Traveling With Baby: Best Baby Car Seat Brands Para Masiguradong Safe Si Baby

Protektahan mo si baby habang nasa sasakyan sa pamamagitan ng car seat. Heto ang listahan ng best baby car seat in the Philippines.

Mommies at daddies, kung madalas kayong bumyahe kasama ang inyong baby, nararapat lamang na gumamit ng baby car seat. Ito ang siyang magpapanatili ng safety at security ng inyong little one.

Bukod pa roon ay ipinasa na rin ang Republic Act 11229, ang batas na nagmamandato ng “Special Protection of Child Passengers in Motor Vehicles." Nakasaad sa batas na ito na kinakailangang gumamit ng car seat kung may kasamang bata sa loob ng sasakyan. Ayon din dito, dapat tama ang car seat para sa edad, height, at bigat ng bata.

Kaya naman upang kayo ay tulungan sa paghahanap ng best baby car seat, inilista namin ang mga trusted brands na mabibili ninyo online. Keep on reading to know more!

Bakit kailangan gumamit ng car seat for baby

Ang car seat ay ginagamit upang maging ligtas si baby sa loob ng sasakyan. Ang mga baby ay may greater risk na magkaroon ng injuries sa car crashes dahil nagde-develop pa ang kanilang spine at skull.

Nakadepende sa edad ni baby, at sa kanyang height at weight ang type ng car seat na gagamitin, pati na rin kung gaano katagal ito pwede gamitin. Pwedeng magsimula na gumamit ng infant-only (rear-facing) seats or convertible seats. Habang lumalaki sila, pwede silang lumipat sa forward-facing seats hanggang sa gumamit na sila ng booster seat.  

Ang inyong baby o toddler ay dapat gumamit ng rear-facing car safety seat hanggang ma-reach niya ang maximum weight or height restriction ng naturang car seat. Dapat ilagay ang child safety seat sa backseat ng iyong kotse o sasakyan. Ito ay dahil baka magkaroon ng fatal injuries ang iyong anak kapag nasa front seat siya at na-deploy ang airbag.

Types of baby car seats

Upang mas matuto nang higit pa tungkol sa baby car seat, tatalakayin din namin ang mga uri nito.

Best Baby Car Seat In The Philippines: Safe, Durable, & Adaptable | Image from iStock

Uri ng car seats:

  1. Infant-only seat

Tinatawag rin itong rear-facing seat. Ito ang safest option para sa mga baby. Nire-rekomenda na gumamit ng infant-only seat hanggang umabot ng 20 to 22 pounds ang baby o ang ulo niya ay umabot ng 1 inch away mula sa tuktok ng car seat. Kailangan na rear-facing sila dahil ang likod ng safety seat ang magpo-protekta sa ulo, leeg, at torso ng iyong anak kung sakaling magkaroon ng car crash. Dahil sa murang edad, ang leeg ng iyong baby ay hindi pa malakas upang suportahan ang ulo niya kapag maaksidente.  

  1. Convertible

Ang convertible baby car seat ay ginagamit para sa easy transition. May ibang mga modelo na pwedeng mag-shift from rear-facing to front-facing kapag lumaki na ang iyong anak. Dahil dito, mahalaga na pumili ng convertible seat na durable ang design dahil posibleng ilang taon niyo ito gagamitin.

May ilang disadvantages ang convertible car seats: hindi sila portable at hindi sila pwedeng gamitin bilang infant carrier. Mas mabigat rin sila at mas bulky kung kaya hindi sila ganun kadaling buhatin.

  1. Combination seat

Pwedeng gamitin ito ng toddlers na 1 year old and above na na-outgrow ang kanilang rear-facing car seat. Front-facing ang combination seat at maaari itong ma-convert sa booster seat kapag lumaki na ang iyong anak.

  1. Booster seat

Ito ang nagsisilbing transition sa pagitan ng combination seat at sa paggamit ng regular seat belt. Ang mga bata na 5 years old and above ay dapat gumamit ng booster seat until umabot sila ng 4 feet 9 inches height. Kapag naabot na nila ang height na ito, pwede na silang gumamit ng regular seat belt.

Best Car Seat Brands for Baby

Best Baby Car Seat Brands
Doona Car Seat & Stroller
Most Lightweight Travel System
Bumili sa Shopee
Combi Wego Long Car Seat
Best for small cars
Bumili sa Shopee
Maxi Cosi Pria 85 Convertible Baby Car Seat
Quickest to Fasten
Bumili sa Shopee
Joie Dark Pewter Convertible Baby Car Seat
Long-lasting Convertible Car Seat
Bumili sa Shopee
Graco Baby Car Seat Extend2Fit
Most Stylish
Bumili sa Shopee
Chicco Nextfit Zip Baby Car Seat
Best for Long Haul Trips
Bumili sa Shopee
Looping Squizz 0+ Baby Car Seat With Adapter
Best Infant and Stroller Combo
Bumili sa Lazada
Akeeva Egg Protect Baby Carseat
Best for The Budget Conscious
Bumili sa Shopee

Doona Car Seat/Stroller

Most Lightweight Travel System

Best Baby Car Seat In The Philippines: Safe, Durable, & Adaptable | Doona

Dinisenyo ang Doona upang bigyan ang mga magulang ng ligtas at praktikal na solusyon para sa kanilang mga baby, at ang car seat na ito ang patunay. Ito ang kauna-unahang infant car seat na kompleto, fully-integrated travel system, na dahilan para madaling i-convert ito mula sa car seat patungong stroller sa loob lang ng ilang segundo. Mapapadali ang mga gawain sa araw-araw.

Hindi na kailangang ilipat ang inyong kids mula sa safety carrier patungo sa stroller kaya makatitipid ng oras at lakas sa one simple motion operation feature nito.

Features we love:

  • Safety
    • May One-touch brake
    • May 5-point harness para sa kaligtasan at seguridad
    • Adjustable ang handlebar na anti-rebound bar na rin para maging mas ligtas
    • Gawa sa dekalidad na materyal na ligtas para kay baby
  • Functionality
    • Stretchy canopy material
    • Madaling itupi at buksan
    • Magaan at madaling bitbitin
    • Approved para sa pagta-travel
  • Gaano kadali i-maintain?
    • Pwedeng alisin at labahan ang textiles
    • Madaling linisin

Combi Wego Long

Best for small cars

Best Baby Car Seat In The Philippines: Safe, Durable, & Adaptable | Combi

Bakit maganda ito?

Ang Combi Wego Long ay merong EggShock Pad sa head support at bawat side. Meron din itong low center of gravity para sa tamang pag-upo ni baby.

Features na gusto namin dito

  • Safety
    • Meron itong EggShock pad para sa head support na nakakabawas ng risk ng head injury sakaling ma-aksidente ang kotseng sinasakyan.
  • Functionality
    • Protektado si baby sa bawat side.
    • Matagal itong magagamit dahil hanggang 7 taon gulang puwede ito.
    • Maaaring gamitin ito ng front- at rear-facing.
    • Ang low seating design nito ay nagpapanatili ng comfort ni baby.
  • Gaano kadali i-maintain
    • Madaling tanggalin ang inner cushion nito para mailagay sa washing machine.

Maxi Cosi – Pria 85 Convertible Car Seat

Quickest to Fasten

Best Baby Car Seat In The Philippines: Safe, Durable, & Adaptable | Maxi Cosi

Bakit maganda ito?

Meron ito nang lahat ng nais mong makita sa isang car seat: comfort, safety, at madaling linisin.

At dahil convertible car seat ito, maju-justify mo ang presyo nito dahil matagal itong magagamit ng iyong little one. Plus din na meron itong lifetime guarantee.

Features na gusto namin dito

  • Safety
    • Ito ay isang harnessed convertible car seat na rated para sa batang hanggang 85 pounds kaya magagamit mo ito nang hanggang lumaki-laki ang iyong anak.
    • Meron itong Air Protect air cushion system para protektahan si baby sa side impact.
  • Functionality
    • Ang CosiCushion fabrics at padding nito ay responsable para sa comfort ni baby.
    • Para madaling gamitin, meron itong harness holders na nagpapanatiling in place ang safety belts kapag isinasakay si baby.
    • Madaling i-adjust ang height nito para sa mas magandang fit at safety gamit ang isang kamay lang.
  • Gaano kadali i-maintain
    • Madaling linisin at i-maintain ang Pria 85. Machine washable ito at madaling tanggalin ang seat pad mula sa frame.

Joie Every Stage Convertible Car Seat

Long-lasting Convertible Car Seat

Best Baby Car Seat In The Philippines: Safe, Durable, & Adaptable | Joie

Bakit maganda ito?

Ito ay isang ultimate transporter na pwedeng gamitin mula 0 hanggang 12 years. Meron din itong 5 recline positions para sa utmost comfort ng bata habang nasa sasakyan.

Features na gusto namin dito

  • Safety
    • May side impact protection ito na may added security para sa ulo, katawan, at baywang ng iyong anak.
    • Ang Guard Surround Safety panels ay nagbibigay ng protection katulong ang reinforced steel inner seat shell na siya namang nagbibigay ng structural integrity ng car seat na ito.
  • Functionality
    • Puwede itong magamit mula newborn hanggang 12 years old o 36 kg.
    • Ang AutoAdjust side wings nito ay naii-adjust para sa headrest.
    • May built-in side ventilation din ito para hindi mainitan ang bata.
    • One pull motion lang ang kailangan para higpitan ang 5-point safety harness nito.

Graco Convertible Car Seat Extend2Fit

Most Stylish

Best Baby Car Seat In The Philippines: Safe, Durable, & Adaptable | Graco

Bakit maganda ito?

Ang Graco Extend2Fit ay hindi exception dito. Pwede itong gamitin mula baby hanggang sa toddler na may bigat na 65lbs. Komportable din ito dahil may 6 levels ito ng recline.

Features na gusto namin dito

  • Safety
    • Ito ay engineered at crash-tested kaya pumasa ito sa US Safety Standards.
    • Tested din ito para side impact.
  • Functionality
    • Puwede itong rear-facing para sa mga sanggol na 4-50 lbs at rear forward-facing sa mga toddlers na 22-65lbs.
    • Ang 4-position extension panel nito ay nagbibigay ng karagdagang leg room.
    • Naga-adjust ang 10-position headrest nito para sa lumalaki mong anak.
    • Ang harness system nito ay simple lang kaya madaling isakay at tanggalin si baby mula dito.
    • Hassle-free din ito i-install sa sasakyan.
  • Gaano kadali i-maintain
    • Machine washable ang seat pad nito kaya madaling linisin.

Chicco Geo NextFit Zip Car Seat for Baby

Best for Long Haul Trips

Best Baby Car Seat In The Philippines: Safe, Durable, & Adaptable | Chicco

Bakit maganda ito?

Ang car seat na ito mula sa Chicco ay maituturing na isa sa best baby car seat in the Philippines dahil bukod sa kanyang superior safety features, meron itong 9-position ReclineSure leveling system.

Nakakatulong ito para manatiling komportable at masaya si baby sa car seat.

Features na gusto namin dito

  • Safety
    • Ang DuoGuard feature nito ay nagbibigay ng 2 layer ng proteksyon para sa ulo at katawan ng bata. Katuwang nito ang deep rigid shell nito na may EPS energy-absorbing foam sa pagsisigurado ng safety ni baby.
  • Functionality
    • Nagta-transition din ito mula rear-facing para sa mas maliliit na sanggol papuntang forward-facing para sa mga toddlers.
    • Idinisenyo ito para sa mga 5 lbs hanggang 65 lbs na bata. Puwede itong gamitin mula newborn hanggang maabot niya ang maximum weight na recommended ng car seat na ito.
    • Madali itong i-install at meron itong LockSure belt-locking system.
  • Gaano kadali i-maintain
    • Natatanggal din ang seat pad nito para malabhan sa washing machine.

Looping Squizz 0+ Car Seat with Adapter

Best Infant and Stroller Combo

Best Baby Car Seat In The Philippines: Safe, Durable, & Adaptable | Looping

Bakit maganda ito?

Maganda ito dahil meron itong one-click transfer feature na nagpapadali ng paglipat mula sa sasakyan papuntang stroller.

Features na gusto namin dito

  • Safety
    • Approved ito ng IATA at European standard EN 1888.
  • Functionality
    • Para ito sa mga newborn babies hanggang sa 9 months kaya rear-facing lang ito.
    • I-transfer ang car seat mula kotse papuntang stroller ng isang click lang.

Akeeva Egg Protect Car Seat

Best for The Budget Conscious

Best Baby Car Seat In The Philippines: Safe, Durable, & Adaptable | Akeeva

Bakit maganda ito?

Para sa murang halaga, makakakuha ka na ng car seat na magagamit ni baby hanggang siya ay 26kg bigat na.

Features na gusto namin dito

  • Safety
    • Sumusunod ito sa ECE R44/04 car safety seat standard.
  • Functionality
    • Meron itong egg shell head protection. Ibig sabihin nito nakakabawas ito ng risk ng brain injury. Tulad ng itlog na inalog, sa labas mukha itong okay pero ang yolk nito ay maaaring na-harm. Ganun din ang egg shell effect. Kaya ang Akeeva Egg Protect ay idinisenyo na may proteksyon para maiwasan ang brain trauma kung sakaling ma-aksidente.
    • Para ito sa 0-26kg na bata.
    • May 5-point harness belt ito.
    • Pwede itong front- at rear-facing.
  • Gaano kadali i-maintain
    • Washable ang seat cover nito.

Price Comparison Table

Narito ang isang summary ng best baby car seat sa aming listahan:

Brand Price Dimension (in inches) Recommended Age / Weight
Doona Car Seat/Stroller ₱26,999.00 Not Available 0 to 7 years old  
Combi Wego Long      ₱9,999.00 18.7 inches x 20.6 inches x 24.8 inches 0 to 7 years old  
Maxi Cosi – Pria 85 Convertible Car Seat ₱34,999.75 29.7 x 20.8 x 19 inches 0 – 12 years 
Joie Dark Pewter Every Stage Convertible Car Seat ₱16,000.00 21.45 inches x 22.8 inches x 30 inches 0 – 12 years 
Graco Convertible Car Seat Extend2Fit ₱24,990.00 22.1 x 19.2 x 25.2 inches Can be used until your child is 65 lbs (29 kg) or 49 inches
Chicco Geo NextFit Zip Car Seat for Baby ₱27,999.00 ‎21 x 19 x 29.2 inches Can be used by children from 4lb to 65lb (~1.8kg to 29.4kg)
Looping Squizz 0+ Car Seat with Adapter ₱8,899.00 Not Available 0 to 9 months old 
Akeeva Egg Protect Car Seat ₱7,000.00 16.14 inches x 24 inches x 15.7 inches Can be used until your child is 57.3 lb (26 kg)

 

Pagpili ng baby car seat

Para matulungan kayo pumili ng pinakamahusay na car seat para sa inyong anak, inilista namin ang mga pamantayan na dapat suriin bago bumili.

Best baby car seat in the Philippines | Image from Unsplash

  • Safety: Pumili ng car seat na makakasiguradong magpapanatiling safe ang bata at pasado sa ating batas.
  • Functionality: May kamahalan ang mga baby car seats kaya mas makakatipid ka kung ikaw ay kukuha ng car seat na puwedeng kalakihan ni baby at makakapagbigay ng iba’t-ibang features.
  • Gaano kadaling i-maintain: Maniwala kayo sa amin, gugustuhin niyong bumili ng car seat na madaling linisin. Isipin n’yo na lang ang mga spit-ups, pagkain, at diaper leaks na maaring makadumi sa baby car seat niyo.

And there you have it, mommies and daddies! Have a safe travel with your precious one sa tulong ng isa sa mga baby car seat na iyong mapupusuan sa aming listahan!