X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Beauty Gonzalez on how she is raising her daughter: “I talk to her like an adult. Hindi ko siya bine-baby talk.”

5 min read
Beauty Gonzalez on how she is raising her daughter: “I talk to her like an adult. Hindi ko siya bine-baby talk.”

Beauty ibinahagi rin kung balak pa ba niyang magkaroon ng isa pang anak.

Aktres na si Beauty Gonzalez ibinahagi kung paano niya pinalalaki ang only daughter niyang si Olivia.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • How Beauty Gonzalez raises and talks to her daughter Olivia.
  • May balak pa ba si Beauty na magkaanak pa ulit?
  • Pagsasama ni Beauty Gonzalez at mister na si Norman Crisologo.

How Beauty Gonzalez raises and to talks her daughter Olivia

Isa si Beauty Gonzalez sa mga aktres na nakilala bilang prangka o straight forward sa pagsagot sa mga isyu o katanungan tungkol sa kaniyang buhay.

Sa pinaka-bagong interview niya na ginawa ni Luis Manzano sa kaniyang vlog ay ibinahagi ni Beauty na pagdating sa pakikipag-usap sa anak niyang si Olivia ay diretso rin siya at wala ng pasikot-sikot pa. Ito daw ang style of parenting ni Beauty sa anak na alam niyang makakatulong kay Olivia.

“Ako when I talk to my daughter, I talk to her like an adult. Hindi ko siya bine-baby talk. I talk to her like she would also understand how I feel and I would understand how she feels. So dinederetso ko siya.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Beauty. Binigay niya ngang halimbawa ang isang instance sa Paris kung saan walang kalaro ang anak at namomoblema sa kung paano niya kakausapin ang mga French kids sa paligid niya. Si Beauty saglit na pinayuhan lang ang anak at sa tuwa niya pagbalik nito sa kaniya ay nagsasalita na ng French si Olivia.

“When we go to Paris maglalaro siya mag-isa. Sabi niya I can’t play with them I don’t know how to play with them. Sabi ko it’s not my problem, you should talk to them and play with them. Use your hands, mag-sign language ka. Iyak siya sabi ko ‘No, you should go there and be exposed.’ Lakad siya pagbalik niya sakin nagpi-French na siya sa sakin.”

Ito ang natatawa pang kuwento ni Beauty.

Dagdag pa ni Beauty labis siyang nag-eenjoy sa pagiging mommy sa 6 years old na ngayong si Olivia. Kakaiba nga daw ang bonding nila lalo pa’t 2 months old baby palang ang anak ay nakasama niya na itong mag-travel sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ng wala kasamang yaya.

Kuwento pa ni Beauty, masaya siya sa pagiging isang ina. Lalo na sa katauhan ni Olivia ay nakikita niya ang mini version niya at ang chance niya na maituwid sa anak ang mga pagkakamali niya noon sa buhay niya.

“The best part is seeing yourself, parang another version of you. Parang oh this is me, that is me. And now I can correct things. Parang if I did something bad in my past na ni-regret ko I have another chance in her. But I am not gonna be pushy. I will let her be for who she is but like being a mom you can have a better version of you”, sabi ni Beauty.

May balak pa ba si Beauty na magkaanak pa ulit?

Beauty Gonzalez on how she is raising her daughter: I talk to her like an adult. Hindi ko siya bine-baby talk.

Beauty kasama ang baby pa noong si Olivia at mister na si Norman Crisologo/Larawan mula sa Facebook account ng Nice Print Photography

Nang matanong nga ni Luis si Beauty kung may balak pa ba itong sundan si Olivia ay mabilis ang naging sagot niya na “No”. Ito daw ay dahil gusto niyang i-enjoy ang moments nilang magkakasama at hindi naman na bumabata ang mister niyang si Norman na 26 years rin ang agwat ng edad sa kaniya.

“Because, if you do the math with me and my husband, I would rather enjoy the rest of his life na kaming tatlo travelling around the world. I mean he’s too old to change diapers pa or run after kids. And I am happy with Olivia and me myself also parang bata rin ako e so ok na ako.”

Ito ang natatawa pang kuwento ni Beauty.

Sa pagiging ina, ito daw ang best advice na natanggap ni Beauty mula sa mga friends niyang mommy narin tulad niya. Ito rin daw ang advice na gusto niyang i-share sa iba pang mga ina.

“The best advice I ever received is, you always have to love yourself first. Love yourself as a mom. You should take care of yourself for you to give love to other people and for them to love you back.”

Relasyon ni Beauty Gonzalez at mister na si Norman Crisologo

beauty gonzales with husband norman cisologo

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

Si Beauty nagagawa daw na mas mahalin pa ang sarili niya sa tulong ng mister niyang si Norman na very supportive sa kaniya. Isang bagay kaya nai-enjoy ni Beauty ang may asawa at pamilya niya.

“Hindi siya seloso, in fact he’s very supportive. All of my shows nanonood talaga siya and he makes comment about it. He suggests sometimes kung sinong bagay sakin na maging ka-love team.”

“He is really open about it. Kasi right now that he sees me at my prime, that’s what he says why not make most of it. Kasi pag mataba ka na ako na mismo magtatago sayo.”

Ito daw ang sinasabi ng mister ni Beauty sa kaniya.

Luis Manzano’s Vlog

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Beauty Gonzalez on how she is raising her daughter: “I talk to her like an adult. Hindi ko siya bine-baby talk.”
Share:
  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.