Kilalang-kilala na ngayon ang bandang Ben and Ben sa larangan ng Original Pilipino Music (OPM), marami tuloy ang napapaisip kung gaano nga ba kaclose ang twins na sina Paolo at Miguel sa isa’t isa.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ben and Ben twins gaano nga ba kaclose sa isa’t isa?
- Paolo Benjamin nakaranas ng depression
Ben and Ben twins gaano nga ba ka-close sa isa’t isa?
Bago pa man tamaan ng pandemic ang buong mundo kabilang na ang bansa, kaliwa’t kanang gigs nang mapapanood ang bandang Ben and Ben.
Naging matunog kasi ang pangalan nila lalo sa larangan ng Original Pilipino Music (OPM) na kadalasang audience ay ang mga kabataan. Ilan sa mga sumikat nilang kanta ay ang “Pagtingin,” “Ride Home,” at “Lifetime.”
Dahil tuloy sa pagiging matunog nito marami ang naging curious sa mga miyembro ng banda lalo na ang kambal na si Paolo Benjamin Guico at Miguel Benjamin Guico na parehong lead vocals at tumutugtog ng acoustic guitar para sa banda. Ilan sa mga naging usap-usapan ay kung gaano nga ba kaclose ang dalawa sa isa’t isa?
Sa isang YouTube video ng TV host na si Karen Davila ay pinaunlakan nila itong bumisita sa kanilang tahanan at masilip ang buhay nila bilang kambal.
Ibinahagi dito na ang mismong pamilya ng kambal ay musically inclined din dahil kumakanta rin ang nanay nitong si Socorro Guico habang tumutugtog naman ng instrument ang tatay nilang si Benjamin Guico.
Dito rin nila sinabing sanay sila na magkakasama sa iisang bahay ng kanyang pamilya kaya hanggang ngayon ay hindi maitatanggi ang labis na closeness ng kanilang pamilya.
“We’ve been close as a family ever since.”
Dahil raw sa 15 years silang nag-serve sa simbahan, isa rin daw ito sa dahilan kung bakit sila tagumpay sa larangan ng musika ngayon,
“We credit of course faith, and our relationship with our parents and our families.”
Ibinahagi rin ni Paolo Benjamin ang struggle nila sa banda at maging bilang kambal,
“I think sa aming dalawa I was the one who struggle more with it kumbaga sa magkapatid pa nga lang may comparison paano pa kaya kung identical twins?”
“I grew up feeling na there’s a constant need to prove myself.”
Pagkukwento niya pa sa kanilang dalawa daw ni Miguel siya ang mas ‘malaki’ noon. Hindi raw naiiwasan na kinukumpara maging ang timbang niya sa kambal ng ibang mga kamag-anak nila at tanungin kung bakit daw mayroon siyang mabigat na timbang pero ang kambal ay hindi.
Dagdag pa ni Paolo, kakaiba raw talaga ang bonding nilang magkambal.
“Pagdating naman sa aming dalawa, you know the things na kami lang iyong nakakaalam or nakakaintindi. Solid talaga kami.”
Kinwento naman ni Miguel kung ano nga ba ang relasyon nila mula pagkabata.
“Sa aming dalawa para kaming may sariling mundo.”
Inaalala rin ni Miguel na sa tingin niya kaya naging creative ang kanilang pag-iisip ay dahil noong bata sila ay mahilig silang maglaro at mag-imagine ng mga bagay-bagay.
“Siguro kaya kami naging artist kasi nag-iimagine kami ng worlds na ‘yun ‘yong play namin noong bata kami.”
Bagaman kambal daw, marami pa ring pagkakaiba ang dalawa. Ayon sa kanila si Miguel daw ang mas madalas na umiinit ang ulo ngunit siya rin ang mas pasensyoso at unang humihingi ng patawad kung may kasalanan. Pagbibiro pa ng dalawa, wala raw babaero sa kanila.
BASAHIN:
Want to have twins? These 5 factors increase your chances of having multiple births
Ina, pinayuhan ng mga doktor na ipalaglag ang kaniyang kambal
Paolo Benjamin nakaranas ng depression
Naikwento na rin ni Paolo na taong 2019 daw ang pinaka-depressing na panahon para sa kanya. Mistulang parang bombang nagsabay-sabay raw ang problema noon na halos hindi na siya nakaiwas pa.
Matinding pagsubok daw ang hinarap niya sa relasyon, pamilya, at maging trabaho noong taong iyon. Bagaman ganito, nagpapasalamat siyang naranasan niya na ang kaniyang mahirap na pinagdaanan.
“It led me to do new things that I didn’t do for a long time. Like exercising, actually.”
Dahil nga pangunahing suliranin niya noon ang timbang, sinubukan niyang magbawas sa loob ng dalawang taon. Nagtagumpay siya at nawalan siya nang halos 80 pounds na labis na ikinamangha ng kanilang mga fans at netizens.
“It’s one of the best things I did for myself. It’s very hard [to be overweight]. Kumbaga sa loob pa nga lang eh, paano pa kaya sa ibang tao.”
Kahit daw maraming pangkukutya ang natanggap niya ang mabigat pa ang timbang mahal niya pa rin daw ang isang version ng sarili niyang ito.
Sa kabila naman daw ng ginhawa nila ngayon marami rin daw silang naranasang hirap mula noong bata. Kaya nga ngayon ay grateful sila sa lahat ng kanilang natatamasang blessing.