Beauty Gonzalez sa bakasyon nila ng mister na si Norman Crisologo: “So this is happening, finally! Four nights alone away from our perpetual third wheel”

Ayon sa aktres, sa wakas nakapagbakasyon at nakapagsolo sila ng mister niyang si Norman Crisologo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Beauty Gonzalez and Norman Crisologo nakapagsolo sa isang bakasyon. Aktres bagamat sad na hindi kasama ng anak niyang si Olivia ay happy naman na sa wakas ay nakapag-spend sila ng quality time ng mister niyang si Norman.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Beauty Gonzalez and Normal Crisologo vacation alone as a couple.
  • Aktres feeling guilty pero masaya na makapag-spend ng quality time kasama ang kaniyang mister.

Beauty Gonzalez and Normal Crisologo vacation alone as a couple

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

Masaya na ibinahagi sa Instagram ng aktres na si Beauty Gonzalez na sa wakas ay nakapagsolo sila ng mister na si Norman Crisolo sa isang bakasyon. Ito ay matapos ng ilang taong ring pagbabakasyon nila na kasama ang anak na si Olivia.

Matatandaang bago pa man maikasal sina Norman at Beauty ay hilig na nila ang pagbabakasyon o pagpunta sa iba’t-ibang lugar. Saglit lang itong natigil ng maipanganak si Olivia. Pero matapos ang ilang buwan ay balik na ulit sa pagbyabyahe si Norman at Beauty at mula nga noon ay lagi na nga nilang bitbit si Olivia.

Kaya naman si Beauty hindi maitago ang saya na finally may quality time sila ni Norman.

“So this is happening, finally!  Four nights alone away from our perpetual third wheel
@oliviainescrisologo ?”

Ito ang bungad ni Beauty sa kaniyang Instagram post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres feeling guilty pero masaya na makapag-spend ng quality time kasama ang kaniyang mister

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

Pagpapatuloy pa ng aktres ay na may feeling of guilt siya na maiwan ang anak. Pero mas kailangan daw nitong pumasok sa school at tutukan ang pag-aaral niya sa ngayon. Kaya naman si Beauty at Norman susulitin ang oras na silang dalawa lang.

“Feeling a little bit guilty but no choice she has to be an Adult and go to school while WE get a chance to be Teenagers and Swim Naked at the Beach. Ha Ha Ha?
TARA! Join us, di kami Vloggers but we’ll update you guys via Stories and Reels. ?

Woohoo!! BALI VIRGIN no more! ❤️”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang masayang sabi pa ni Beauty.

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement