Hindi madali ang pagiging ina. Madalas, dahil nakatutok sila sa pag-aalaga sa kanilang pamilya, nawawalan na sila ng oras para sa sarili. Hindi rin makakaila na ang ilang mommies ay nakakaramdam ng insecurity dahil sa mga pagbabagong pinagdaanan ng kanilang katawan noong sila ay nagbubuntis, at matapos nilang manganak. Kaya mahalaga ang pagkakaroon ng beauty tips para sa mommies.
Importante sa mga mommies na mahalin ang kanilang mga sarili at yakapin ang kanilang taglay na natural beauty. Ito ay nakakatulong upang ma-boost ang kanilang self-esteem, at maging komportable sa kanilang mga sarili.
At sa isang interview, ibinahagi sa amin ni JOHNSON’S® mom Bianca Gonzalez-Intal ang kaniyang karanasan bilang isang ina, pati na rin ang mga beauty tips para sa mommies upang lalong lumabas ang kanilang tunay na kagandahan!
Simpleng beauty tips para sa mommies!
View this post on Instagram
Para sa maraming ina, hindi madali ang pagbubuntis. Maraming pagbabagong nangyayari sa iyong katawan, at kadalasan wala kang kontrol dito.
Hindi rin magiging madali ang iyong buhay matapos mong manganak. Maraming ina ang nahihirapan sa weight loss, at ito ay minsan nagiging sanhi rin ng postpartum depression.
Kahit si super mommy Bianca ay pinagdaanan ang mga ito. Pero naniniwala siya na mahalaga sa mga ina ang yakapin ang kanilang natural na kagandahan. Ibinahagi rin niya sa amin ang kaniyang mga karanasan bilang ina, at ang kaniyang mga beauty tips para sa mommies.
Nakakaranas ka ba ng pregnancy symptoms like skin breakouts, linea negra, dark spots, falling hair, etc? Paano mo ito nagawan ng paraan?
YES! All of the above ng lahat ng skin problems, na-experience ko with either my first or this second pregnancy! Sobrang daming pimples sa likod ko, nagkaka-giant pimple ako sa mukha na minsan sa ilong pa at gitnang-gitna ng mukha, linea negra was very, very dark, falling hair every single time I take a bath or brush my hair, lahat!
I asked friends na mommies na rin, I researched different articles, and nung nalaman ko na normal symptoms naman ito, I just accepted it as side effects of hormones dahil buntis ako. Wala naman akong ibang magagawa! Haha. Acceptance lang talaga and work with the challenges.
Sa pimples ko sa likod, I just wore clothes na mas takip ang likod. Sa falling hair, I just used milder baby products. The linea negra I never had a problem with it, I wore it as parang a badge of honor. You just really have to accept na as you grow older, your body goes through changes din, lalo na kapag buntis. May ibang magagandang buntis, pero kanya kanya talaga tayo ng pinagdadaanang changes!
Paano mo napapanatiling fit and beautiful ang iyong sarili habang buntis?
View this post on Instagram
Sa totoo lang, sometimes it takes A LOT OF EFFORT para mukhang presentable pa rin kahit buntis.
Kahit mas gusto kong humiga, pinipilit kong mag-exercise (na doctor approved!) once or twice a week, kasi ako din ang mahihirapan if I am not strong enough to carry my tummy na pabigat nang pabigat. And based on my experience sa unang baby, mabilis ako naka-recover after giving birth dahil active ako through my pregnancy.
Important though to check with your health care professional or doctor kasi iba-iba bawat buntis. Ako kasi 7 years na ako na pilates ang workout kaya sanay na ang katawan ko.
Skincare also is important to me pag buntis! Pag buntis ako, sobrang dry ng skin ko! So kahit antok na antok na ako sa gabi at mas masarap na matulog nalang, I still cleanse, tone, moisturize and massage my face.
Of course I know some moms don’t really have the time to do all these, and that’s okay and that’s normal. Sometimes it can be as simple as taking care of your skin with the same thing you use on your baby, like me I also use JOHNSON’S Milk™ Lotion all over my body.
Naiisip mo rin ba na may mga araw na ang hirap maging maganda at gusto mo lang magtalukbong at hindi na lumabas ng kwarto?
ALWAYS! Tulad ng sinabi ko kanina, ang sarap na matulog lang buong araw lalo laging pagod ang pakiramdam ng buntis. But I’m also learning that being a mom doesn’t mean forgetting about taking care of yourself.
Kunwari, putting lotion all over your body takes less than 5 minutes pero ang laki ng effect. I personally use JOHNSON’S Milk™ Lotion, the one I also use on Lucia! It smells so good and not a tagline, but it really keeps my skin soft.
Paano naiba ang pagbubuntis na ito kumpara sa una mong pagbubuntis?
Ibang iba! Sa first pregnancy ko (three years ago), parang tiyan ko lang lumalaki. This pregnancy, I suffered from Hyperemesis Gravidarium nung first four months ko. Suka ako nang suka, mga 8 to 10 times a day. Ang hirap.
May 2 weeks nun na 10 pounds halos nawala sa akin sa kakasuka. Til now na 8 months na ako, nagsusuka pa rin ako. Pero like I always remind myself and friends, every pregnancy is different talaga.
Paano ninyo sinabi kay Lucia niyo na magiging ate na siya?
View this post on Instagram
Nung nalaman pa lang namin na buntis kami, we already told our firstborn Lucia. Meron akong picture sa sala nung buntis ako sa kanya, so lagi namin kinukwento na siya ang nasa loob ng tiyan ko noon. Sinama din namin siya sa isang check up sa doctor at nakita niya ang ultrasound.
I guess we want her to be part of the process para ma-feel niya na baby din niya ang paparating. Ngayon, she says good morning and good night everyday sa baby sa tiyan ko, she sings to my tummy, prays, kisses. Sana hanggang paglabas ng baby ay ganun, hehe, I know kasi iba din pag nakakita siya ng actual baby. We’ll see!
Anong paghahanda ang ginagawa ninyo sa panganay ninyo para hindi siya magselos?
Like my kwento earlier, we just have made her part of the process. We are also managing our expectations for when the day comes na manganak na ako, kasi hindi naman namin pwersahin ang bata sa mararamdaman niya, na malalaman lang namin the day they meet.
Sana ay nakatulong ang mga kwento at beauty tips para sa mommies na ibinahagi ni Bianca! Tandaan, mahalin niyo ang inyong sarili moms, kahit na maraming pagbabago ang pinagdadaanan niyo bilang isang ina.
Basahin: 7 Post-pregnancy beauty woes and highly effective solutions!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!