Gaano mo kadalas yakapin ang anak mo? Ito ang masamang epekto sa batang hindi madalas yakapin

Dahil ang pagyakap, maraming benepisyong naibibigay hindi lang sa mga bata kung hindi pati narin sayo. Alamin kung ano ang mga ito dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang benepisyo ng pag-yakap sa bata na napaka-halagang malaman ng mga magulang!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang benepisyo ng pag-yakap sa bata.
  • Paano ang tamang paghawak o paghaplos sa mga bata.

Benepisyo ng pag-yakap sa bata

People photo created by pch.vector – www.freepik.com 

Ang pagyakap ang isa sa mga paraan ng pagpapakita natin ng pagmamahal. Sabi ng mga eksperto, ito ay tinatawag na caring touch na may positibong epekto sa physical at mental health ng isang tao.

Hindi ba nga sa oras ng kalungkutan o malaking problemang nararanasan nakakatulong ang yakap mula sa taong ating minamahal para tayo ay makampante o kahit papaano ay kumalma.

Pero pagdating sa ating mga anak, paalala ng mga eksperto hindi lang dapat sa panahon ng problema o nakakatakot na pangyayari natin sila yayakapin. Ito ay dapat maging madalas dahil kung hindi sila ay maaaring makaranas ng kondisyon na kung tawagin ay skin hunger.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang skin hunger?

Ang skin hunger ay tumutukoy sa pangangailangan ng isang tao sa human touch. Isang magandang halimbawa nito ay ang pangangailangan ng mga newborn na sanggol ng skin-to-skin contact sa kanilang ina.

Sapagkat sa tulong nito ay nare-regulate ang heart rate at breathing ng sanggol. Ito ay nakakatulong para mas mabilis silang maka-adapt sa buhay sa labas ng sinapupunan ng kanilang ina.

Ganoon din upang ma-stimulate ang kanilang panunaw o digestion at para magkaroon sila ng interes sa pagsuso. Sinasabing nakakatulong din ito para pakalmahin o i-relax ang bagong panganak na ina at kaniyang baby.

Sa mga maliliit na bata ay napaka-halaga rin ng human touch tulad ng yakap. Sapagkat ayon sa psychotherapist na si Iben Dissing Sandahl, ang isang batang kulang nito ay maaaring makaranas ng negatibong epekto sa kaniyang mental health.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Siya ay maaaring makaranas ng mga psychosomatic symptoms. Kabilang sa mga sintomas nito ang pananakit ng tiyan, pananakit ng ulo, labis na kalungkutan at anxiety.

Kung ito ay hindi maagapan, ito ay maaaring mauwi sa pangmatagalan at seryosong side effects sa buhay ng isang bata. At siya ay maaring maging feeling disconnected at distant sa iyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

People photo created by shurkin_son – www.freepik.com 

BASAHIN:

Pregnancy during pandemic: “No unang yakap or unang halik!”

6 na buwang baby muntik mabulag ng magkaroon ng herpes dahil sa halik

Kissing therapy: Ang epekto kapag parating hinahalikan ang asawa

Positibong epekto ng pagyakap sa iyong anak

Napakaraming positive effects ng pagyakap o paghaplos sa iyong anak. Ilan na nga rito ay ang sumusunod:

  • Tumutulong ito sa katawan na mag-release ng hormone na cortisol na nakakatulong para mabawasan ang stress na nararanasan ng isang tao.
  • Nakakatulong din ito para gawing mas active ang immune system ng isang tao. Ito ay para mas maging malakas din ang resistensya niya kontra sa mga sakit.
  • Pinapakalma rin nito ang ating heart rate at inilalagay sa tama o normal na level ang ating blood pressure.
  • Ang pagyakap at iba pang uri ng human touch ay nakakatulong rin para mag-release ang katawan ng hormone na oxytocin, natural antidepressant serotonin, pati na pleasure neurotransmitter na dopamine. Ang mga ito nakakatulong para panatilihing happy ang isang tao at mas magkaroon siya ng healthy relationships sa kaniyang kapwa.

Paano ang tamang pagyakap o paghalos sa iyong anak?

Background photo created by jcomp – www.freepik.com 

Sa kabila ng mga positibong epekto na naibibigay ng human touch tulad ng pagyakap sa mga bata ay hindi daw dapat siya pinipilit na gawin ito kung hindi niya gusto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon parin sa psychotherapist na si Iben Dissing Sandahl ay dapat galangin o respetuhin ang kagustuhan ng isang bata na hindi magpayakap o magpahawak.

Bagama’t marami itong positibong epektong maaring maidulot tulad ng mga nabanggit, kung ang isang bata ay ayaw na gawin ito ay huwag siyang pilitin.

Sa pagyakap o pagbibigay ng caring touch sa iyong anak ay narito ang mga bagay na dapat mong tandaan, ayon parin kay Sandahl.

  • Alamin ang pakiramdam niya sa tuwing siya ay iyong yinayakap. Kung hindi siya komportable ay respetuhin ito o hingin ang kaniyang pahintulot bago ito gawin.
  • Siguraduhing ang ibinibigay na yakap sa iyong anak ay mula sa iyong puso o kung saan mararamdaman niya ang init ng iyong pagmamahal.
  • Sa pagbibigay sa kaniya ng caring touch ay ituro rin ang underwear rule. Ito ay ang paghawak lang sa bahagi ng katawan niya na hindi natatakpan ng underwear. Pero sa mga parteng natatakpan ng underwear, ipaalala sa kaniya na hindi ito dapat hinahawakan ng sinuman.

Source:

Psychology Today, UNICEF, Healthline

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement