Sa bawat relasyon, mahalagang matutunan kung paano maiiwasan ang selos. Ang pagseselos ay isa lamang miskomyunikasyon sa mga nagsasama. Madalas man itong pinaguugatan ng pag-aaway, ang hinihiling lamang ng nagseselos ay ang kasiguraduhan.
Oo natural ang pagseselos sa isang relasyon. Ngunit kung ito ay hindi hinawakang mabuti at pinagpatuloy lang, maaari itong magsulot ng pagkasira sa inyong relasyon. Kaya naman mas maganda na pag-usapan ang isang pangyayari lalo na kung nakakaramdam ng selos ang iyong partner. Paano nga ba maiiwasan ang pagseselos?
Tips para mawala ang selos
Maaaring iba ang maging dating nito sa iyong partner kaya makakabuting sa iyo pa lamang ay maisawan na ito. Alamin ang limang paraan kung paano nga ba maiiwasan ang pagse-selos.
Paano maiiwasan ang selos? | Image from Shutterstock
1. Ipakita ang pagmamahal at pagmamalasakit
Matapos ang ilang taon ng pagsasama, maaaring humupa na ang pakikipag-lambingan sa iyong partner. Maaaring hindi na naipaparamdam ang pagmamahal at pagmamalasakit tulad ng dati. Normal lamang ito. Subalit, kung makita ang partner ay nae-enjoy ang atensyon mula sa ibang tao, maaaring magselos. Ang pagseselos na ito ay paalala lamang na ang iyong partner ay kaakit-akit.
Bigyan din siya ng atensyon at iparamdam sa kanya na nakikita mo siya bilang ang kaakit-akit na siya. Iparamdam sa kanya ang iyong buong pagmamahal at pagmamalasakit. Ikakatuwa niya ang atensyon na ito at mas tutuunan ka niya ng pansin.
2. Pigilan ang mga negatibong nakikita sa sarili
Mayroong mga pagkakataon na ang sariling insecurities ang nagdudulot ng pagseselos. Dahil dito, maaaring magselos kung makita ang partner na may kausap na sa iyong pananaw ay kaakit-akit.
Ang iyong pagseselos ay nadudulot ng iyong pananaw na ikaw ay hindi sapat para sa iyong partner. Para mapigil ito, huwag kalimutan ang mga positibong features ng iyong sarili. Sa bawat negatibong makikita sa sarili, humanap din ng positibong aspeto. Halimbawa, kung makakita ng tigyawat sa mukha, bigyang pansin ang ganda ng iyong mata.
Sa pagtaas ng kumpiyansa sa sarili, mababawasan ang pagseselos na maaaring maramdaman.
Paano maiiwasan ang selos? | Image from Shutterstock
3. Pabutihin ang sarili
Kaugnay ng pagkita sa mga negatibo sa sarili, may ilan na maaaring baguhin. Hindi kailangan ng malaking pagbabago na maaaring idulot ng pagpapa-opera. Maaaring ito ay pagbabago lamang ng maliit na bagay tulad ng pag-eehersisyo.
Malaking bagay ito kung ikaw ay nagseselos nang makita ang partner mo na may kausap na maganda ang katawan. Ngunit laging isaisip na ang bawat tao ay may kakaibang kagandahan. Hindi kailangan na mainggit sa iba kung sila ay meron ngunit wala ka.
4. Paano maiiwasan ang pagseselos? Kausapin ang iyong partner.
Ang pagseselos ay miskomyunikasyon lamang sa isang relasyon. Makakabuti na kausapin ang iyong partner sa simula pa lamang ng pagkaramdam ng selos para hindi na ito lumala. Tandaan na maging mahinahon sa pagkausap sa iyong partner at huwag itong idaan sa galit.
Maaari itong hindi maintindihan ng iyong partner at kanya pang maisip na sinisisi mo siya sa iyong pagseselos. Maaari siyang masakal nito at maramdaman na wala kang tiwala sa kanya. Mahinahon siyang kausapin at humingi lamang ng seguridad ng kanyang pagmamahal.
Kapag iyong nararamdaman ang kanyang pagmamahal at seguridad, mas mababa ang tsansa na makaramdam ng selos.
Tips para mawala ang selos | Image from Shutterstock
5. Bitawan ang iyong mga nakaraan
Minsan, ang pagseselos ay dulot ng mga sariling karanasan. Maaaring ito ay dahil nasaktan ka sa isang dating partner. Kahit pa iba na ang karelasyon, may mga pagkakataon na bumalik ang mga ala-alang ito kasama ng galit sa pangyayari. Alamin ang ugat ng iyong pagseselos at i-let go ang mga nangyari na.
Gumawa ng mga paraan upang mabitawan ang nakaraan. Ito ay makakabuti sa kasalukuyang relasyon.
May mga pagkakataon na mahirap pigilan ang pagseselos. Subalit, imbes na idaan ito sa galit ay tandaan na kailangan lamang ng seguridad. Huwag nang hayaan maging pag-aaway na maaaring makasira sa pagsasama ang nararamdaman.
Source:
Psychology Today
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!