X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

5 Karaniwang pagkakamali ng mga babae pagdating sa sex

4 min read

Kadalasan, ang mga kababaihan na ang pakiramdam ay may kulang sa kanilang sex life ay itinuturo ito sa dalawang bagay. Ito ay ang hindi pagkakaroon ng magandang katawan at hindi pagiging tulad ng mga pornstars sa kanilang pakikipagtalik. Ang mga ito ay hindi ang dahilan kung bakit tila may kulang sa sex life, kadalasan ito ay dahil sa ilang pagkakamali. Alamin ang mga pagkakamaling ito at ang mga sex tips para sa babae.

Mahirap matukoy na pag-aaya

Kadalasan, ang tingin ng mga babae ay dapat nababasa ng mga lalaki ang kanilang iniisip. Maaaring para sa babae ay sapat na pag-aya na para makipag-sex ang simpleng mga papansin nito. Kabilang na dito ang pagsabi na aakyat na siya sa kwarto o kaya naman ang paglalambing habang nanonood ng TV. Ngunit, para sa mga lalaki, hindi ito isang pag-aaya, lalo na kung sila madalas ang nag-aaya at marami nang naranasan na pagtanggi. Dahil dito, maaaring makaramdam ng kabiguan ang babae kapag hindi siya naintindihan ng lalaki.

sex-tips-para-sa-babae

Image from Freepik

Sex tip #1 – Nais ng mga lalaking gustuhin sila

Tulad ng mga babae, gusto rin ng mga lalaki ang pakiramdam na sila ay ninanais. Sabihan siya ng diretso na siya ay gwapo, kanais-nais at gusto mo siyang makasama sa kama. Bigyan siya ng papuri, sabihin sakanyang gusto mo siya, at hawakan siya nang pa-akit upang makuha niya ang mensahe.

Hindi nauulit na mga kagustuhan

Maaaring sa kalagitnaan ng sex ay sinabi mo sakanya ang gusto mong ginagawa niya. Ngunit, sa susunod na pagtatalik ay hindi niya na ito nagawa. Kadalasan, ang iniisip ng mga babae ay dahil ito sa ayaw talaga itong gawin ng mga lalaki. Ngunit ang totoo, pagdating sa kalagitnaan ng sex, ang mga lalaki ay tila naliligaw sa kanilang isip. Ang kanilang filter at pagiging single-minded ay maaaring makapigil sa pag-alala ng mga gusto mong ginagawa niya.

Sex tip #2 – Ipaalala sa kanya

Sa ganitong kaso, ang tangi lang magagawa ay ipaalala sa kanya. Kung gawin niya ang isang bagay na nagustuhan mo ngunit sa maling timing, sabihin lang sakanya.

Tumututok sa mga insecurity sa katawan

Kadalasan, lalo na sa kalagitnaan ng sex, ang mga babae ay iniisip parin ang tingin nilang mga hindi perpekto sa kanilang katawan. Masyadong nilang inaalala ang mga bahid ng kanilang katawan imbes na ibigay ang sarili sa kalayaan ng primal pleasure. Nababawasan ang kanilang arousal dahil sa pagpuna sa sarili. Kabaliktaran nito, ang mga lalaki ay walang ibang iniisip kundi ang kanilang kasalukuyang sitwasyon. Sa kanyang isip, siya ay masaya na may kasamang totoong hubad na babae, nararamdaman ang kanyang init at nahahawakan kahit saan gustuhin.

Sex tip #3 – I-distract ang pala-puna na sarili

Bigyang atensyon ang iyong paghinga. Pakiramdaman ang paghinga nang hindi ito kinokontrol. Pakiramdaman ang katawan. Lagyan ng tension ang pelvis sa pag higpit ng Kegel muscles. Tumutok sa kung ano ang nagbibigay ng sarap sa iyo.

Pag-aalala kung tama ang ginagawa

sex-tips-para-sa-babae

Image from Freepik

Isang mahalagang bahagi ng pagbibigay sarap sa kahit kanino ang pagkakaranas ng sarap sa iyong paghawak. Sa sex therapy, ang mga babae ay kadalasang nagtatanong ng technique sa oral sex o manual stimulation. Kadalasan, ibig sabihin ng tanong na ito ay dahil hindi siya relax at ginagalugad pa ang kanyang paghawak.

Sex tip #4 – Magtanong

Upang hindi alalahanin kung tama ang iyong ginagawa, tanungin ang partner. Ang pagiging masigasig ay kadalasang nagiging sapat na kahit kulang sa sexual experience. Alamin ang gusto ng partner at maging panatag sa iyong mga kaalaman.

Masyadong magaan na paghawak

sex-tips-para-sa-babae

Image from Freepik

Karamihan sa mga lalaki ay natu-turn on sa pagiging agresibo ng babae. Gusto nila ng mga paghawak na direkta at puno ng pagkasabik. Ang pagkakamali na nagagawa ng parehong lalaki at babae ay ang paghawak sa paraan na gusto nilang sila’y mahawakan din. Kadalasan sa reklamo ng mga kalalakihan sa sex therapy ay ang hindi paghawak ng babae sa kanilang ari hangga’t hindi sinasabihan. O kaya naman ay iniisip na kung siya ay erect na, hindi na niya ito kailangan.

Sex tip #5 – Maging agresibo

Hawakan siya nang mahigpit at pagiging agresibo. I-balot sakanya nang mahigpit ang iyong mga legs. Bigyan siya ng mapusok na halik sa gitna ng pakikipag-sex. Kadalasan, kapag napansin ng mga lalaki na binibigay mo ang lahat sa inyong pakikipagtalik, mas ginaganahan siyang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya upang pasayahin ka.

 

Source: PsychologyToday

Basahin: Bondage sex positions na siguradong magpapainit ng inyong sex life

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 5 Karaniwang pagkakamali ng mga babae pagdating sa sex
Share:
  • Mga sex positions na puwedeng gawin para sa tahimik na pagtatalik

    Mga sex positions na puwedeng gawin para sa tahimik na pagtatalik

  • 10 tips sa pagtatalik para sa mga babae, mula sa mga lalaki

    10 tips sa pagtatalik para sa mga babae, mula sa mga lalaki

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Mga sex positions na puwedeng gawin para sa tahimik na pagtatalik

    Mga sex positions na puwedeng gawin para sa tahimik na pagtatalik

  • 10 tips sa pagtatalik para sa mga babae, mula sa mga lalaki

    10 tips sa pagtatalik para sa mga babae, mula sa mga lalaki

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.