Dahil malapit nanaman ang bakasyon ng mga chikiting, siguradong panahon na para magplano para sa inyong family vacation. Upang mapadali ang inyong paghahanap, ito ang 6 na napakagandang beach resorts sa Batangas na dapat niyong bisitahin.
Beach resorts sa batangas na dapat bisitahin!
Playa Laiya
Barangay Laiya Aplaya, San Juan, Batangas
Kilala bilang Laiya’s Finest Beach Experience, ang Playa Laiya ay makikitang paboritong punatahan ngayon, lalo na ng mga bakasyunistang balikbayan dahil sa ganda ng lugar. Nasa loob ito ng isang exclusive residential community sa Laiya, San Juan, Batangas. Parang paraiso, sabi nga ng mga nakapunta na dito. Malinis ang beach-side, malinaw ang tubig, at sariwa ang simoy ng hangin, inihahalintulad ito sa mga beach resorts sa Bali, Indonesia dahil sa disenyo nito, lalo na ang mga infinity pools nila.
May mga restawran na may mga sariwang seafood dishes, tindahan at Beach Clubhouse para sa mga gustong magdiwang ng mga salu-salo o party. Mayron ding Beach Park, village park, playground, at meeting facilities para naman sa mga company outings at team building activities.
Acuaverde Beach Resort
Laiya, San Juan Batangas
Globe: 0916-4057388
Smart: 0928-8543805
www.acuaverderesort.com.ph/location/
Malawak at maaliwalas ang beachfront ng Acuaverde, at pinong white sand ang nasa baybayin. Matatagpuan ito sa pinakamalawak na coastline ng Laiya, sakto para sa pagrerelax o watersports. May kayaking, rowing, snorkeling, jet skiing, fly boarding, at fly fishing sa araw, at syempre pa, swimming para sa lahat ng miyembro ng pamilya. Pwedeng mag-overnight, magbakasyon ng ilang araw, o mag-day tour lang. Kaaya-aya ang mga cabana sa tabing dagat, na sakto din para sa pagpapahinga at kasiyahan ng pamilya. Walang swimming pool, pero malawak naman ang beach at may malaking lugar para makalangoy.
Tatlong oras lang mula sa Maynila, pwede nang mag-relax at mag-enjoy nang malayo sa kaguluhan ng lungsod. Ayon sa mga nakapunta na dito, hindi gaano kalaki ang buong resort, pero napakaganda at malinis ito. Mabait ang staff at masarap ang mga pagkain sa buffet sa restawran nila. Pet-friendly din ang resort, kaya’t magugustuhan ito ng mga mahilig sa pets.
Pico Sands Hotel
Pico de Loro Cove, Hamilo Coast | Brgy. Papaya, Nasugbu
Matatagpuan ito sa paraiso ng Pico de Loro Cove, ang Pico Sands Hotel ay isang Batangas beach resort na may pitong palapag at 154 na hotel rooms na malalaki ang sukat para sa mga bakasyunista at buong pamilya. Bawat kuwarto ay may disenyong makabago at hindi papatalo sa mga kuwartong makikita sa Bali, Phuket at Maldives. Pagdungaw sa labas, matatanaw ang berdeng kabundukan, at man-made lagoon.
Naging venue na rin ito ng maraming kasalan dahil nga sa ganda ng lugar at kumpletong amenities nito.
Club Balai Isabel
Taal Lake | Banga, Talisay
Makati Office (02) 897 0229
Mobile Number 0906-5185491
https://www.balaiisabel.com
Sa baybayin ng world-famous Taal Lake matatagpuan ang paraisong ito. Ang Club Balai Isabel ay para sa mga may active lifestyle, pati na rin sa naghahanap ng tahimik at nakaka-relax na bakasyunan. Makikita ang Taal Lake at Taal Volcano mula sa resort, na siyang paboritong katangian ng mga regular na bisita ng Balai Isabel.
Club Balai Isabel’s amenities and facilities make it an excellent choice for holidays, corporate events, and special occasions. Enjoy the food served at the Terraza Cafe, take a refreshing dip in the pool, hang out in the cabanas; enjoy more active pursuits such as kayaking and sailing, or take a boat ride and get a closer look at Taal Volcano’s crater on horseback or on foot.
Isa rin itong eco-tourism destination para sa mga environmental enthusiasts, lalo sa mga mahilig sa tanawing berde at mapuno. Eco-friendly rin at nagbibigay-diin sa kabutihin ng kapaligiran ang buong resort.
Naging venue na rin ito ng mga kasalan at pre-nuptial photoshoot dahil sa angking ganda ng lugar. May mga malalawak at malalaking lugar din para sa corporate events, pati na rin obstacle course (para sa team-building) at media-ready function rooms. Dagdag pa dito ang napakaraming pwedeng gawin sa resort, tulad ng iba’t ibang water sports activities: wakeboarding at kayaking, o di kaya’y trekking papunta sa Taal Volcano. May mga swimming pool at mga bahay at kabana na pwedeng arkilahin ng buong pamilya.
La Chévrerie Resort & Spa
052 Barangay Ligaya, Anilao, Mabini, Batangas
Cel.No: +63917-7033320
Email: [email protected]
Website: www.lachevrerie-resorts.com
Makabago at isa ring paraiso ang resort at spa na ito. Para ka naring lumipad papuntang Maldives at Seychelles, kung 5-star resort ang hanap mo,.
Matatagpuan ito sa premium diving spot ng Pilipinas, sa Anilao, Batangas. Ang La Chevrerie ang may eleganteng French design at di matatawarang serbisyo. Isang French diver kasi ang nagtayo nito, na noo’y naghahanap lang ng mapapagpastulan ng mga alaga niyang kambing habang nagbabakasyon sa Pilipinas. Hanggang sa naging isang world-class boutique resort na ang La Chevrerie, at naging puntahan ng mga divers, at mga pamilyang gustong mag-bakasyon, “in style” ika nga. Napakaganda ng disenyo ng bawat isa sa 13 kuwarto ng resort. Pati ang kanilang L’Atelier bar at restaurant ay napakasarap ng hinahain na pagkain, dahil master chef ang naghahanda nito.
May snorkeling, diving, trekking at syempre pa, swimming, at boat-ride papunta sa kalapit na isla para mag BBQ—napakaraming pwedeng gawin sa resort na ito.
The Farm at San Benito
119 Barangay Tipakan, Lipa City
+632 884 8074 | +63 918 884 8078
Kilala ang San Benito sa kanilang Wellness Retreat at Detox Programmes. Sa Farm na ito mararanasan ang full immersion sa isang clean living. Mayron silang medically guided na tamang pagkain at fasting. Ang menu nila ay purong vegetable juices at pagkaing puno ng nutrients, at ang programa ay may kasamang yoga, movement at fitness. Layon ng San Benito na matulungan ang mga bakasyunista na maiwaksi ang toxic substances sa katawan, kaya’t maganda nga namang dito magbakasyon, lalo na ang mga mag-asawa na naghahanap ng totoong “break” sa kabihasnan. Medically-supervised lahat ng treatments at services nila. Holistic at balanced ang approach, ika nga ng mga eksperto nila, para makamit ang kumpletong healing at well-being ng katawan. Paborito ng mga nagpupunta dito ang kanilang tradisyonal na “Hilot”.
Ito ay itinutuing na isang pribadong paraiso para sa mga naghahanap ng tahimik at payapang bakasyon, na matatagpuan sa isang mapunong lugar sa Batangas.
Photo: flickr.com
READ: Best Family Friendly Beach Resorts in Batangas for Vacation!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!