X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Best breastmilk storage bags in the Philippines: mura at matibay

Nagbre-breastfeed ka ba? Narito ang 6 breastmilk storage bags in the Philippines na subok na ng mga breastfeeding mommies.

Narito ang 6 best breastmilk storage bags in the Philippines na trusted  ng mga breastfeeding nanay!

breastmilk storage bags in the Philippines

Breastmilk storage bags in the Philippines | Image from iStock

Para sa mga nanay na nagta-trabaho sa opisina o madalas na mag-travel, may mga panahon na mahirap mag-breastfeed. Mabuti na lang at pwede mo pa ring padedehin si baby ng breastmilk dahil pwede nang i-store ang breastmilk ngayon.

Bukod sa breast pump, ang katuwang mo diyan at isa pang must-have ay ang breastmilk storage bags. Mahalagang pumili ng magandang storage bags para hindi ka na mag-alala na hindi makakadede si baby sa tamang oras.

Kailangan lamang na i-thaw ang breastmilk mo.

BASAHIN:

LIST: 7 best baby feeding bottle brands para kay baby

LIST: 6 best baby bottle sterilizer brands na pasok sa budget mo!

SHOPPING GUIDE: Best bottle warmer brands in the Philippines

 

Bakit kailangan gumamit ng breastmilk storage bags

Kumpara sa mga feeding bottles, mas compact ang milk storage bags kaya mas mainam silang gamitin. Pangalawa, mas madali sila i-store at gamitin kapag may mga biyahe ang inyong pamilya. Pangatlo, mas mainam din silang gamitin para sa long-term storage.

Gawa sa high quality material ang mga milk storage bags, kaya mas hygienic sila kumpara sa plastic storage bags. Dahil dito, makakasiguro kang sterile ang breast milk at walang contaminants ito. Maari rin silang i-seal securely kaya mababa ang chance na magkaroon ng leakage o mabutas ang storage bag.

 

Talaan ng Nilalaman

  • Paano pumili
  • Buod ng best breastmilk storage bags
  • Pigeon Review
  • SUNMUM Review
  • Mother-K Review
  • Medela Review
  • Lansinoh Review
  • Tommee Tippee Review
  • Price Comparison

Pagpili ng breastmilk storage bags

Ang pag-express ng breastmilk at pag-freeze nito ay isang praktikal na paraan para i-store ng isang nanay ang kanyang breastmilk. Don’t worry.

Hindi nawawala ang nutritional content ng gatas mo kapag ginawa mo ito. Bago ka pumili ng breastmilk storage bag, may mga bagay na kailangan i-consider tulad ng:

breastmilk storage bags in the Philippines

Breastmilk storage bags in the Philippines | Image from iStock

  • Capacity
    • Bawat breastmilk bag brand ay may kaniya-kaniyang capacity. Para sa mga mas maliliit na babies, pwede kang gumamit ng milk bag na may capacity na 30-50ml.
    • Habang lumalaki ang bata, puwede kang bumili ng breastmilk bag na depende sa amount ng breastmilk na kayang inumin ni baby per feeding.
  • Number of bags in a pack
    • Para sa madalas gumamit ng breastmilk bag, humanap ka ng brand na mas madami ang bags per pack upang hindi agad maubos ang stash mo. Do the math din. Mas makakatipid ka ba kapag ito ang gamit mo?
  • Functionality
    • May mga brands na may double zipper functions para hindi matapon ang breastmilk. I-check mo rin ang hygiene ng brand ng breastmilk bag.
    • Piliin mo ang mga produkto na sterilized by the manufacturer para siguradong safe ito.

6 best breastmilk storage bags in the Philippines

6 best breastmilk storage bags
product image
Pigeon Breast Milk Storage Bag
more info icon
View Details
Buy now
product image
Sunmum Breastmilk Storage Bags
more info icon
View Details
Buy now
product image
Mother-K Breastmilk Storage Bags
more info icon
View Details
Buy now
product image
Medela Breast Milk Storage Container Set
more info icon
View Details
Buy now
product image
Lansinoh Breastmilk Storage Bags 100pcs
more info icon
View Details
Buy now
product image
Tommee Tippee Express And Go Breastmilk Bag
more info icon
View Details
Buy now

Pigeon Breastmilk Storage Bag

Best easy-to-use milk storage bag because of easy-to-pour funnel

Pigeon Breastmilk Storage Bag - Best easy-to-use milk storage bag because of easy-to-pour funnel

Bakit maganda ito?

Ang kagandahan sa Pigeon product na ito ay mayroon itong funnel sa dulo para madaling isalin ang breastmilk. Sa ganitong paraan, naiiwasan masayang ang iyong precious breastmilk.

Features na gusto namin dito

  • Capacity
    • 180ml ang kasya dito.
  • Number of bags in a pack
    • 25 pcs per pack
  • Functionality
    • Pwede itong itago nang patayo o pahiga, depende sa preference mo. Anuman ang piliin mo, hindi ka mag-aalala na matatapon ang gatas. Leak-proof ito dahil may double seal feature ito.
    • Sterilized ito by gamma rays para sa hygienic storage.
  • Presyo
    • ₱999.75 para sa milk saver pump at storage bag (25 sheets) bundle

Pigeon Breast Milk Storage Bag - ₱999.75

by PIGEON

product imageshop now

 

SUNMUM Breastmilk Storage Bags

Best milk storage bag for portability with its triple-lock design

SUNMUM Breastmilk Storage Bags - Best milk storage bag for portability with its triple-lock design

Bakit maganda ito?

Triple seal din ito kaya iwas leaks. May easy-pour feature din ito para hindi ka mahirapang isalin ang breastmilk papunta sa bottle.

Features na gusto namin dito

  • Capacity
    • 250ml
  • Number of bags in a pack
    • 20 pcs bawat pack. Mayroon ding mabibiling packs na may 50 pcs
  • Functionality
    • Gamma-sterilized ito kaya safe at hygienic
    • May triple-zipper seal at easy-pour function
    • Ito ay isang stand-up pouch pero pwede ring itago nang pahiga sa freezer para hindi sayang sa space
  • Presyo
    • ₱140.00 para sa pack of 20 pcs.

Sunmum Breastmilk Storage Bags - ₱140.00

product recommendedChoice ng Editors

by SUNMUM

4.9/5
product imageshop now

 

Mother-K Breastmilk Storage Bags

Best milk storage bag for technology with its temperature sensor function

Mother-K Breastmilk Storage Bags - Best milk storage bag for technology with its temperature sensor function

Bakit maganda ito?

Matapos mong mag-init ng tubig at ibabad ang breastmilk storage bag dito na may lamang gatas, nagiging pink ang logo nito kapag nasa tamang temperature na. Kung puti pa rin ang logo ibig sabihin ay mainit pa ito masyado.

Features na gusto namin dito

  • Capacity
    • Kaya nitong mag-store ng 200ml
  • Number of bags in a pack
    • Mayroon itong 30 pcs sa isang pack
  • Functionality
    • May temperature sensor function para madaling malaman kung hindi na masyadong mainit ang gatas na laman nito.
    • Leak-proof ito.
    • Self-standing din ito pero pwede ding ilagay nang pahiga sa freezer.
    • Antibacterial at hygienic.
  • Presyo
    • ₱379.00 para sa 1 pack na may 30 pcs

Mother-K Breastmilk Storage Bags - ₱379.00

by Mother-K

5/5
product imageshop now

 

Medela Breast Milk Storage Set

Best milk storage bag for travel with its screw-on lids

Medela Breast Milk Storage Set - Best milk storage bag for travel with its screw-on lids

Bakit maganda ito?

Hindi mawawala ang Medela brand sa listahan tungkol sa breastfeeding o breastmilk kaya kabilang ito sa aming top 6 breastmilk storage bags in the Philippines.

Technically, hindi ito bag, pero ito ay storage ng breastmilk. Kung sa tingin mo mas mainam gumamit ng bottle para sa breastmilk kaysa sa bags, ito ang para sa iyo.

Compatible ito sa lahat ng Medela breast pumps at nipples kaya madaling gamitin.

Features na gusto namin dito

  • Capacity
    • 150ml at 250ml
  • Number of bags in a pack
    • Ang 1 pack ay may 3 storage bottles. Meron ding set of 6 bottles
  • Functionality
    • Versatile ito dahil kaya nitong mag-store ng gatas at padedehin si baby directly dito.
    • Hndi ito madaling mag-crack o masira kaya maiiwasan nito ang leakage. Gawa din ito sa BPA-free plastic kaya safe si baby.
  • Presyo
    • ₱1,129.00 para sa set of 6 na 150ml bottles

Medela Breast Milk Storage Container Set - ₱1,129.00

by Medela

5/5
product imageshop now

 

Lansinoh Breastmilk Storage Bags

Best space-saving milk storage bag

Lansinoh Breastmilk Storage Bags -Best space-saving milk storage bag

Bakit maganda ito?

Ang produktong ito mula Lansinoh ay sinasabing gawa sa matibay na materials kaya hindi agad madalas masira.

Features na gusto namin dito

  • Capacity
    • 180ml ang kayang i-store ng isang breastmilk bag nito
  • Number of bags in a pack
    • Meron itong packs na 25 pcs, 50 pcs, at 100 pcs ang laman
  • Functionality
    • Kung ang breast pump na gamit mo ay Lansinoh brand din, pwede mong i-pump nang diretso ang gatas mo dito. Pero kung iba namang breast pump ang gamit mo, kailangan lang ng adapter para i-connect ito.
    • May double seals ito sa side at double clips para siguraduhing safe ang storage ng breastmilk mo.
  • Presyo
    • ₱849.00 para sa pack na may 100 pcs

Lansinoh Breastmilk Storage Bags 100pcs - ₱849.00

by Lasinoh

5/5
product imageshop now

 

Tommee Tippee Express and Go

Best milk storage bag for direct usage

Tommee Tippee Express and Go - Best milk storage bag for direct usage

Bakit maganda ito?

Ergonomic ang shape nito at madaling i-grip. Equipped ito ng screw cap para sa madaling installation sa mga breast pumps at iba’t-ibang brands ng nipples.

Features na gusto namin dito

  • Capacity
    • 180ml
  • Number of bags in a pack
    • 1 piece bawat pack
  • Functionality
    • Bukod sa storing at pumping, pwede mo ding ibigay directly ang gatas mula sa storage bag na ito kay baby dahil compatible ito sa iba’t-ibang nipple brands. Hindi ka na rin matatakot na matapon ang gatas mo dahil hindi mo na itong kailangang ilipat-lipat.
    • Pre-sterilized ito
  • Presyo
    • ₱1,000.00 para sa 20 pouches

Tommee Tippee Express And Go Breastmilk Bag - ₱1,000.00

by Tommee Tippee

5/5
product imageshop now

 

Breastmilk Storage Bags Price Comparison

Tignan dito ang price breakdown at comparison ng mga breastmilk storage bags:

Brand Volume       Price    No. of Pieces Price per Piece
Pigeon Breastmilk Storage Bag 180ml  ₱799.75  25 ₱31.96
SUNMUM Breastmilk Storage Bags 250ml  ₱169       20 ₱8.45
Mother-K Breastmilk Storage Bags 200ml  ₱379       30 ₱12.6
Medela – Breast Milk Storage Set 150ml  ₱1,129 6 ₱188
Lansinoh Breastmilk Storage Bags 180ml  ₱849       50 ₱16.98
Tommee Tippee Express and Go  180ml  ₱1,000 20 ₱50

 

Paano magstore ng pumped breastmilk

breastmilk storage bags in the Philippines

Breastmilk storage bags in the Philippines | Image from iStock

  • Para sa ligtas na storage ng pumped breast milk, sundan ang principle na “First In, First Out." Dapat munang gamitin ang naunang stored milk upang maiwasang mag-expire ang gatas. Dahil dito, importante na lagyan ng label ang breast milk storage bags. Isulat ang oras at petsa kung kailan mo ito na-express.
  • Hugasan nang maigi ang inyong mga kamay bago i-handle ang breast milk at gumamit ng sterile breast milk storage bags na pwedeng i-seal.
  • Siguraduhin na nasa tamang temperatura ang iyong refrigerator upang hindi masira ang breastmilk. Pwedeng itago ang breast milk sa refrigerator for up to 4 days sa temperatura na 32°–39°F (0°–3.9°C). Mas mainam na ilagay ang storage bag sa likod ng inyong ref dahil naroon ang most stable temperature.
  • Kapag itatago mo naman ito sa freezer, pwedeng tumagal ang breastmilk hanggang 6 months. Ang temperatura ay dapat 0 degrees F (-18 degrees C) o mas malamig. Huwag punuin ng todo at mag-iwan ng ilang inches na space sa ibabaw ng breast milk storage bag dahil nag-eexpand ang breast milk kapag nanigas ito.
  • Iwasan ang cross-contamination sa pamamagitan ng paghiwalay ng milk bags sa mga frozen meat products at iba pang raw products.
  • Bawal i-refreeze ang thawed breast milk dahil magkakaroon ito ng dagdag na breakdown ng nutrients na maaaring makataas ng risk ng bacterial growth.

BASAHIN:

LIST: 6 best baby bottle sterilizer brands na pasok sa budget mo!

LIST: 7 best baby feeding bottle brands para kay baby

Formula feeding: Isang gabay kung gaano karaming gatas ang dapat inumin ng baby habang siya’y lumalaki

Editor's note: The product links provided here are aimed to help simplify product searches for our readers. Purchase the items at your own discretion. We do not take liability for any transaction issues and dispute. If you purchase an item from this post, theAsianparent may receive a small cut. Each item and price is up to date at the time of publication; however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
img

Sinulat ni

Stephanie Asi de Castro

I-share ang article

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community saiOS oAndroid!

  • 5 breast milk storage bags na maaari mong gamitin

    5 breast milk storage bags na maaari mong gamitin

  • Best breast milk cooler bag brands that are breastfeeding must-haves

    Best breast milk cooler bag brands that are breastfeeding must-haves

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • 5 breast milk storage bags na maaari mong gamitin

    5 breast milk storage bags na maaari mong gamitin

  • Best breast milk cooler bag brands that are breastfeeding must-haves

    Best breast milk cooler bag brands that are breastfeeding must-haves

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.