Bear Brand for Pregnant: Safe ba itong alternative milk sa buntis?
Ayon sa mga health experts, malaki ang naitutulong ng pag-inom ng gatas sa development ng sanggol sa sinapupunan. Lalo na kung ang gatas na iinumin ay ang gatas na ginawa para sa nagdadalang-taong ina.
Bear brand for pregnant women, safe nga bang alternative milk para sa mga buntis? Narito ang sagot ng mga eksperto.
Mababasa sa artikulong ito:
- Gatas para sa mga buntis
- Mga bitaminang makukuha sa gatas ng isang buntis
- Bear brand for pregnant women, safe nga bang alternative milk para sa mga buntis?
Gatas para sa mga buntis
Ayon sa mga health experts, mahalaga ang pag-inom ng gatas habang nagbubuntis. Dahil sa ito ay nagtataglay ng mga nutrients na kakailangin ng buntis at ng sanggol sa kaniyang sinapupunan. Tulad ng vitamin D, calcium, riboflavin, protein at marami pang iba.
Base nga sa isang pag-aaral na nailathala sa Canadian Medical Association Journal, ang hindi pag-inom ng gatas habang nagbubuntis ay nagiging dahilan upang magkaroon ng low birth weight ang isang sanggol.
“Our study showed that restricting milk or vitamin D intake during pregnancy lowered infant birth weight in otherwise healthy, non-smoking, well-educated mothers.”
Ito ang pahayag ni Dr Kristine Koski, director ng School of Dietetics and Human Nutrition sa McGill University sa Canada. Siya ay isa sa mga authors ng ginawang pag-aaral.
Dagdag pa niya kahit na ba ang ibang nutrients na kailangan ng buntis ay makukuha sa ibang masusustansiyang pagkain, may nutrients siyang kakailanganin na tanging sa gatas niya lang makikita.
“Although most nutrients in milk may be replaced from other foods or with supplements, vitamin D is found in few commonly consumed foods except for milk.”
“Mothers and health professionals need to understand that this dietary practice may restrict essential nutrients and negatively affect foetal development.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Koski.
Mga bitaminang makukuha sa gatas ng isang buntis
Ang vitamin D ay ang bitaminang kailangan ng isang sanggol upang mapababa ang tiyansa niyang magkaroon ng allergy sa kaniyang paglaki. Tulad ng calcium ito rin ay nakakatulong upang masigurong magde-develop ng healthy at strong ang kaniyang mga buto.
Maliban dito, ang pag-inom ng gatas rin ay nakakatulong sa foetal growth o paglaki ng sanggol. Nakakatutulong rin ito upang magkaroon ng mataas na level ng insulin sa dugo ang isang sanggol na nagpapaba ng tiyansa niya ng pagkakaroon ng type 2 diabetes sa kaniyang pagtanda.
Ayon naman sa isa pang pag-aaral na ginawa ng University of Surrey, mahalaga ang pag-inom ng gatas sa buntis dahil sa ito ay may taglay na iodine.
Ang iodine ay nakatutulong sa pagpoproduce ng hormones ng thyroid glands para mas maging mataas ang IQ ng isang sanggol habang siya ay lumalaki.
Mayaman din ang gatas sa proteins, amino acids at fatty acids na nakakatulong sa development ng isang sanggol. Pinaniniwalaang effective antacid rin ito na nakakatulong upang maibsan ang heartburn at gastric ailments na madalas na nararanasan ng mga buntis.
Pinapababa rin nito ang tiyansa ng isang buntis na makaranas ng multiple sclerosis, neonatal rickets, at osteoporosis.
BASAHIN:
STUDY: Kapag ininom ito ng buntis, maaaring mabansot si baby!
Bear brand for pregnant women, safe nga bang alternative milk para sa mga buntis?
Ngunit ang gatas para sa mga buntis ay may kamahalan. Dagdag pa ang kakaibang lasa nito na hindi nagugustuhan ng karamihan. Kaya naman para makakuha parin ng sustansiya mula sa gatas ay sinusubukan ng ilang buntis ang pag-inom ng regular milk. Ngunit ang tanong, safe na nga ba ang regular milk tulad ng bear brand for pregnant women?
Ayon kay Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-Gyne, kahit anong gatas umano ay safe lang na inumin ng buntis. Basta’t ito ay nagtataglay ng Calcium na kakailangan niya para mas tumibay ang kaniyang buto.
Mahalaga ito upang hindi siya mahirapan magdala ng lumalaki niyang sanggol na nakakatulong din sa development ng healthy at strong na mga ngipin at buto ni baby.
“Any milk is okay nman bsta may Calcium. Pregnant women need 1000-1300mg/ day na Calcium.”
Ito ang pahayag ni Dr. Canlas. Bagamat ayon pa rin sa kaniya, pagdating sa vitamins na kailangan ng sanggol sa brain development at iba pang bitamina na kailangan ng buntis tanging sa pregnancy milk lang ito makukuha.
Dagdag pa ang low sugar at fat content nito na nagpapanatili ng energy at healthy na katawan ng isang buntis.
“Pregnancy milk as they claim, has more brain vitamins (DHA) and lower sugar content,” dagdag pahayag ni Dr. Canlas.
Pregnancy milk vs regular milk
Maliban nga sa brain vitamins na DHA ay hindi rin makukuha sa mga regular milk tulad ng Bear Brand, Birch Tree, Anchor, Alaska at iba pa ang nutrient na kung tawagin ay Gangliosides o GA na tumutulong upang maiwasan ng mga sanggol ang mga brain abnormalities tulad ng Neutral Tube Defect.
Mayroon ding taglay na probiotics ang mga pregnancy o maternal milk na nagsisiguro na maabsorb ng maayos ng mga buntis ang sustansya na kailangan niya mula sa gatas. High in fiber rin ang mga pregnancy milk na friendly sa mga tiyan ng buntis.
Dagdag pa ang folic acid na tanging sa maternal milk lang makukuha. Ito ay nakakatulong naman sa overall growth at development ng isang sanggol.
Kaya naman para masiguro na maayos at healthy ang development ni baby, mas makakabuting uminom ng mga pregnancy milk. Dahil sa ito ay sinadyang ginawa upang maibigay ang pangangailangan ng buntis at ng sanggol na kaniyang dinadala.
Ano bawal na inumin kapag buntis?
Nalaman na natin ang halaga ng pregnancy milk para mga pregnant moms. Siyempre, kailangan din natin malaman kung ano ang mga inuming dapat iwasan at hindi inumin kapag ikaw ay buntis. Narito ang una kong ulat patungkol rito. Ito ay ang mga sumusunod:
-
Kape
Dapat iwasan ang pag-inom ng kape sapagkat ang caffeine humahalo sa ating bloodstream at nakakarating sa ipinagbubuntis na sanggol.
Kung ang pag-inom ng kape ay nakakaapekto sa kakayahan nating matulog, ganoon din ang epekto nito sa mga sanggol na hindi pa naipanganganak.
Tulad ng epekto sa atin ng pagpupuyat, hindi rin magiging mabuti ang epekto nito sa katawan ng nagde-develop pang sanggol sa sinapupunan.
-
Iced tea at milk tea
Tulad ng kape, hindi naman ganap na ipinagbabawal sa buntis ang pag-inom ng mga iced tea at milk tea. Ang kailangan lang din na limitahan ang pag-inom nito.
Maliban sa taglay nitong mataas na lebel ng caffeine, matamis din ito. Maaaring makasama sa buntis ang kung sosobra sa mamatatamis na inumin.
-
Soft drinks
Isa pang inumin na bawal inumin ng buntis hangga’t maaari’y ang mga soft drinks o carbonated drinks. Sapagkat maliban sa mataas ang caffeine level ng inuming ito, mataas din ang calories nito. Saka nagtataglay rin ito ng artificial sweeteners, lalo na ang mga diet soda na maaaring magdulot ng infant obesity.
Photo by Charlotte May from Pexels
-
Energy drink
Madalas man nakakaramdam ng pagod o fatigue ang isang buntis, hindi naman inirerekumenda na siya’y uminom ng energy drink. Sapagkat nagtataglay rin ng high levels of caffeine.
-
Alcohol o alak
Pagdating sa alcohol, walang amount nito ang ligtas sa pagbubuntis. Mabuting iwasan na lang muna ito ng babaeng nagdadalang-tao.
Sapagkat tulad ng caffeine, ang mga compounds nito’y maaaring humalo sa bloodstream ng buntis. Maaaring makarating ito sa sanggol at makaapekto sa kaniyang development. ‘
Source:
Telegraph UK, NCBI, Health Plus
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.