Ang sobra-sobrang pagkain ng matamis na pagkain ni baby ay nakasasama sa kanilang kalusugan. Ngunit paano kapag sinabi sa ‘yong ang favorite ng lahat na chocolate ay may benepisyo sa cognitive development ng mga bata?
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Pag-aaral tungkol sa benepisyo ng chocolate sa brain ng mga bata
- Mahalagang sangkap ng tsokolate
- Ano ang tsokolateng kailangang kainin ng anak mo?
Ayon sa isang pag-aaral na inilimbag ng Scientific Reports, ang mga chocolate ay mayaman sa isaang kemikal na kung tawagin ay flavanol, napagalaman na ito ay may ibinibigay na benepisyo sa utak.
Benepisyo ng chocolate: Cocoa flavanols
Marami na ang nagawang pag-aaral tungkol sa mga pagkain na may sangkap na flavanols at kung paano ito nakabubuti sa vascular functions ng isang tao. Subalit ito ang unang pagkakataon kung saan nakita na ito’y may magandang benepisyo sa brain vascular function at cognitive performance.
BASAHIN:
Ito ang epekto kapag nilalagyan mo ng asukal ang pagkain ni baby
Nalaman ng mga eksperto na maraming pagkain ang may sangkap na flavanols. Katulad ng prutas, gulay at oo, tsokolate!
Kaya naman sa pag-aaral na ito, tinignan nila kung may epekto ba ang flavanol sa cognitive function ng indibidwal.
Ang pag-aaral sa benepisyo ng chocolate
Kabilang sa pag-aaral na ito ang 18 na healthy adults, dadaan sila sa dalawang trial. Sa unang trial, dito sila kakain ng processed cocoa na mayroong mababang lebel ng flavanols. Habang ang pangalawang trial naman ay ang pagkain ng tsokolate na may kemikal.
Pagkatapos nito, binigyan sila ng complex cognitive tasks na talagang susubok sa kanila. Sinuri rin ang kanilang oxygenation sa frontal cortex.
Ang naging resulta, mas mabilis natapos ng halos lahat ng lumahok ang ibinigay na task. Napagalaman din na bumuti ang kanilang oxygenation matapos kumain ng chocolate na mayaman sa flavanol.
Dagdag pa nila na may apat na kalahok ang hindi nagpakita ng pagbabago sa ginawang test.
Ayon naman kay Catarina Rendeiro, researcher mula sa University of Illinois, ito’y dahil ang mga manlalaro ay “had the highest oxygenation responses at baseline.”
Kahit maliit lang ang numero ng mga lumahok sa pag-aaral, nakakita pa rin ng koneksyon ang mga researcher sa tsokolate na may sangkap na flavanol at taong may cognitive improvement.
Ano ang tsokolateng kailangang kainin
Hindi naman namin sinasabing magtambak kayo ng tsokolate para sa iyong anak. Ngunit kung naghahanap ka ng mga pagkaing maituturing na “booster snack” para sa mga tsikiting lalo na kapag nag-aaral, ikonsidera ang paglalagay ng tsokolate sa kanilang pagkain.
Maganda ang pagkain ng dark chocolate ngunit hindi lahat ng bata’y gusto ang lasa nito. Sa pagkakataon na ito, maaari kang maghanap ng ibang tsokolate na mayaman sa flavanol. Siguraduhin na ito’y may epicatechin, catechin at procyanidins.
Dagdag pa rito, mataas ang nakukuhang lebel ng flavonol sa cocoa powder. Isa itong sangkap na kadalasang ginagamit sa chocolate pudding at hot cocoa na madalas iniinom ng mga bata.
Imbes na junk foods o mga pagkaing sumisira sa health ni baby, bigyan siya ng masustansya at nakakatulong sa kaniyang utak na pagkain!
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Mariano
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.