X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

10 tips sa pagtatalik para sa mga babae, mula sa mga lalaki

6 min read

Pagtatalik tips para sa babae

Sa karamihan ng women’s magazines, parating may artikulo tungkol sa pag-e-explore ng sekswalidad ng babae, paano labasan ang babae, o di kaya’y tips para mahanap ang G spot ng babae. Kadalasan din iniisip kasi ng mga babae na hindi mahirap para sa mga lalaki na malibugan o labasan. Ngunit ayon sa artikulo ng Woman’s Day, hindi ganoon ka-simple ang mga pangangailangan ng mga mister sa kama. Kaya narito ang 10 pagtatalik tips para sa babae, mula sa mga lalaki. 

Ano ang dapat gawin para madaling labasan ang babae?

pagtatalik-tips-para-sa-babae

2Ano ang dapat gawin para madaling labasan ang babae? | Image from Freepik

1. Gusto namin na pinupuri kami

Parating ipinapagpalagay na kapag nalilibugan ang lalaki, hindi na ito nagiging conscious sa sarili pagdating sa pagtatalik. At minsan hindi nila alam kung paano labasan ang babae. Ngunit hindi nagkakaiba ang babae at lalaki pagdating sa compliments.

Isa sa mga dapat gawin bago makipagtalik ay purihin ang asawa. Kapag nakakarinig ang mga mister na pinupuri sila ng mga misis dahil sa itsura o sa pagiging macho nila, tumataas ang kumpiyansa nila sa sarili. Ang karaniwan na insecurity ng kalalakihan ay ang laki ng tiyan, laki ng ari, at numinipis na buhok.

Iparamdam kay mister na ka-aya-aya pa rin siya sa mata mo. Hindi man niya sabihin pero ma-a-appreciate niya ito.

2. Takot kami sa intimacy o maging malapit sa kapwa

Ayon sa mga pag-aaral, ang mga lalaki ay mas malambing at nagpapahayag ng saloobin kaysa sa mga babae habang bata pa sila. Ngunit kapag nagsimula na silang mag-aral, unti-unti nilang itinatago ang mga ito pati ang kagustuhang maging malapit sa ibang tao.

Dahil pilit nilang itinatago ito, nagiging tunay na takot ito para sa ibang kalalakihan. Ayaw na nilang makaramdam ng kahit na anong emosyon tungkol dito dahil ayaw nilang mabuko na gusto talaga nila ng intimacy.

Anong dapat gawin ng mga babae? Mapapansin na matapos ang pagtatalik, lumalayo si mister. Intindihin na dulot ito ng kanilang repressed feelings. Hindi kasi talaga sanay na magkaroon ng koneksyon sa ibang tao kaya hayaan lang sila. Sa kalaunan, malalagpasan din niya ito.

3. Minsan gusto lang talaga namin ng sex

Ayon sa psychotherapist at sexologist na si Joe Kort, PhD, minsan gusto lang talaga ng mga mister ng raw sex sa kanilang mga asawa. Walang usap-usap, walang mahabang foreplay. Hindi daw ito simpleng paraan para sakupin ang kabiyak, ngunit pag-ravish sa kanilang partner. 

pagtatalik-tips-para-sa-babae

Pagtatalik tips para sa babae | Image from Freepik

4. Hindi lang laging penis

Hindi lang ang ari ang nakakapagpalibog sa mga mister, ayon sa psychologist na si Melodie Schaefer, PsyD. Marami raw itong mga parte ng katawan na tinuturing na erogenous zones o sekswal para sa kanila.

“Hindi sinasabi ng mga lalaki ito sa mga babae dahil takot sila na hindi pagbigyan ng babae. Ngunit maraming parte ng katawan ng lalaki ang puwedeng haplusin.”

Kabilang na raw dito ang dibdib, hita, at mukha. Puwede ring hawakan ang medyo mahigpit ang bayag o di kaya’y haplusin ang perinium o ang area sa pagitan ng balls at ng butas ng pwet. Gawin daw ito habang binibigyan si mister ng blowjob!

5. Gusto namin na nagpapantasya

Hindi lang ang mga babae ang nagpapantasya, pati rin ang mga lalaki, ayon sa mga eksperto. Sa katunayan, malaking turn on para sa mga lalaki kapag sinasabi ng mga babae ang mga pantasya nito. Subukan na sabihin ang mga pantasya mo at pagkatapos ay hikayatin ang partner na sabihin kung ano naman ang kaniya.

6. Gusto namin “talking dirty”

Mabilis na nakakapagpalibog sa lalaki kapag sinasabi ng babae kung ano ang gusto nitong gawin sa kaniya. Maaari ring sabihin kay mister kung gaano ito kagaling sa ginagawa niya sa kama. Paniguradong mas lalo itong ma-tu-turn-on.

7. Sabihin mo sa amin ang totoo

Ang male ego ay nakatali sa sex kaya kadalasan kapag ayaw ni misis na makipagtalik, hindi iisipin ni mister na dahil ito sa ibang isyu. Iniisip lang niya na ayaw lang ni misis o di kaya’y wala lang itong gana. Hindi niya iniisip na baka may problema ang pagsasama.

Kung ayaw makipagtalik, huwag mag-atubili na sabihin kung may bumabagabag ba sa damdamin o may problema kaya ayaw mag-sex. Mas malilinawagan siya kung bakit ka umaayaw.

pagtatalik-tips-para-sa-babae

Pagtatalik tips para sa babae | Image from Freepik

8. Gusto rin namin ng pakipot

Hindi dapat tumitigil ang pagsuyo ni mister nang binigay mo ang matamis mong oo. Gusto nila na nililigawan ka pa rin. Sabi ng mga eksperto, mainam na may misteryo pa rin sa pagsasama katulad noong nagliligawan pa lang kayo. Maaaring magkaroon kayo ng mga katangian na pinapakita o pinapaalam niyo lang sa isa’t isa.

9. Nanonood talaga kami ng porno

Karamihan sa mga hindi pagkakasundo ng mag-asawa ay dahil sa porno. Kadalasan natutuklasan ni misis na nanonood pa rin si mister ng mga x-rated na videos.

Ayon kay Dr. Kort, hindi dapat mag-overreact ang mga misis tungkol dito dahil sa sumusunod na kadahilanan: malayong mangyari na adik sa sex ang asawa mo at malaki ang impluwensya ng naranasan noong kabataan sa sekswalidad ng tao kaya kung ano ang porno na gusto niya nung kabataan ay nakakalibog pa rin sa kaniya ito hanggang ngayon.

Mahirap na hindi personalin kapag nahuli si mister na nanonood ng porno ngunit may paraan para maging advantage ito para sa iyo. Pag-usapan ninyong mag-asawa kung ano ang kinakalibugan niya sa pinapanood niya at baka puwede niyo itong gawin sa kuwarto ninyo. Ang panonood ng porno ang isa sa mga dapat gawin bago makipagtalik dahil ito ang sikreto kung paano labasan ang babae.

10. Kailangan namin ng sex parati dahil…

Kadalasan iniisip na sex ang nasa isip parati ng mga lalaki. Ngunit ayon sa mga eksperto, ang pananaw ni mister sa sex ay isang selebrasyon ng buhay. Ito ang paraan nila para ma-enjoy ang bawat minuto na nandito sila sa mundong ibabaw. Handa ka bang enjoyin ito kasama niya?

Partner Stories
Enjoy Grapeful Moments This Summer With Australian Table Grapes!
Enjoy Grapeful Moments This Summer With Australian Table Grapes!
Elegant gifts for the most amazing dad
Elegant gifts for the most amazing dad
Brick by Brick – building LEGO® love for 90 years
Brick by Brick – building LEGO® love for 90 years
Shume-chef Sa Sarap Ang Bawan Lutuin with the new Nestlé Carnation Evap 
Shume-chef Sa Sarap Ang Bawan Lutuin with the new Nestlé Carnation Evap 

 

Basahin: 7 tips para sa tahimik ngunit mainit na pagtatalik , 5 Karaniwang pagkakamali ng mga babae pagdating sa sex

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

theAsianparent Philippines

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • 10 tips sa pagtatalik para sa mga babae, mula sa mga lalaki
Share:
  • I don’t enjoy sex with my husband. What should I do?

    I don’t enjoy sex with my husband. What should I do?

  • A handy guide to co-sleeping and sex for parents

    A handy guide to co-sleeping and sex for parents

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • I don’t enjoy sex with my husband. What should I do?

    I don’t enjoy sex with my husband. What should I do?

  • A handy guide to co-sleeping and sex for parents

    A handy guide to co-sleeping and sex for parents

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.