Madalas bang lumalangitngit ang inyong kamang mag-asawa, o ‘di naman kaya’y mga tinig na hindi kayo maiwasang mabigkas? Sino ba naman ang gusto sa maingay na sex o pakikipagtalik?
Mababasa sa artikuong ito:
- Kahalagan ng pagtatalik sa isang pagsasama
- Benepisyo ng pakikipagtalik sa isang pagsasama
- Tips para sa tahimik na pakikipagtalik
Subalit para sa mga magulang, pribilehiyo na lang na magkaroon ng privacy kapag kasama ang mga bata sa iisang bubong. Kaya naman minsan kinakailangan maging tahimik ang mainit na pagtatalik.
Kahalagan ng pagtatalik sa isang pagsasama
Ang pakikipagtalik o pakikipag-sex ay isang self-expression at kalayaan kasama ang iyong taong mahal. Maraming benepisyo ang pagtatalik sa isang pagsasama ganun na rin sa iyo bilang tao.
Isa sa mga benepisyo nito ay pag-i-improve ng inyong confidence na mag-asawa o magpartner. Nakakatulong din ito upang makilala ang iyong katawan sa isang pleasurable na paraan. Higit sa lahat makakatulong ito upang makapag-bond sa iyong partner sa pamamagitan ng pag-express ng inyong pag-ibig sa isa’t isa at pag-care sa isa’t isa.
Subalit hindi naman necessary ang sex sa isang relasyon isa lamang itong bahagi ng isang relasyon. Ayon sa ulat ng healthline, hindi naman umano ibig sabihin na hindi kayo aktibo sa sex o nagtatalik ay hindi na healthy ang inyong relasyon. Hindi rin naman ito laging sensyales na hindi ka mahal ng iyong asawa o partner mo.
Larawan mula sa iStock
Benepisyo ng pakikipagtalik sa isang pagsasama
Emosyunal na benipisyo
- Ma-iimprove nito ang iyong self-confidence
- Mas makikila mo ang iyong sarili at makakapagkonekta ka sa iyong sarili sa isang pleasurable way.
- Makakatulong ito sa pagkonek sa iyong partner at maparamdam ang iyong pagmamahal sa kaniya.
- Makakatulong itong makawala at maibsan ang sex.
Pisikal na benepisyo
- Nakakapagpa-boost ito ng immune system function. Sa iang pag-aaral noong 2004 nakitang ang mga taong madalas na nakikipagtalik at mayroon mas magandang immune system.
- Isa rin itong uri ng light exercise. Sa isa namang pag-aaral noong 2013 nakita ang pakikipagtalik ay isang magandang uri ng exercise.
- Nakakapagpa-improve ito ng hearth health o kalusugan sa puso. Nakita sa isang pag-aaral noong 2010 na ang pakikipagtalik ng regular ay nakakabawas sa pagkakaroon o pagde-develop ng sakit sa puso.
- Napapa-boost din ng sex o pakikipagtalik ang cognitive function ng isang tao. Napag-alaman noonf 2016 na ang mga aktibo sa sex na nasa edad na 50 to 90 years old ay mayroong mas magandang memorya.
- Noong 2013 naman nakita na ang pakikipagtalik o pakikipagsex ay nakakatulong upang maibsan o mawala ang pananakita ng ulo at pagkakaroon ng migraine.
- Nakakapagpaganda rin ito ng glow ng balat dahil sa mataas na blood flow na inilalabas ng iyong katawan na nagbibigay ng ekstrang oxygen sa iyong balat mula sa iyong mga ugat na nagdudulot na sinasabing ‘after sex glow’.
Larawan mula sa iStock
Tips para sa tahimik na pakikipagtalik
Hindi ito madali pero posible! Minsan mas nakaka-turn on pa nga ito dahil parehong alam ninyo na bawal mag-ingay. Kahit mahirap ay hindi naman ito imposibleng gawin. Tandaan mahalaga pa rin ang pakikipagtalik o pakikipag-sex sa isang pagsasama.
Kaya naman narito ang mga paraan upang magkaroon ng mainit na pagtatalik nang walang hiyawan (dahil sa pleasure, hindi away):
1. Magkaroon ng sex game
Kapag ginawang sex game, mas nakaka-enganiyong gawin. Alamin kung sino sa inyong mag-asawa ang kayang tumagal nang hindi umuungol.
Salit-salit niyong i-tease ang isa’t isa. Simulan sa dahan-dahan napaghawak sa iba’t ibang parte ng katawan. Sundan nang paghalik at pagdila sa mga parteng ito, hanggang sa mga ari niyo na ang nangungusap.
2. Huminga sa ilong
Kadalasan kapag na-e-excite tayo sa mainit na pagtatalik, sa bibig tayo humihinga kaya naman nagkakaroon ng tunog ang paghinga. Subukan na huminga sa ilong. Mas nakaka-excite din na alam mong hindi puwedeng ibuka ang bibig para kumuha ng hangin. Makakatulong ito sa isang tahimik na pakikipag-sex o pakikipagtalik.
3. Posisyon ng kama
Kaya lumalangitngit ang kama ay dahil tumatama ang headboard nito sa pader. Bago simulan ang pagtatalik, iurong ang kama palayo ng wall. Iwasan din magtalik sa kutson na may spring dahil maingay ito.
Puwede ring maging creative at ilipat sa labas ng kama ang pagtatalik! Maaaring gawin ito sa banyo, sa sofa, o di kaya’y sa sahig para sa isang tahimik at mainit na pagtatalik.
4. Gawin sa ibang parte ng bahay
Huwag limitahan ang sarili sa kuwarto. Kagaya ng nasabi sa itaas, puwedeng magtalik sa banyo. Puwedeng buksan ang gripo at ipunin ang tubig sa balde. Sapagkat sa ingay ng tubig, hindi maririnig kung anong ginagawa niyo sa loob ng banyo. Isa rin itong paraan upang mas maging exciting pa ang pagtatalik niyong mag-asawa o mag-partner.
BASAHIN:
5 Ways to Spice Up Sexy Time—the Responsible Way
10 Tips sa pagtatalik para manumbalik ang init ng inyong pagmamahalan ni mister
7 dahilan kung bakit nawawalan ng gana makipagtalik ang iyong partner
Larawan mula sa iStock
5. Slow sex moves
Imbis na mabilis, bagalan ang mga galaw. Hindi lamang ito tahimik gawin kundi mas nakaka-excite pa dahil madadama ninyo pareho ang bawat stroke. Sa pamamagitan din nito mas mainit na pagtatalik ang inyong mararanasang dalawa ng iyong asawa o partner.
6. Magpatugtog ng kanta
Kung hindi pa tulog ang mga bata, maaaring i-lock ang pinto at magpatugtog ng kanta o ‘di kaya’y buksan ang TV. Medyo kailangan nga lang konsentrasyon kapag TV ang binuksan dahil baka matuon sa TV ang atensyon at hindi sa asawa mo!
Makakatulong ito upang hindi marining ang inyong mga ungol o langingit ng inyong kama habang kayo’y nagtatalik ng iyong asawa o partner.
7. Mga posisyon
Ang mga posisyon na nililimitahan ang mga galaw ay kadalasan na mas tahimik kaysa sa ibang mga sex positions. Kabilang na rito ang spooning, 69, at doggy style. Sa pamamagitan ng mga posisyon na ito ay maiiwas na makalikha ng ingay subalit mananatili pa rin ang mainit na pagtatalik ninyong mag-asawa o mag-partner.
8. Gumamit ng unan
Handy ang ma unan kung nais mong sumigaw o umungol dahil sa mainit na pagtatalik na inyong ginagawa. Pwede rin kayong mag-explore na mag-asawa sa paggamit ng tie o tali upang takpan ang inyong mga bibig. makakadagdag din ito sa exciment factor ninyong mag-asawa sa pakikipagtalik.
Larawan mula sa iStock
9. Magpokus sa outercourse at oral sex
Ang tahimik na pakikipagtalik ay isa ring opurtunidad upang i-break ang inyong usual routine sa kama. Maaaring magpokus sa foreplay o oral sex at pag-please sa ninyo sa isa’t isa.
10. Gawin ito sa banyo
Isa rin sa mga pinapayo ng mga eksperto ay pakikipatalik sa loob ng banyo. Kapag kayo’y magtatalik sa loob ng banyo ay maiiwasan na marinig ng inyong mga anak ang ingay na inyong nalilikha mula sa isang mainit na pagtatalik. Ito’y dahil sa ingay na tubig na nalilikha sa ng shower at paliligo.
Dagdag excitement din ito sa inyong mag-asawa dahil gumagawa kayo ng mga bagay na bago sa inyong pagsasama at magpapainit pa lalo ng inyong sex life.
11. Bumili ng tamang kama para sa pagtatalik
Kung hindi talaga kayo sanay na gawin ang pagtatalik sa ibang lugar at sa kama lamang kayo kumpartableng dalawa. Mayroon mga kama na nakadesenyo talaga para sa isang tahimik na pagtatalik. Maaari niyong i-search ito online upang mapanatiling tahimik ang inyong pagtatalik.
12. Paggamit ng sex toys
Makakatulong din ang paggamit ng ilang mga sex toys upang maiwasan ang pag-ungol habang nagtatalik. Pwedeng gumamit ng tie, medyo o bumili ng isang gag (isang uri ng sex toy). Nakakadagdag excitement din ito sa pagtatalik niyong mag-asawa o mag-partner.
Tandaan hindi ibig sabihin na kayong may mga anak ay hindi na kayo makakapagtalik ng mainit ng iyong asawa. Sumubok ng mga paraan upang manatili ang mainit na pagtatalik sa pagitan ninyong dalawa.
SOURCE:
Health, Healthline, Red Online
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!