Karamihan sa mga mag-asawa ay madalas nagha-halikan nung mga bagong magkasintahan pa lamang. Habang tumatagal ang relasyon, maaaring nababawasan na ang daming ito na dadami ulit pagka-kasal. Muling nababawasan habang tumatagal ang pagsasama. Ngunit, ayon sa isang pag-aaral mula sa Germany nuong 1980’s, may epekto ang laging humahalik sa asawa bago umalis ng bahay. Alamin natin ang epekto kapag parating hinahalikan ang asawa.
Pag-aaral sa Germany
Si Dr. Arthur Szabo, isang propesor sa University of Kiel, ang gumawa ng pag-aaral nuong 1980’s. Siya ay kumolekta ng 2 taong datos mula sa ilang dosenang physicians, psychologists, at mga sikat na German insurance company. Kanyang i-pinublish ang kanyang mga natuklasan sa West German na magazine na Selecta.
Ayon dito, ang mga lalaking hinahalikan ang kanilang mga asawa bago magtrabaho ay mastumatagal nang 5 taon ang buhay kumpara sa ibang hindi humahalik. Ang mga humahalik na lalaki ay masmataas ang kita nang 20-35%. Sila rin ay maskakaunti ang ginagamit na sick leave kumpara sa mga hindi humahalik. Napakita rin sa pag-aaral na ang mga lalaking hindi humahalik sa kanilang asawa ay masmataas ang panganib na ma-aksidente.
Nalaman din dito na mula sa top 110 industrial managers ng Germany ay 87% ang humahalik sa kanilang mga asawa bago pumasok sa trabaho. Ang mga ito rin ay mas malaki ang kinikita at mastumatagal sa mga trabaho nila.
Ayon kay Szabo, kadalasan, ang mga hindi humahalik sa asawa bago pumasok sa trabaho ay dahil sa alitan o nawalan na ng pagmamahal. Dahil dito, sinisimulan niya ang kanyang araw na may negatibong pag-iisip. Siya ay nagiging moody at depressed, hindi siya interesado sa kanyang trabaho at kapaligiran.
Ngunit, nakita rin sa pagsusuri na kahit pa wala nang pagmamahal sa lalaki, sila ay naaapektuhan ng mga kilos ng asawa. Dahil dito, kapaghumahalik sa kanilang asawa, nabibigyan siya nito ng positibong pag-iisip. Ang kanyang magandang pakiramdam ay nakikita sa katawan at isip.
Natural high
Ang mga psychologists na sumuri sa pag-aaral ay hindi na niniwala na ang mga resulta ay dahil lamang sa halikan. Para sa kanila, ang matibay na nagiging ugnayan sa healthy lifestyle ay ang positibong pag-iisip na dulot nito.
Sa paghahalikan, ang mga pakiramdam ay diretsong nadadala sa limbic system na nauugnay sa pagmamahal. Sa paglalakbay ng neural impulse mula labi, dila, muscles sa mukha at balat, may nagagawang mga kemikal. Ang kemikal na ito ay binubuo ng mga neurotransmitters at hormones. Kasama sa mga hormones na ito ang dopamine, oxytocin, serotonin, adrenaline, at endorphins.
Ang mga dates, adventures, at bagong karanasan ay makakatulong upang muling mapasaya ang isang relasyon. Sa pagdagdag ng natural high na dulot ng pakikipag halikan, malaki ang pagbabago na makikita sa pag-uugali. Nakakatulong itong gamutin ang nasisirang relasyon at lalong palaguin ang mabuting pagsasama.
Ang taos-puso at sinadyang halikan ay ang importanteng bagay sa proseso na ito. Naibabalik ng halikan ang mga nawawala sa isang relasyon dahil sa mga pagaaway, di pagkakaintindihan at pagtutok sa trabaho o mga anak. Ang sadyang halikan ay nagdadala ng pagmamahal at respeto sa pagsasama. Nagiging senyales ito ng bagong pagsisimula sa isang masayang relasyon o pagtutuloy ng koneksyon na puno ng atensyon at pagaalaga.
Ang paghahalikan ay uri ng komunikasyon na higit pa sa mga salita at nagdudulot ng magagandang pakiramdam. Nagdudulot ito ng pakiramdam ng pagpapahalaga, tiwala, suporta, seguridad at paghanga. Masmaraming halikan, masmaganda, ano mang uri ng halik ito.
Source: Psychology Today
Basahin: Mga posisyon ng halikan para sa mas mainit na pagtatalik
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!