ang ginagawa niyang araw-araw na paglilinis ng mga baunan.

Dahil dito, kaniyang iminungkahi sa lahat ng magulang na kapag bibili ng baunan, ay piliin lang ang mga madaling linisin. Ito ay upang masiguradong kaya mong linisin at hugasan ang bawat sulok ng baunan ng bata.

Paano nagkakaroon ng amag ang mga gamit?

Ang amag, o mold, ay isang uri ng fungi na tumutubo sa mga basa at madilim na lugar. Karaniwang itong natatagpuan sa mga banyo, o kaya sa mga pader o kisame ng bahay.

Dito sa Pilipinas, madalas nagiging problema ang amag lalo na kapag panahon ng tag-ulan. Ito ay dahil walang oras matuyo ang mga gamit sa bahay kapag malakas ang ulan. Dahil dito, kapag may mga naiiwang gamit na basa tulad ng sapatos, twalya, damit, atbp., mas mabilis kumakalat ang amag.

Heto ang ilang mahalagang dapat tandaan upang makaiwas sa amag:

  • Kapag mag-iiwan ng damit o mga twalya sa cabinet, siguraduhing tuyo ito bago ilagay sa loob.
  • Hayaan munang matuyo ang mga basang sapatos sa labas ng bahay bago ipasok sa loob, o ilagay sa shoe rack.
  • Siguraduhing walang tulo ang inyong kisame, dahil ang amag na tumutubo sa kahoy ay pwedeng makasira ng bahay.
  • Tuwing umuulan, punasan agad ang mga tulo sa pader, dahil ito ay pwedeng magdulot ng amag na tumutubo sa loob ng pader.
  • Pwede ring gumamit ng dehumidifier na mayroong sangkap na hinihigop ang tubig sa hangin. Makakatulong ito upang mabawasan ang humidity sa bahay, na nagiging sanhi ng amag.
  • Kapag mayroon kayong gamit na may amag, pwede itong linisin gamit ang tubig na may suka, at ibilad sa araw upang masiguradong mamatay ang amag.

 

Source: Independent

Basahin: Mga karaniwang sanhi ng allergy sa bata

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Baunan ng bata, natagpuang punong-puno ng amag!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko