BEWARE: Trending challenge sa TikTok, dahilan ng pagka-overdose at death ng mga bata

Aware ka ba sa trending na Benadryl Challenge sa TikTok? Moms, siguraduhin na alamin ang mga ginagawa ng ating kids sa social media para maiwasan ito. | Lead image form Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Benadryl Challenge sa Tiktok, aware ba kayo rito? Ito ang nauusong challenge ngunit isa ring dahilan para tutukan ng maigi ang iyong anak na ‘wag gagawin ito.

BEWARE: Trending challenge sa TikTok, dahilan ng pagka-overdose at death ng mga bata

Kilalang tambayan ng mga bata at teenager ang sikat na sikat na video-sharing social networking service na TikTok. Madami ang nawiwili dito dahil effective ito lalo na kapag bored ka. Madaming mapapanood na videos sa TikTok katulad na lamang ng mga trending at challenges. Instant celebrity nga kapag marami ang naaliw sa iyong mga videos.

Benadryl Challenge sa TikTok, banta sa kaligtasan ng mga bata | Image from Tiktok

Ngunit hindi lahat ay may positibong hatid ito. Kahit na wala pang kaso na naitatala sa bansa, ang “Benadryl Challenge” ay isang banta sa kaligtasan ng ating mga anak na kailangang iwasan na gawin sa tulong nating mga magulang.

Isa ang 15-year old na teenager mula sa Oklahoma ang naiulat na sumubok ng Benadryl Challenge dahilan para ikamatay diumano nito dahil sa pagka-overdose. Kilala ang gamot na Benadryl para maalis ang allergy ng isang tao.

Bilang parte ng Benadryl Challenge, kailangan mong uminom ng madaming amount ng gamot—kahit na walang abiso ng iyong doctor—hanggang sa maka-experience ng hallucinations dahil sa side effect nito. 

Ngunit dahil nga sa matinding epekto ng gamot na ito, madami ang maaari mong maranasan na side effect kung sakaling naparami ang iyong pag-inom. Isa pang malalang epekto nito ay ang pagkamatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa isang doctor at kasalukuyang head ng division ng clinical pharmacology and toxicology na si David Juurlink, ang Benadryl na mayroong mataas dose ay makakapagdulot ng seizure at cardiac arrest sa isang taong uminom nito.

“Benadryl in large doses can cause seizures and cardiac arrests. If young people are being encouraged to take it in large doses on TikTok, this is very dangerous.”

Dagdag pa nito na hindi dapat basta-bastang iniinom ito at gawing eksperimento.

Benadryl Challenge sa TikTok, banta sa kaligtasan ng mga bata | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba pang delikadong side effect o sintomas ng pag-inom ng Benadryl ay coma, agitation, pagkalabo ng mata, panunuyo ng mata, bibig. Kasama pa rito ang constipation, hirap maka-ihi at hallucination.

May ilang kaso na ng pag-overdose sa nasabing gamot ang nakita sa Cook’s Children’s Hospital. Tatlong teenager ang naitalang uminom nito. Ang isa pa ay sabay-sabay na ininom ang 14 pills.

Sinisisi ng mga magulang ng biktima ang nasabing challenge sa pagka-overdose ng kanilang anak. Ayon sa isang magulang,

“As a parent, you worry about drugs and you know the signs for drug use. I never thought about having to lock up my allergy medicine. I just want other parents to know about this because it’s dangerous and I had no idea. And I’m angry. These people are essentially prescribing medication without a medical degree and our kids are trusting them.”

Napaka-delikado kung sakaling ma-coma ang isang tao na uminom nito dahil mahirap na itong magising.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Some people are in a coma and are difficult or impossible to wake up. The other type of patient is delirious, they might be picking at their clothes or the sheets on the hospital bed, not making any sense, they are likely to be mumbling incoherently, be agitated and have impaired vision.”

Kadalasang ikinamamatay nila ay ang cardiac arrest.

Benadryl Challenge sa TikTok, banta sa kaligtasan ng mga bata | Image from Unsplash

Ano ang tugon ng TikTok sa Benadryl Challenge?

Ayon sa kanilang pahayag sa nasabing challenge,

“We first learned of this ‘challenge’ in May and quickly removed the very small amount of content that we found. We’ve been keeping an eye on this topic since and removing any new content – which again has been in extremely small numbers–to prevent any spread on our platform.”

Mababasa sa community guidelines ng TikTok na hindi nila mahigpit nilang ipinagbabawal ang ganitong uri ng challenge na maaaring makapaminsala at magdala ng kapahamakan sa mga users.

Mahalaga pa rin ang pagkonsulta sa doctor kung sakaling may nararamdamang kakaiba. Dito mabibigyan ng tamang medication at reseta para sa iyong iinumin na gamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Healthline, Forbes

BASAHIN:

WARNING: Think twice bago isali ang anak sa photo challenge

Skull Breaker Challenge naging dahilan ng spinal injuries ng teenager

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano