Alamin ang mga benepisyong salabat na gawa mula sa luya. Ito ay ang version ng mga Pilipino ng ginger tea na marami ang naibibigay na benepisyo sa katawan at kalusugan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang sustansiyang mayroon ang luya?
- Salabat, ang inuming gawa sa luya
- Benepisyo ng Salabat sa kalusugan
- Salabat recipe at paano ang tamang pag-inom ng luya
Talaan ng Nilalaman
Ano ang sustansiyang mayroon ang luya?
Ang luya ay ang isa sa pinakamasarap at pinakamasustansiyang pampalasa. Isa itong namumulaklak na halaman na nagmula sa bansang China. Halos katulad nito ang turmeric, cardomon at galangal sa itsura at sa lasa.
Kilala itong natural na halamang gamot na ginagamit na noong una pang panahon. Nakakatulong ito umano sa digestion, nausea, panlaban sa trangkaso, sa sipon at marami pang iba.
Isa rin ito sa hindi nawawalang sangkap sa mga lutong Pinoy dahil sa kakaibang lasa at amoy nito na nagbibigay gana sa pagkain. Maaaring gamitin ito ng fresh, dried, powdered, oil o kaya naman ay juice. Makikita rin ito minsan sa mga processed foods o kaya naman ay sa mga produkto ng cosmetics.
Kabilang din ang luya sa Zingiberaceae family na related nga sa tumeric cardamom, at galangal. Ang rhizome na nasa bandang bahagi ng stem o ugat ng luya ay kadalasang ginagamit bilang spice.
Ang luya rin ay may anti-inflammaroty at antioxidant na epekto ayon sa mga pag-aaral. Nakakatulong din umano ito upang mabawasan ang oxidative stress na resulta ng sobrang free radicals sa katawan ng isang tao.
Sa unang ulat ni Irish Manlapaz, basahin ang 11 benipsyo ng luya.
Salabat, ang inuming gawa sa luya
Maliban sa kilalang pampalasa, kilala rin ang luya dahil sa masarap na salabat na gawa rito.
Simple man kung tingnan hindi katulad ng mga mamahaling tsaa, marami namang magandang nagagawa ang pag-inom ng salabat sa ating katawan. Sa katunayan, kilala rin itong gamot sa mga karamdaman magmula pa noong unang panahon.
Ilan nga sa mga benepisyong naibibigay ng salabat sa katawan at sakit na nalulunasan nito ay ang sumusunod:
Benepisyo ng Salabat sa kalusugan
1. Motion sickness
Ayon sa isang pag-aaral ang isa sa mga benepisyo ng salabat o ginger tea sa wikang Ingles ay nakakatulong ito para malunasan ang sintomas ng motion sickness gaya ng dizziness, vomiting at cold sweats.
Kaya naman kung nakakaranas ng motion sickness sa tuwing bumabiyahe, subukang uminom ng salabat para umayos ang iyong pakiramdam at maiwasan ang motion sickness.
2. Pagduduwal o nausea na dulot ng morning sickness o chemotherapy
Base sa research at mga eksperto, ang active components na taglay ng luya na volatile oils at gingerols ay nakakatulong para maibsan ang pagduduwal o nausea na dulot ng pagbubuntis, chemotherapy at surgery.
Ito umano ang pinakamabisang alternatibo para sa mga medicated drugs na pinanggamot sa nasabing karamdaman.
Paalala lamang sa mga iinom ng salabat na kakagaling lamang sa isang surgery, mabuting magtanong muna sa inyong doktor lalo pa at ito ay maaaring makaapekto sa blood clotting.
3. Blood pressure at heart health
Ayon pa rin sa mga research, ang luya o pag-inom ng salabat ay mabisang panlaban din sa heart disease at makakatulong sa sumusunod:
- Pampababa ng blood pressure
- Pinipigilan nito ang heart attack
- Pinipigilan ang blood clots
- Pampababa ng cholesterol
- Ini-improve ang blood circulation
- Nire-relieve ang heartburn
4. Weight at blood sugar control
Base sa 2012 study ng Columbia University sa sampung overweight na lalaki, natuklasan na ang pag-inom ng salabat ay nagbibigay ng pakiramdam ng fullness at nakakabawas ng pagkagutom.
Maraming nagtatanong kung pampapayat ba ang luya. Ayon sa isang pag-aaral mabisan din umano ang luya sa pagma-manage ng obesity. Kaya naman nakakatulong ito sa mga nais magpapayat at overweight.
Ini-improve din nito ang blood sugar control ng katawan, binabawasan ang A1C, insulin at triglycerides sa mga taong may type 2 diabestes, ayon sa isa pang pag-aaral.
5. Nagdadala rin ito ng pain relief
Ang luya ay mabisang gamot rin sa inflammation na ginagamit na noong una pang panahon at ilang beses na ring napatunayan ng mga pag-aaral.
Tumutulong din ito para maibsan ang sakit na dulot ng osteoarthritis partikular na sa tuhod. Pati na rin ang sakit ng ulo, menstrual cramps, sore muscles at iba pang uri ng sakit.
6. Immune support at cancer prevention
Ang mga antioxidants na taglay naman ng luya ay nagpapalakas ng immunity ng katawan at nakakabawas sa stress.
Ang paglanghap naman ng usok mula sa mainit na salabat ay nakakatulong para guminhawa ang nasal congestion at iba pang respiratory issues na dulot ng common cold at environmental changes.
May mga research din ang nakapagsabi na ang luya ay nakakatulong para makaiwas sa cancer. Mabisang panlaban din ito sa iba’t ibang uri ng cancer cells kabilang na ang pancreatic cancer at colon cancer.
7. Pinapalakas ang immune system ng katawan
Ayon sa mga pag-aaral isa pa sa mga benepisyo ng salabat o ginger tea ay nakakatulong ito sa pag-boost ng immune system ng tao. Ang taglay nitong volatile oils ay may mga anti-inflammatory property na katulad sa mga antio-inflammorty na gamot.
Kaya naman magandang alternatibong gamot ang salabat na gawa sa luya para sa mga sakit ng ulo, flu, at kahit na nga pananakit ng puson ng babae.
8. Nakakatulong din ito sa pananakit ng tiyan
Kilala rin ang salabat bilang alternatibong gamot sa mga sumsakit ang tiyan. Ayon pa nga sa isang pag-aaral ay kasing epektibo nito ang mga gamot na mabibili sa botika.
9. Nakakatulong ang salabat para sa ubo
Napatunayan na ang luya ay nagtataglay ng mataas na anti-inflammatory and antioxidant properties. Ang anti-inflammatory properties ay nakakatulong upang ang anumang pananakit, pamamaga, at pamumula ay maibsan.
Ito rin ang nakakatulong upang maibsan ang iritableng lalamunan at daanan ng hangin o airways ng isang tao na dulot pag ubo.
Bukod pa rito, ang salabat ay nakakatulong sa may ubo sapagkat may sangkap ito na nakakapagpa-relax ng airway muscles.
10. Ang luya ay siksik sa bitamina
Maraming uri ng bitamina ang taglay ng luya. Ito ay ang mga sumusunod:
- Vitamin B3 at B6
- Iron
- Potassium
- Vitamin C
- Magnesium
- Phosphorus
- Zinc
- Folate
- Riboflavin
- Niacin
History ng Salabat o Ginger tea?
Sinasabing nagsimula ang paggawa ng salabat sa China, 5,000 taon na ang nakakalipas. Noong mga panahon na iyon ginagamit ang salabat bilang health tonic.
Sa paglaon ng panahon dahil sa barter system at kalakalan sa daigdig ay umabot na ito sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa una’y ibinebenta ito bilang panpalasa ng mga pagkain.
Pero paano nga ba ginagawa ang masarap at healthy na inuming ito?
Salabat easy recipe
Simple at madali lamang ang paraan kung paano gumawa ng salabat na luya o ginger tea. Ang unang kakailanganin mo ay apat hanggang anim na hiwa nang nabalatang luya. Kung gusto mo ng mas matapang ay maaaring dagdagan ang bilang ng slice.
Ang mga sumusunod ay ang sangkap na kinakailangan sa paggawa ng salabat:
- 4 to 6 na hiwa ng luya
- 2 tasa ng tubig
- Lemon (opsyonal)
- Honey (opsyonal)
Paraan: Ilagay sa kaserola ang dalawang tasa ng tubig saka ihalo ang hiniwa-hiwang luya. Mas madami, mas matapang at maanghang. Kaya naman ang bilang ng hiniwang luya ay nakadepende sa kung ano ang gusto mong lasa ng iyong salabat.
Pakuluuan lamang ito sa loob ng sampu (10) hanggang dalawampung (20) minuto.
Oras na matapos ang pagpapakulo ay alisin sa mainit at saka idagdag ang honey at lemon, upang mas maging kaaya-ayang inumin.
Maaari ring gumawa ng salabat na may gatas. Gawin sa papamagitan ng pagpapakulo ng slices ng luya sa isang tasang tubig. Pagkatapos ng sampung minuto ng kumulo ay alisin sa init at haluan ng dalawang tasang gatas at haluin.
Narito pa ang ilang ginger tea recipe: Paano gumawa ng salabat na luya?
1. Turmeric Ginger Tea
Ingredients:
- 1 hanggang 2 slice ng ginger root
- Isang baso ng mainit na tubig
- 1 dash ng turmeric
- Isang dash ng black pepper
- Honey (optional)
Direction:
- Ilagay ang ginger root sa baso
- Lagyan ng mainit na tubig, turmeric, at black pepper.
- Haluing mabuti. Hayaang matuyo ito ng 5 hanggang 10 minuto
- Lagyan ng honey para sa pampalasa
2. Grated Ginger Tea
Ingredients:
- Isang kutsarita ng tinadtad na ginger root
- Isang baso ng mainit na tubig
- Honey (optional)
Direction:
- Ilagay ang ginger root sa isang tea infuser at ilagay ito sa isang mug. (Sa halip na isang tea infuser, maaari kang gumamit ng indibidwal na tea filter o isang teapot na may filter o maaari mong salain ang luya gamit ang isang salaan pagkatapos na matuyo ang tsaa.)
- Idagdag ang kumukulong tubig at hayaang kumulo ito ng 5 hanggang 10 minuto.
- Alisin ang luya.
- Lagyan ng honey para sa pampalasa (optional).
3. Stovetop Ginger Tea
Ingredients:
- 2-inch na piraso ng sariwang ginger root
- 4 baso ng sinalang tubig
- Honey (optional)
Direction:
- Balatan ang ginger roort at hiwain ito ng manipis na hiwa.
- Pakuluan ang tubig sa isang kasirola. Kapag kumulo na, ilagay ang luya.
- Takpan ang kawali at patayin ang apoy. Pahintulutan itong lumambot ng 10 minuto.
- Alisin ang mga luya at ilagay sa baso. Lagyan ng honey para sa pampalasa.
4. Lemon or Lime Ginger Tea
Gumawa ng ginger tea at dagdagan lang ng katas ng lemon o lime wedges ang tsaa.
5. Ginger Green Tea
Ang isang simpleng paraan ng paggawa ng ginger tea na may green tea o anumang uri ng tsaa (white tea, oolong tea, black tea) ay gawin muna ang ginger tea at pagkatapos ay i-steep ang green tea sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.
Bagama’t ito ay isang natural na inumin ay may mga na-report na side effects ang salabat na dapat ding malaman. Ito ay gas, bloating, heartburn at nausea.
Paano ang tamang pag-inom ng luya?
Hindi rin advisable na uminom o mag-consume ng sobrang luya ang mga gumagamit ng blood thinners o blood pressure drugs dahil sa blood thinning effect nito. Kaya naman bago uminom o magconsume ng dagdag na luya sa inyong diet ay komunsulta muna sa inyong doktor.
Inirerekomenda ng mga doktor ang pagkonsumo ng maximum na 3-4 gramo ng ginger extract bawat araw. Kung ikaw ay buntis, huwag kumonsumo ng higit sa 1 gramo.
Ang luya ay hindi inirerekomenda para sa mga batang wala pang 2 taong gulang.
Ang mga sumusunod ay katumbas ng 1 gramo ng luya:
- 1 kutsarita ng powdered ginger
- 1 kutsarita ng ginadgad na hilaw na luya
- 4 na tasang tubig na nilagyan ng 1/2 kutsarita na gadgad na luya
Mas kaunting hilaw na luya ang kailangan kapag gumagawa ng salabat dahil ang ilang mga nutrients sa luya ay nagco-concentrate kapag pinainit.
Ang simpleng salabat na gawa sa luya ay marami talagang benepisyo sa kalusugan ng tao kaya huwag mag-alinlangan na subukang gumawa at uminom nito.
Karagdagang ulat mula kay Kamille Batuyong
Source:
Healthline, BBCgoodfood, Timesofindia
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.