Belle Daza ini-encourage ang mga magulang na bawasan ang oras sa paggamit ng cellphone at ilaan ang oras sa pakikipagbonding sa anak.
Belle Daza Instagram video
Isang video ang ginawa ni Belle Daza bilang paalala sa kaniyang sarili sa kung anong nakikita ng kaniyang anak na si Baltie sa tuwing magkasama sila.
Sa video ay makikita na mula pagising ni Baltie sa umaga hanggang sa pagtulog nito sa gabi ay hawak ng kaniyang ina na si Belle Daza ang cellphone nito.
Kaya naman, ayon kay Belle Daza ang video ay ginawa bilang paalalala sa kaniya na maging better mother sa kaniyang anak sa pamamagitan ng pagbabawas ng paggamit ng cellphone at mag-spend ng quality time kasama ito.
Sa naturang video ni Belle Daza na ipinost niya sa kaniyang Instagram account ay nakalagay rin kung gaano niya kadalas hinahawakan ang kaniyang cellphone na 136 times, ginagamit ito ng 6 hours at may recorded 53 minutes screen time per day.
Maraming mommy nga ang nakarelate sa post na ito ni Belle Daza na sinabing guilty rin sila sa nagiging epekto ng technology sa pagiging ina nila sa kanilang anak.
I love your this..should be a reminder for all … This is the reason why my husband and I deactivated our facebook accounts. Spending more time with our 2 y/o son is the most important thing than browsing on social media. Thank you ms. @isabelledaza 😍😍😍
OMG!! This is me I swear 😂😂 @isabelledaza so true!! 😜
♥️♥️♥️ very true! I really admire u. You have such wisdom and its beautiful how u appreciate and look at things and what really matters in life. 🤗💖
@_c0c0puff its a fact 🤷🏻♀️💆🏻♀️ hahahaha phones create barriers to experiences and relationships
Hahha super relate! 🤣 can’t blame us mom, with those super cute babies you want the whole world to know you have one! 👼🏻🤗🇵🇭
I need to this too… I feel so guilty..☹️😔discipline is the key.
Kaya naman para hindi na maguilty at mas mabigyan ng oras ang anak ay narito ang ilang tips na maaring gawin para mabawasan mo na Mommy ang paggamit ng cellphone.
7 Tips para mabawasan ang paggamit ng cellphone
Ayon sa psychology professor at author ng librong “The Distracted Mind” na si Larry Rosen, madalas tayo ay tumitingin sa ating cellphone ng kada 15 minutes kahit wala namang alerts o notification.
Dahil daw ito sa pagkakabuo ng layer of anxiety na kapag hindi natin nacheck ang ating cellphone ng madalas ay tila may namimiss na tayo sa ating buhay.
Maliban nga daw sa naidudulot nitong anxiousness sa atin ay may masamang epekto rin ito sa ating mental health at nakakapagdulot ng negative mood sa mga tao.
Kaya naman para maiwasan ang mga epekto nito ay may paraan at tips na ibinahagi si Prof. Rosen para unti-unting mabawasan ang paggamit at addiction sa iyong cellphone.
1. Magkaroon ng schedule sa pagchecheck mo ng cellphone.
Ang unang hakbang para unti-unting mabawasan ang paggamit ng iyong cellphone ay ang pagkakaroon ng schedule kung kailan mo dapat i-check ito.
Gawin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng alarm bilang palatandaan na maari mo ng i-check ang iyong phone.
Simulan ito sa kada 15 minuto, i-adjust ng kada 30 minuto, o kaya hanggang isang oras na interval.
Kapag tumunog ang alarm ay tingnan ang notifications at alerts ng isa hanggang dalawang minuto at i-reset na muli ang timer ng another 15 minutes interval.
Makakatulong rin na sabihan ang mga kaibigan, kapamilya, kamag-anak na maaring hindi ka agad makakasagot sa mga messages nila ng mabilis habang unti-unti mong binabawasan ang cellphone usage mo.
2. I-turn off ang mga push notifications na hindi naman importante.
As much as possible ay i-allow lang ang notifications sa mga importanteng app na kailangan mo gaya ng email, calendars at messages.
Patayin ang notifications sa mga social media accounts para hindi ka madistract ng mga simpleng paglilike ng iyong mga friends sa latest post mo.
3. Tanggalin ang mga distracting apps sa iyong cellphone.
Hangga’t maari ay magkaroon ng mga apps sa iyong phone na kakailanganin mo.
Mas makakabuti rin na i-uninstall ang mga social media apps gaya ng Facebook at Instagram at magbukas lang ng mga ito gamit lang iyong phone web browser.
4. Huwag itatabi sa pagtulog ang iyong cellphone.
Huwag ng ugaliin na dalhin ang iyong cellphone sa inyong bedroom at ito ang nakikita mo bago matulog.
Ilayo ito sa iyong higaan na hindi mo maabot o i-charge ito sa lugar na malayo sayo.
Kung kailangan ng pang-alarm ay gumamit ng regular na alarm clock.
5. Gamitin ang smart speaker option ng iyong cellphone.
Kung mayroong smart speaker option ang iyong cellphone ay gamitin para mabawasan ang iyong screen time.
Sa tulong ng voice command option na ito ay malalaman mo ang notification sa iyong cellphone ng hindi na ito tinitingnan.
6. I-grayscale ang theme ng iyong cellphone.
Para magmukhang hindi kaakit-akit sayong mata ang iyong cellphone ay i-grayscale ang theme nito.
Sa pamamagitan nito ay magiging less desirable ito sa iyong paningin at hindi mo na ito madalas na titingnan.
7. Maging disiplanado.
Para tuluyan mong mabawasan ang paggamit mo ng iyong cellphone ay kailangan mong maging disiplanado sa paggawa nito.
Pwede ka ring mag-install ng mga apps na nagtratrack ng iyong smartphone habits tulad ng QualityTime o Moment para matulungan ka sa iyong goal.
Ang sobrang paggamit ng cellphone ay hindi lang nakakasama sa ating kalusugan kung hindi pati narin sa ating pamilya.
Kaya naman para mas maging connected at magkaroon ng quality time kasama sila ay dapat bawasan na ang paggamit mo ng cellphone at ilaan ang oras para mas maiparamdam sa kanila ang pagmamahal mo at pag-aalaga.
Sources: Inquirer, Very Well Family, CNBC
Basahin: Isabelle Daza, dinodoble ang savings ng mga kasambahay niya taun-taon