Beauty Gonzalez sa pagpasok ng anak niyang si Olivia sa showbiz: "Hindi pa ako ready."

Si Beauty mas gustong mag-concentrate muna ang anak sa pag-aaral niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Beauty Gonzalez nakasama ang anak na si Olivia sa isang pelikula. Pero aktres, hindi pa daw ready na pasabakin na si pag-aartista ang anak.

Mababasa dito ang sumusunod:

Beauty Gonzalez sa pag-aartista ng anak niyang si Olivia

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

Marami ang natutuwa sa mga Instagram post ng aktres na si Beauty Gonzalez lalo na kapag kasama nito ang kaniyang mag-ama. Ang anak niyang si Olivia ay sinasabi ngang mini me ni Beauty at tantiya ng mga netizens ay magiging aktres din ito tulad ng kaniyang ina.

Sa isang panayam ay naging direkta ang sagot ni Beauty ng matanong tungkol sa kung mag-aartista na si Olivia. Ito ang naging sagot ni Beauty.

"Hindi pa ako ready."

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa aktres, ay nakasama niya ang anak sa ilang tagpo sa ginagawa niyang pelikula ngayon. Pero ito ay para maipakita at maipaintindi lang sa anak ang propesyon niya. Hindi daw ito para pumasok narin ang anak sa showbiz na ayon kay Beauty ay mas priority niya ang pag-aaral ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Parang, okay, nice experience for her. And then, sabi niya na, now I understand when you tell me na pag uwi ko, I'm so stressed and tired, Olivia. Or like, you know, na ano, parang naiintindihan na niya yung working ko. But for now, sabi ko sa kaniya, you go back to school."

Ito ang pagbabahagi pa ni Beauty.

Buhay pamilya nina Beauty Gonzalez at mister niyang si Norman Crisologo

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makikita naman sa mga social media post ni Beauty kung gaano kasaya ang pagsasama at pamilya nila ng art curator na si Norman Crisologo. Kahit na nasa higit 15 years ang age gap nilang mag-asawa ay makikitang enjoy nila ang presence ng isa’t-isa. Hindi nga nawawala sa kanila ang lambingan at harutan kahit pa kasama nila ang only girl nilang si Olivia. Si Olivia ay walong taong gulang na.