Hindi natin ikakaila na kahit nasa bahay, magastos pa rin ang online school ng ating mga anak. Nariyan ang gagamitin na laptop, notebook, blue light glass at iba pang kakailanganin nito. Ngunit isa pang hindi dapat makalimutan ay ang printer na magagamit mo sa mga module ng iyong chikiting. Kaya naman narito ang best budget printer ngayong 2020 sa Philippines.
DepEd laptop minimum specifications para sa online classes
Nagbigay naman ng minimum specifications ang Department of Education (DepEd) para sa mga nais mag donate ng laptop o iba pang gadgets sa mga public school para sa mga gagamitin ng bata sa kanilang online class ngayong school year 2020-2021.
Ayon kay Department of Education Undersecretary for Administration Alain Pascua, naglabas ng rekomendasyon ang Information and Communications Technology Service para sa minimum specs na idodonate ng iba sa mga paaralan. Kabilang dito ang mga ibibigay na tablet, cellphone, laptop at desktop. Kasama na ang internet para sa mga mag-aaral at teacher na magagamit nila sa online class ngayong school year.
Dagdag nito na makakatulong ang pagbibigay nila ng minimum specs sa mga idodonate na gadgets para sa ibibigay nilang software application na hatid ng DepEd.
“These minimum specifications will facilitate the conduct of distance education during the COVID-19 pandemic and such other emergencies in the future. And will be appropriate to the digital contents and software applications that will be installed by DepEd,”
Rekomendasyon ng DepEd na ang mga ibibigay na tablet ay kailangang Android 9.0, 1.3 GHz processor na may 2GB memory at 32 GB storage. Habang ang smartphone na ibibigay ay mayroong 2 GB memory at 32 GB storage. Kasama na rito ang Octa-core 2.2 GHz processor at Android 8.1 operating system. Ang tablet at smartphone ay kailangang may maayos na camera rin at mayroong wifi at bluetooth.
Bukod sa gadgets, kasama rin na ibibigay ang internet connection para sa mga guro at estudyante. Ayon sa DepEd, kailangan ay nasa 10 GB o 500 pesos kada buwan ang dapat mayroon ang isang guro. Habang nasa 6 GB o nagkakahalaga ng 300 pesos ang mga sa estudyante.
Gadget specification para sa mga guro:
Para maging effective ito, ang mga laptop na ibibigay sa mga teachers ay kailangang nasa 1.6Ghz speed at mayroong 8 GB RAM na memory. Dapat rin ito ay 12 inches ang size at 512 GB HDD SATA na mayroong built-in speaker at camera na mahalaga para sa kanila kapag may lecture online at kailangan ng video. Mayroon rin dapat itong bluetooth, keyboard, mouse at headseat.
Gadget specification para sa mga junior at senior high school students:
Para naman sa mga junior at senior high school students, kailangan ng 4 GB memory ang kanilang 2 in 1 tablet PC na may 1.1 GHz base clock speed din. Kasama na dito ang 10 inches screen at may internal storage na 32 GB. Katulad sa guro, mahalaga rin para sa mga estudyante ang magkaroon ng built in speaker at camera ang kanilang gagamiting gadget. Kasama na diyan ang bluetooth connectivity, keyboard, mouse at headseat.
Best budget printer ngayong 2020 sa Philippines
1. Epson L6160 3 in 1 Wireless/Duplex Printer
Maaaring mabili sa halagang 13,888 pesos ang wireless/duplex printer na ito. Available na ito online at maaaring mabili via installment as low as 698 pesos a month.
Shop now!
Image from Epson
2. Canon Pixma TS207 Inkjet Document Printer w/ Borderless Photo Printer
Sulit naman ang 1,850 pesos sa Canon Pixma na available na rin at maaaring mabili online. Ito ay may kasamang printer, power cord, free initial ink cartridges, CD-Rom, manuals at USB cable.
Shop now!
Image from Canon
3. Samsung Xpress SL-M2020W Laser Printer
Para sa halagang 4,390 pesos, makakabili ka na ng Samsung Laser printer. Available ito sa Shopee at maaaring madeliver sa’yo within 5 days!
Shop now!
Image from Shopee
4. HP Smart Tank 500 AiO Continuous Ink Supply System
Ang printer na ito ay may continuous ink supply system. Sa halagang 7,950 pesos, maaari ka nang makapag print, copy at scan! Available na ito online at mayroon na rin siyang free shipping.
Shop now!
Image from Shopee
5. HP Laserjet 107w Single Function Mono Printer
Sulit ang iyong 5,711 pesos sa HP wireless laserjet printer na ito. Mabibili ito online ang maaaring madeliver sa’yo within 5 days. Free shipping rin ito at 7 days return.
Shop now!
Image from Shopee
BASAHIN:
Ready na ba sa online learning ang anak mo? 15 laptop na pasok sa budget
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!