Ikaw ba ay nahihilig sa pag-post ng picture ng inyong anak sa social media? Mag-ingat baka ang picture ng inyong anak ay nasa mga child pornography group at site na online.
Panganib dala ng pag-post ng picture ng iyong anak sa social media
Nauuso ngayon ang #drop_ur_beautiful_daughter_challenge at #drop_your_handsome_son_challenge sa Facebook at maraming mga magulang ang nakisali na at nag-post ng picture ng kanilang mga baby. Subalit alam niyo ba na delikado rin pala ang pagbabahagi ng picture ng inyong anak sa social media?
Sa kuwento ni Amanda, ibinahagi niya ang hindi magandang karanasan niya sa social media nang i-post niya ang larawan ng anak.
Habang ibinahagi niya ang picture ng kaniyang anak na si Callia sa social media. Hindi niya lubos maisip na malalagay pala sa kapahamakan ang kaniyang anak. Kinalaunan natuklasan niya na ang picture kaniyang baby ay naka-share sa mga “cute baby pages” sa Facebook at Instagram.
Nalaman ni Amanda ang mga page pala na ito ay isang child pornography group at pedophile group. May isang website ang kumuha sa tatlong picture ng kaniyang anak na si Callia. Ginamit ang picture ng kaniyang anak sa pinakamasahol na pamamaraan. Ang picture ng kanyang anak ay in-edit na may heavy make-up ito.
Image from Kennedy News and Media
“I cried uncontrollably for 45 minutes when I received that message. My partner couldn’t calm me down, I was sobbing and shaking. I thought it was all my fault because I had this Instagram page. There are three pictures of my child on that website, I haven’t dolled her up like that, I wouldn’t want to put my baby in make-up.”
Payo ni Amanda sa iba pang magulang
Huwag basta-basta mag-post ng picture ng inyong mga anak sa social media ayon kay Amanda. O kaya naman siguruhin ng mga magulang na ang kanilang mga social media accounts ay naka-private.
“My child is covered, she’s wearing a long-sleeved jumper and a skirt in one of the pictures and you can’t see any of her skin. I would say to parents to make sure they’re covered in any pictures they share, never naked or in the bath. If you want to take those pictures just keep them to yourself, don’t put them anywhere for these creeps to get hold of.”
Tips upang maprotektahan ang iyong anak sa social media
Image from Unsplash
-
Tignan ang social privacy settings
Kapag ikaw at mayroon nang social media account o ang inyong anak. Tignan ang privacy settings nito. Magugulat ka na ba maaaring visible sa lahat ang iyong profile. Baguhin ang privacy settings ay i-private ito. Siguruhing ang mga malalapit mo lang kaibigan o kilala sa personal ang nakakakita ng iyong social media.
-
Huwag gumamit ng mga public storages
Huwag maglagay ng mga picture sa mga internet online platform bilang storage. Maaaring manakaw ang mga picture o ano pang documents na ilalagay mo rito ng mga hacker. Baka magamit ito sa mga hindi magagandang bagay
-
Huwag ilagay ang mga personal details
Kung ginawan mo ng social media account ang iyong anak o kahit sa inyong social media. Huwag kayong maglagay ng mga personal na impormasyon katulad ng address, phone number, o kung saan kayo nagtatrabaho. Maaaring magamit ito sa hindi magagandang bagay.
-
Huwag mag-over share ng mga picture
Ayos naman ang pag-share ng mga picture kasama ang iyong family at baby subalit huwag masyadong mag-over share ng mga larawan ng inyong anak sa social media lalo na kung ang ilan sa mga friends mo sa social media ay hindi mo naman lahat kilala sa personal.
-
Salain ang iyong friends at followers
‘Wag basta-basta mag-accept ng mga friend request mula sa mga taong hindi mo naman personal na kilala. Sa iyong social media o social media ng iyong anak. Mainam ito upang maprotektahan ang inyong privacy.
Kung nakapag-accept noon ng mga hindi kilala sa personal mas mainam na i-unfriend ang mga ito.
-
Ilagay sa friends only ang privacy ng mga post
Bukod sa kabuuang privacy settings na kailangan mong i-customize upang maprotektahan ang iyong mga impormasyon pati na ang pictures ni baby at ng pamilya. Siguruhing kada magsi-share o magpo-post ng mga picture ay naka-friends only ang privacy settings nito.
Sa gayon hindi basta-basta makikita ito ng mga child pornography abusers. Upang maiwasan ang nangyari sa anak ni Amanda.
Hindi naman masama ang pag-share ng mga picture ng inyong mga anak sa mga friend sa social media. Maging maingat lamang at maging responsible sa pagbabahagi ng mga larawan. Masarap din kasi sa pakiramdam na ipagmalaki ang iyong pogi at magandang mga anak.
SOURCE:
iheartintelligence
BASAHIN:
6 na litrato ng bata na hindi dapat pinopost sa social media
Negatibong epekto ng social media: Sanhi nga ba ng kalungkutan?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!