Best Diaper Brands In The Philippines Na Inirerekomenda Ng Mga Pinay Moms

Best Diaper Brands In The Philippines Na Inirerekomenda Ng Mga Pinay Moms

Anong gamit mong diaper para sa iyong baby?

Isa sa mga pangunahing pangangailangan ni baby ay ang diaper. Araw-araw itong gagamitin mula pagkasilang hanggang sa siya ay lumaki at matuto nang gumamit ng toilet bowl. Kaya naman nararapat lamang na maging mabusisi sa pagpili ng brand na gagamitin.

Sa kabilang banda, sa dami ng brands na naglalabasan sa market, paano mo malalaman ang akma para sa iyong little one? Huwag nang magpakastress! Inilista namin ang best diaper brands Philippines upang matulungan ka.

Patuloy na magbasa at alamin kung anu-ano ang magagandang brands ng baby diaper na mabibili online!

Best diaper brands in the Philippines

Best Diaper Brands
MAKUKU Anti-Clump Breathable Ultra Care Diaper
Best Overall
more info icon Buy Now
EQ Dry Newborn Diaper
Best for Newborns
more info icon Buy Now
Applecrumby Chlorine-free Tape Baby Diapers
Best for Sensitive Skin
more info icon Buy Now
GOO.N Premium Mommy Kiss Diaper Tape
Best Overnight
more info icon Buy Now
Huggies Skin Care Pants
Best Pants Diaper
more info icon Buy Now
UniLove Airpro Baby Diaper
Most Budget-Friendly
more info icon Buy Now

Best Overall Baby Diaper

Makuku Ultra Care Diaper

Makuku Ultra Care Baby Diaper - Best Overall

Best Diaper Brands Philippines Na Tested At Approved Ng Pinay Moms | Makuku

Hanap mo ba ay baby diaper brand na malambot, presko, lightweight at super absorbent? Swak na swak ang Makuku Ultra Care Diaper!

Ginamitan ang diaper na ito ng super absorbent polymer na mabilis mag-absorb ng ihi. Manipis din ito at lightweight kaya komportable ipasuot sa iyong little one. Mayroon din itong ultra-soft surface layer na nakakatulong upang maiwasan ang skin irritation at diaper rash.

Lahat ng materyales na ginamit sa produktong ito ay plant-derived kaya’t makakatiyak kang mapapangalagaan at safe ang balat ni baby. Hindi rin ito nagkakaroon ng lumps kapag ka puno na.

Features we love:

  • Plant-derived materials
  • Super absorbent polymer
  • Ultra-soft surface layer

Best Baby Diaper for Newborn

EQ Dry Diaper

EQ Dry Newborn Diaper - Best Baby Diaper for Newborns

Best Diaper Brands Philippines Na Tested At Approved Ng Pinay Moms | EQ

Isa sa mga popular na baby diaper brand sa bansa ay ang EQ. Maraming parents ang pinipiling ipagamit ang brand na ito sa kanilang little one dahil sa breathable at cloth-like ang surface nito. Akmang-akma para sa mga newborn babies na may delicate skin.

Bukod pa riyan ay mayroon itong bubble top sheet na nakakapagpadaloy ng hangin ng maayos sa loob ng diaper upang mapanatiling komportable at dry ang pakiramdam ni baby. At dahil din dito, makakaiwas sa anumang skin irritation gaya ng rashes ang iyong anak.

Ang kagandahan pa sa baby diaper na ito ay mayroon itong side leak guards para iwas tagos ng ihi o dumi ni baby. Ang magic tapes naman nito ay mas madaling maadjust at maaaring mareseal ng maraming beses.

Features we love:

  • Akma para sa newborn skin
  • Breathable at cloth-like
  • Bubble top sheet

Best Baby Diaper for Sensitive Skin

Applecrumby Tape Diaper

Applecrumby Chlorine-free Medium Tape Diaper - Best for Sensitive Skin

Best Diaper Brands Philippines Na Tested At Approved Ng Pinay Moms | Applecrumby

Kung super sensitive naman ang balat ng iyong baby, tamang-tama para sa kanya ang Applecrumby Tape Diapers. Gawa kasi ito sa plant-derived materials gaya ng fluff pulp na napakalambot at highly absorbent.

Sinamahan pa ito ng polymer na absorbent din kaya naman makakasigurado kang dry ang pakiramdam ni baby sa loob ng mahabang oras. Mayroon din itong feather cloth-like breathable cotton top at back sheet.

Higit sa lahat, ang baby diaper na ito ay dye-free at chlorine-free kaya naman makakaiwas si baby sa iba’t ibang skin concerns dulot ng harsh chemicals.

Features we love:

  • Gawa sa plant-derived materials
  • Dye-free at chlorine-free
  • Highly absorbent

 

Best Overnight Baby Diaper

GOO.N Premium Mommy Kiss Diaper Tape

GOO.N Premium Mommy Kiss Diaper Tape - Best Overnight Baby Diaper

Best Diaper Brands Philippines Na Tested At Approved Ng Pinay Moms | Goo.N

Para naman sa mahimbing at tuluy-tuloy na tulog ni baby, magandang gamitin ang Goo.N. Mayroon itong “All for good sleep" feature dahil sa fluffy touch sheet nito na nakakapagbigay ng calming at comfortable feeling kay baby.

Karagdagan, ang diaper na ito ay gawa sa natural cotton kaya’t napakalambot at hindi nakakairita ng balat. Madali rin nitong maabsorb ang ihi at kayang maghold ng hanggang sa 6 cups na liquid. Mayroon din itong wetness line indicator na makakatulong upang malaman mo kung oras na para palitan ang diaper ni baby.

Madali at hygienic din ang paraan ng pagtatapon ng diaper na ito dahil sa kanyang roll and throw feature.

Features we love:

  • All for good sleep feature
  • Gawa sa natural cotton
  • Roll and throw feature
  • Wetness indicator

 

Best Baby Pants Diaper

Huggies Skin Care Pants Diaper

Huggies Skin Care Pants - Best Pants Diaper

Best Diaper Brands Philippines Na Tested At Approved Ng Pinay Moms | Huggies

Parami na nang parami ang mga parents na pumipili ng pants diaper para sa kanilang anak. Mas madali kasi itong suotin at tanggalin kumpara sa tape diaper. Kaya naman kung isa ka rin sa nais nang magswitch sa paggamit ng pants diaper, subukan ang Huggies Skin Care Pants Diaper.

Bukod sa pagiging easy to wear and remove, ang paggamit ng Huggies pants kay baby ay maaari ring makatulong sa kanya upang matutong magsuot ng diaper mag-isa. Mas magiging madali para sa kanya ang transition sa paggamit ng tunay na underwear.

Lightweight at presko pa ito kaya naman hindi nakakairita isuot. Nagtataglay din ito ng natural tea tree extract na nakakapagsooth ng skin ni baby.

Features we love:

  • Pants diaper
  • Lightweight at breathable
  • Natural tea tree extract

 

Most Budget-Friendly Baby Diaper

UniLove AirPro Baby Diaper

Unlive Airpro Baby Diaper - Most Budget-Friendly Baby Diaper

Best Diaper Brands Philippines Na Tested At Approved Ng Pinay Moms | UniLove

Kasama sa monthly budget ng buong pamilya ang diaper ni baby dahil isa ito sa kanyang pangunahing pangangailangan. Kaya naman kung medyo tight ang budget, magandang piliin ang UniLove Airpro Baby Diaper.

Kahit na ito ay mas mura kumpara sa ibang brands, kaya nitong makipagsabayan pagdating sa quality at comfort. Mayroon itong super absorbent core na nakakapagpanatili ng dryness ng diaper kaya’t magiging komportable si baby habang suot ito.

Higit pa riyan ay mayroon itong Airpro backsheet kaya naman ito ay breathable. Manipis din ang diaper na ito, lightweight, quick-drying at may double leak guard.

Features we love:

  • Super absorbent core
  • Airpro backsheet
  • Double leak guard

 

Price Comparison Table

Brands Pack size Price
Makuku 32 pieces Php 259.00
EQ Dry 44 pieces Php 355.00
Applecrumby 42 pieces Php 690.00
Goo.N 29 pieces Php 399.00
Huggies 68 pieces Php 863.00
UniLove 60 pieces Php 451.00

Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out, or the price may be different at a later date.

Paano pumipili ng best diaper brands

Bago bumili ng diaper, ano ba nga ba ang dapat tignan?

Tinanong namin ang mga nanay sa theAsianparent Community kung paano sila pumipili ng diapers at ito ang sinagot nila:

  • Fit and Comfort – Dapat maganda ang lapat nito para kay baby dahil naapektuhan din nito kung gaano kakomportable si baby kapag suot ang diaper.
  • Absorbency – Dito nakasalalay kung magle-leak ang diaper. Kaya ba nitong i-absorb ang wiwi and poop ng iyong little one?
  • Presyo – Tama ba ang presyo para sa quality? Hindi kailangang mahal ang bilhin kung hindi naman maganda ang quality.