X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mga posisyon ng halikan para sa mas mainit na pagtatalik

4 min read

Nakakabuntis ba ang pag halik? Ang halikan ay isang bagay na ginagawa ng mag-partner o dalawang taong nagmamahalan. Isa ito sa mga paraan ng pagpapakita nila ng affection sa isa’t-isa. At syempre, hindi ito nakakabuntis.

Ngunit maliban sa social pleasure na ‘binibigay nito, marami ring itong health benefits tulad ng pagpapalakas ng immune system at paglalabas ng happy hormones na nakakabawas level ng stress. Isa rin itong paraan upang malaman ang compatibility ng taong mag-kapartner. Dito rin kadalasang nagsisimula ang mas malalim nilang ugnayan na natutuloy sa pagtatalik o sex.

Nakakabuntis ba ang pag halik?

Malaki ang parte ng pakikipaghalikan upang makamit ang kaligayahan sa pagtatalik. Mas napapataas nito ang excitement o ang init upang makamit ang sekswal na gratipikasyon. Upang mas lalong maliwanagan narito ang mga posisyon ng halikan at ilang tips sa pagtatalik para sa mas matibay ninyong pagsasama.

Iba’t ibang uri ng halik

1. Side-By-Side Kiss

Ito ang posisyon ng pakikipag-halikan na kung saan nakaharap sa inyo ang iyong partner at hahalik sa pisngi o isang parte ng iyong mukha habang nakahawak ang kamay sa kabilang parte nito. Ito ang kalimitang makeout position ng mga teenagers o nung magpartner na nagsisimula pa lamang.

2. Chest-To-Chest Kiss

nakakabuntis ba ang pag halik

Image from Freepik

Ito ang kissing position na kadalasan nating nakikita sa mga foreign movies lalo na sa mga eksena habang nagsasayaw ang mga bida. Ito ag posisyon ng halikan na kung saan magkaharap kayo sa isa’t-isa at nagtatama ang inyong mga dibdib habang nakapulupot ang kamay mo sa kanyang leeg at ang kamay niya ay nakahawak sa iyong bewang. Napakabasic pero isa itong posisyon na mas magbibigay sa inyo ng urge para dalhin ang halikan sa susunod na level.

3. Gentle Hickey Kiss

Ito ang posisyon ng halikan na mas nakakapagbigay ng sigla sa pagtatalik. Ito ay maririing halik habang padaplis na sinisipsip ng inyong partner ang iyong leeg o ang ibabang parte ng inyong tenga. Nakakaliti ang posisyon na ito kaya naman mas nabubuhay ang inyong dugo at mas tumataas ang excitement level nito.

4. Woman-On-Top Kiss

Ito ang posisyon ng halikan na isang mabisang paraan para sa mas epektibong foreplay bago ang pagtatalik. Ito ay ang posisyon na kung saan nasa ibabaw ng lalaki ang babae habang bahagyang nakabuka ang kanyang legs sa bewang ng kanyang partner. Isa ito sa pinamainit na posisyon ng halikan na kadalasang nauuwi sa sex.

5. Tongues-Only Kiss

nakakabuntis ba ang pag halik

Image from Freepik

Mula sa tawag dito, ito ang uri ng halikan na tanging dila lang ang gumagalaw. Isa ito sa mga mabisa ring makeout positions na nakakatulong din upang masubukan kung gaano kayo ka-comfortable ng iyong partner sa isa’t-isa.

6. Gotta Have You’ Kiss

Isa ito sa pinakapassionate na uri ng halikan. Ito ay ang posisyon na para kayong naghahabulan para lang makuha ang isa’t-isa. Mapa-sandal man sa pader, sa taas ng mesa o ang halikan na halos malaglag na kayo sa kama. Mabilis ang uri ng halikan na ito na mas lalong nagpapalakas ng sabik at energy ninyong magpartner sa pagtatalik.

7. Facing-Spoon Kiss

Ito ay simpleng posisyon ng halikan na kadalasang nagaganap bago matulog o pagkagising sa umaga. Ito ay ang posisyon na kung saan magkayakap kayo ng iyong partner habang nakatapat ang mukha ninyo sa isa’t-isa. Hindi kadalasang nauuwi sa sex ang ganitong position ngunit isa itong paraan para maparamdam niyo sa isa’t-isa ang inyong pagmamahal.

8. Spider Man Kiss

Halikan ala-spiderman.

Ito ang pinasikat na posisyon ng halikan dahil kay spiderman. Tulad ng nakikita ninyo sa kanyang pelikula, ito ang halik na kung saan magkaharap kayo ng iyong partner ng baliktaran habang nakahiga. Para rin itong woman on top position pero mas intimate ito dahil habang bumaba ang iyong halik sa mukha ng iyong partner ay nagkakaroon naman siya ng tsansyang maglaro sa parte ng iyong dibdib o kabaliktaran.

9. Anywhere But The Mouth Kiss

Ito ay ang posisyon ng halikan na kung saan hinahalikan ninyong magkapartner ang mga sensitibong parte ng iyong mukha at katawan tulad ng leeg at tenga ngunit maliban sa inyong bibig. Ito ay isa sa mga foreplay naman para mas mainit na halikan.

10. Single-Lip Kiss

Ito ang posisyon ng halikan na kung saan padaplis na kakagatin ng iyong partner ang ibabang parte ng iyong labi habang padaplis mo naman itong inaabot ng iyong dila. Isa itong posisyon na nang-aakit o nangaaya upang dalhin ang halikan sa mainit na pakikipagtalik.

Maliban nga sa mga magandang dulot nito sa ating kalusugan, mabuting paraan rin ang pakikipag-halikan ng pagbobonding ng taong magkapartner. Isa ito sa panimula ng mas mainit at matinding pagmamahalan.

 

Sources:

Womans Day, Scoopify

Basahin:

10 tips sa pagtatalik para sa mga babae, mula sa mga lalaki

ALAMIN: Ang iba pang uri ng cheating maliban sa sex

Partner Stories
Steps to keep stress levels at bay while working-from-home
Steps to keep stress levels at bay while working-from-home
Experience Your Sweetest Christmas Yet with Dylan Patisserie
Experience Your Sweetest Christmas Yet with Dylan Patisserie
Paying government fees online is now made easy and rewarding with PayMaya
Paying government fees online is now made easy and rewarding with PayMaya
Why it’s Increasingly Important to Grow Nature Smart Preschoolers
Why it’s Increasingly Important to Grow Nature Smart Preschoolers

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Mga posisyon ng halikan para sa mas mainit na pagtatalik
Share:
  • I don’t enjoy sex with my husband. What should I do?

    I don’t enjoy sex with my husband. What should I do?

  • What can you do if you want to have sex more often than your spouse?

    What can you do if you want to have sex more often than your spouse?

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • I don’t enjoy sex with my husband. What should I do?

    I don’t enjoy sex with my husband. What should I do?

  • What can you do if you want to have sex more often than your spouse?

    What can you do if you want to have sex more often than your spouse?

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.