Benepisyo ng k-12 isinusulong na madagdagan. Department of Education o DepEd ipinapanukala na payagang makapag-trabaho ang mga k-12 graduates sa gobyerno.
Dagdag benepisyo ng k-12 program
Ito ang ibinalita ni DepEd Secretary Leonor Briones sa budget presentation ng ahensya sa House Committee on Appropriations kahapon.
Ayon sa kaniya ay kasalukuyan na silang nakikipag-usap sa Civil Service Commission o CSC tungkol sa usapin.
“We are now negotiating and discussing with the CSC na i-allow ang graduates ng senior high school, which is equivalent to two years of college, to be admitted in government because they already know this architecture, economics, mathematics… They can do many tasks in the government. Sa vocational naman they are not yet graduates, but they can start working… but we have to validate all these.”.
Ito ang pahayag ni Briones sa ginawang budget briefing.
Ang k-12 program ay binubuo ng 12-year basic education mula kindergarten, elementary, junior at senior high school.
Ang huling dalawang taon nito ang tinatawag na senior high school na nagbibigay kaalaman sa mga estudyante tungkol sa employment, entrepreneurship, skills development, technical-vocational training, at higher education.
Sa ngayon, ayon kay Briones ay maganda ang itinatakbo ng programang k-12 sa bansa.
“Insofar as the fulfillment of the objectives are concerned, probably we have satisfactory impact. But the important thing, as I said, we are concentrating not just on access but also quality”, ani Briones.
Para rin sa kaniya ay malaki ang benepisyo ng k-12 sa mga kabataan. Dahil marami ang agad na nakakakuha ng trabaho sa tulong ng curriculum nito.
“But I know, because I have attended many graduation exercises, and I have visited schools all over the country, for example, in tech-voc, very much higher ang level ng hiring than we anticipated because of the in-service training program which is the so-called immersion program.”
Ito ang dagdag na pahayag ni Briones.
Pag-aaral tungkol sa k-12 program sa bansa
Ngunit, taliwas ito sa resulta ng isang pag-aaral na isinagawa ng JobStreet Philippines na kung saan natuklasan nila na 24% lang ng mga employers sa bansa ang willing mag-hire ng k-12 graduates. Mas pinapriority parin nila ang mga nakatapos ng kolehiyo. Ayon parin sa report, 35% sa mga employers ang ayaw mag-hire ng k-12 graduates dahil sila raw ay unqualified at wala pang work experience.
Sa ngayon ay patuloy na umiisip at bumubuo ng iba pang paraan ang DepEd para mas ma-improve ang kanilang mga programa. Lalo pa’t ang pinakamalaking budget sa education sector ng 2020 national budget ay ibinigay sa kanila.
Ang budget ay gagamitin umano ng ahensya sa kanilang computerization program, school-based feeding program, delivery ng basic education facilities at marami pang iba.
K-12 program sa Pilipinas
Ang K to 12 (Kindergarten to Grade 12) program ay sinimulang ipatupad sa bansa noong 2013.
Sa ilalim ng programa ay nadagdagan ng dalawang taon ang kailangang kumpletuhin ng isang mag-aaral bago maka-graduate ng high school. Ito ay mula sa sampung taon na binubuo lang ng 6 na taon sa elementary at 4 na taon sa high school. Habang sa ilalim ng k-12 program ay kailangan munang pumasok ng isang taon sa kindergarten ng isang bata. Bago tuluyang makapasok sa elementary at tapusin ito sa loob ng anim na taon. Saka ito susundan ng 4 na taon sa junior high school at dagdag na dalawang taon sa senior high school.
Bagamat may dagdag na taon sa pag-aaral, ang mga graduates naman ng k-12 program ay may taglay ng kaalaman sa mga vocational courses na itinatalakay sa kanilang senior high school year. Ito ay kanilang magagamit upang makapagtrabaho na kung kanilang nais pagka-graduate. Ngunit kung mas nanaisin nilang makakuha ng mas mataas pang pinag-aralan ay maari rin silang magpatuloy sa kolehiyo.
Ang pangunahing layunin ng programa ay ang maihanda ang isang kabataang Pilipino sa pagtratrabaho o mas malaking role na kaniyang gagampanan sa lipunan. Hindi lamang ito para sa kaniyang pag-unlad ngunit para din sa paglago at kapakanan ng buong bansa.
Source: GMA News, Inquirer News, Official Gazette, K-12 in The Philippines
Photo: Freepik
Basahin: K-12: Isang gabay para sa mga magulang
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!