Nico Bolzico nag-share ng marriage tips sa pinakabago niyang Facebook post na sabay na namang nagpatawa at nagpakilig sa mga netizens.
Image screenshot from Solenn Heusaff’s Instagram account
Kilala si Nico Bolzico bilang mister ng aktres na si Solenn Heusaff. Ang relasyon nga nila ay isa sa #couplegoals ng marami nilang fans at followers.
Ito ay dahil sa pagpapakita ng both good and bad sides nila na tulad ng mga ordinaryong tao sa social media. Ang pinakapatok nga sa mga memes ni Nico Bolzico ay ang kaniyang mga real life experience kasama ang kaniyang asawang si Solenn na tinagurian niyang “Wifezilla.”
Nakahiligan na nga ng mga netizens na sundan ang buhay ng mag-asawa sa social media dahil sa nakakakilig at nakakatawang twist nito na inspirasyon sa marami lalo na sa mga magkarelasyon.
Sa pinakabagong post nga ni Nico Bolzico sa kaniyang Facebook account ay nagshare siya ng ng kaniyang experience at tips para sa mga couples na talaga namang marami sa atin lalo na sa mga lalaki ang makaka-relate.
4 Marriage tips ni Nico Bolzico
Sa post na ito ni Niko ay makikita ang isang larawan ni Solenn na kung saan nakaturo ang isa niyang kamay sa kaniyang daliri na may singsing.
Ayon kay Nico, ito daw ang laging reaksyon ni Solenn sa tuwing may nagpo-propose sa kaniya. Ang post nga ni Nico na ito ay sinimulan niya sa pamamagitan ng pagpuri sa kung gaano kaganda ang asawa niya na lagi niya namang ginagawa.
“As you all know my wife is very beautiful, probably the most beautiful girl in the world, that is why she has so many guys proposing to her all the time. The picture shows her reaction every time someone proposes. Look again, she is not showing the middle finger!”
Ang usual experience nga na ito ang naging inspirasyon ni Nico para i-discuss ang kaniyang feelings sa tuwing nakikitang may kausap na ibang lalaki ang kaniyang asawa.
Sa post din na ito ay inamin ni Nico kung gaano siya kaseloso bago niya nakilala si Solenn at kung paano siya hindi naniniwala sa friendship sa pagitan ng opposite sex na ayon sa kaniya ay “1 million times” na mali.
Ilan pa nga sa realizations turn marriage tips ni Nico tungkol sa pakikipagusap ng asawa sa ibang lalaki ay ang sumusunod:
Tip #1: “If our relationship is based in trust and respect, we shouldn’t be worry about it, and we should be fine with our ladies talking to other guys.”
Ayon kay Nico, ayos lang daw na hayaang makipagusap ang mga babae sa ibang lalaki.
Sa pamamagitan nito ay naipapakita mo ang respeto at tiwala mo sa kaniya. Dahil ayon parin kay Nico, ang maling reaksyon sa tricky situation na ito ay napakacritical hindi lang sa future ng inyong relationship kundi pati narin sa iyong physical health.
Tip #2: “Might be difficult seeing them talking to another guy; but it is ok, they should be able have male friends, as we should be able to have female friends.”
Oo nga’t para sayo ang asawa mo ang pinaka-maganda at pinaka-precious na tao sa buong mundo at ayaw mong maagaw siya ng iba sayo pero kailangan daw tandaan na ang isang relasyon ay dapat based on trust and respect palagi. Dahil sa ganitong paraan ay maiiwasan ang mga un-funded fights, drama at higit sa lahat ay ang degradation ng inyong relationship.
Image screenshot from Nico Bolzico’s Instagram account
Tip #3: “If you really love her, then: trust her, give her the freedom she deserves and let her be; this way you will see your relationship getting stronger every day!”
Ang pagbibigay daw ng kalayaan at pagtitiwala sa iyong asawa ay isang paraan para mas mapatatag ang isang relasyon. Dito ay mas mabibigyan ninyo ng oras ang isa’t-isa na gawin ang mga bagay na magpapasiya sa mga sarili ninyo na ang kailangan lang ay pagtitiwala.
Dahil sa kilalang sense of humor ni Nico, hindi syempre nawalan ng humor ang lengthy post niya na ito na sinabi niya sa pamamagitan ng isang disclaimer. Ito ang pinakahuling piece of advice ni Nico na proven at tested na niya para makaiwas sa away mag-asawa.
Tip #4: “As usual, these are my words based on what I believed and experienced, as usual I can be wrong; and, if by any means, what I write, say or even think, is not in line with my wife opinion, then my wife opinion should predominate and everything else was wrong, even if that means contradicting, math, physics, gravity, supreme justice or the Pope, she is right.”
Ang mga piece of advice na ito na galing kay Nico ay ilan lang sa mga sikreto ng masaya at kwelang pagsasama nila ng asawang si Solenn na halos tatlong taon ng kasal at nagsasama.
Sources: Push, Cosmo.PH
Basahin: Doug Kramer to husbands: “Date your wife”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!