Mababasa sa artikulong ito:
- Mga signs na nagseselos ang lalaki.
- Paano i-hahandle ang pagseselos ni mister o ng iyong partner.
Ano ang jealousy o pagseselos?
Ayon sa Psychology Today, ang jealousy o pagseselos ay isang feeling na kung saan nakakaramdam ng threat ang isa sa magkapareho sa kanilang relasyon. Mahalaga sa pagsasama ang feeling ng jealousy o pagseselos.
Sapagkat maaaring magdulot ito ng negatibo o positibong epekto sa relasyon. Pero madalas, lamang ang negatibo dahil kapag sumobra ang pagseselos ay maaaring maging mitsa pa ito ng pagkasira ng relasyon.
Bagama’t nakasanayan, hindi naman sa lahat ng oras ay ang mga babae lang ang nakakaramdam ng selos sa isang relasyon. May mga pagkakataon ring maaaring si mister naman ang nakakaramdam nito.
Subalit hindi tulad nating mga babae ay pinipilit nilang hindi ipahalata o itago ito. Kaya naman mabuting malaman ang mga signs na nagseselos ang lalaki o ang mister mo. Pati na ang mga dapat mong gawin upang maiwasan itong pagsimulan ng gulo sa pagsasama ninyo.
5 signs na nagseselos ang lalaki at paano mo ihahandle ang mga ito
1. Hindi ka niya pinagkakatiwalaan sa oras na hindi kayo magkasama.
Vintage photo created by snowing – www.freepik.com
Madalas bang magtanong ang mister mo, kung nasaan ka at sinong mga kasama mo? Bagama’t maaaring concern lang siya sa ‘yo, mataas din ang tiyansa na nagseselos siya at nag-aakalang may kasama kang iba.
Sa mga ganitong sitwasyon, kahit na nakakairita ay manatiling kalmado. Ipaalam sa kaniya ang mga impormasyong nais niyang malaman.
Iparamdam pa rin sa kaniya ang pagmamahal mo para kahit papaano ay pakalmahin din ang pagseselos na kaniyang nadarama. Huwag kalimutang kumustahin kung kumain na ba siya o ipaalala sa kaniyang mahal mo siya.
Mas mainam kung bago ka pa man umalis ay ipaalam na sa kaniya kung saang lugar ka pupunta at sino ang iyong makakasama. O kaya ay ayain din siyang sumama sa ‘yo.
Upang mabawasan na ang paghihinala o pag-iisip niya sa kung ano ang mga ginagawa mo. Higit sa lahat upang maiparamdam sa kaniya na mayroon kang respeto.
2. Sumisimangot siya o nag-iiba ang timpla ng mukha niya sa oras na may nababanggit kang pangalan ng isang lalaki.
Bigla na lamang bang nabago ang mood ni mister ng biglang mapasok sa usapan ninyo ang isa sa iyong katrabaho o kaibigang lalaki? Kahit na hindi siya nagsasabi ng kahit anong salita tungkol rito, mataas ang tiyansang pinagseselosan niya ito.
Hindi makakatulong ang pagiging defensive mo sa ganitong sitwasyon. Sa halip ay mas mainam na iparamdam sa kaniya na kung bakit masuwerte ka dahil siya ang kasama mo.
Iparamdam na mahalaga siya sayo. Alisin ang nararamdaman niyang insecurity sa pamamagitan ng pagpuri sa kaniya. Higit sa lahat ay huwag mawalan ng oras na mag-spend ng quality time na kasama siya.
BASAHIN:
Trust your hubby! Dahilan kung bakit hindi dapat magselos kapag may kaibigang babae si mister
4 marriage tips for seloso husbands mula kay Nico Bolzico
5 paraan para maiwasan ang pagseselos
3. Lagi niyang tinitignan ang social media account mo.
Technology photo created by jcomp – www.freepik.com
Lagi bang nakabantay si mister sa social media account mo? Iniisa-isa niya rin ba ang mga lalaking nagla-like o nag-cocomment sa post mo? Pati ba message history mo ay chine-check niya na?
Kung oo, malamang may tao siyang pinagseselosan na inaakala niyang umaaligid sayo. Kung wala namang tinatago ay hayaan siyang tingnan ang mga gusto niyang tingnan.
Makakatulong din kung kakausapin siya ng mahinahon tungkol rito ng kayong dalawa lang. Sabihin sa kaniya ang naiisip mo at i-assure siya na sa kahit anong oras ay maaari siyang magsabi ng nararamdaman niya sa ‘yo.
Muli ay iparamdam sa kaniya na higit sa kanino pa man, siya ay mahalaga para sa ‘yo. Ganoon din ang relasyon ninyo.
4. Iniisip niyang niloloko mo siya o may ibang lalaki ka.
Kapag ganito na ang sitwasyon, ang selos na nararamdaman ng mister mo ay malalim na. Maaaring dahil nabigo kang makita ang mga pangunahing signs na siya pala ay nagseselos na.
Kaya naman ang maliit na bagay lang noon ay naging malaki na. Imbis na salubungin ng galit ang pagseselos niya, manatiling kalmado.
Huwag piliting pag-usapan ang isyu kung kapwa mainit ang ulo ninyo. Hayaan munang lumipas ang init sa pagitan ninyong dalawa. Saka pakinggan ang mga hinaing niya at kung kinakailangan ay magpaliwanag ka para pagaanin ang loob niya.
5. Sinusubukan niyang kontrolin ka.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Ito ay maaaring makabuti ngunit maaari ring makasama kung sumobra. Para maiwasan ang pagtatalo o gulo sumunod sa mga gusto niya. Kung pakiramdam mo ay hindi naman ito nakakasama sa ‘yo.
Kung nais niyang malaman ang bawat lugar na pupuntahan mo ay sundin ito. Makakatulong din kung iiwasan ang taong pinagseselosan niya para wala ng gulo.
Ito ay kung hindi ito makakaapekto sa functions o trabaho mo. Pero kung ang gusto niya ay may makokompromiso tulad ng trabaho o ang relasyon mo sa ibang tao na wala namang kinalaman sa insecurities niya.
Kailangan mo ng komprontahin ang iyong partner. Ipaintindi sa kaniya na hindi mo ini-encourage ang bad behavior na ito. Sapagkat bilang isang mag-asawa kailangan niya ang pagtitiwala mo.
Mahirap pero muli kailangan mong maging kalmado habang ginagawa ito. Kung nahihirapan na ay huwag magdalawang-isip na humingi ng payo ng eksperto.
May mga therapy o activities na makakatulong para mas tumibay ang pagtitiwala ninyo sa isa’t-isa. Huwag hayaang sirain ng selos ang isang relasyon na sinimulan ninyo ng puno ng pagmamahal at saya.
Source:
WebMD, Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!