Folic acid brands para sa buntis ang isa sa mga supplements na importante sa unang yugto ng pagdadalantao. Mahalaga kasi ang papel nito habang nabubuo ang fetus sa sinapupunan ng ina. Kaya naman mayroon kaming napili na limang brand nito na maaaring makatulong sa iyo.
Kahalagahan ng folic acid sa pagdadalantao
Ang folic acid ay isang uri ng vitamin B (B9) na matatagpuan sa mga supplements at mga pagkaing fortified nito. Ito ay ang synthetic form ng folate, isang nutrient na matatagpuan sa mga madahong gulay na kulay dark green.
Kabilang sa mga ito ang malunggay, spinach, broccoli, at pechay tagalog. Natatagpuan din ito sa ilang legumes gaya ng beans at green peas.
Importante ang pag-inom ng folic acid supplements, bago at habang nagdadalantao ang isang babae. Malaki ang nagagawa nito sa development ng fetus dahil mas napaparami nito ang red blood cells sa iyong katawan.
Ang red blood cells ang responsable sa pagdadala ng oxygen at nutrients sa ating katawan. Malaki ang ginagampanang bahagi nito sa pagbubuntis ng isang ina. Nakatutulong din ito sa maayos na pagtubo ng neural tube ng fetus na siyang parte ng utak at spinal cord.
Nababawasan ng folic acid ang panganib ng pagkakaroon ng neural tube defects ng isang sanggol. Ilan sa mga karaniwang depekto ng neural tube ay mga sumusunod:
- Spina bifida – Isang kondisyon kung saan hindi nagsara nang maayos ang spinal cord at spinal column
- Anencephaly – Malubhang underdevelopment ng utak
- Encephalocele – Ang pag-usli ng brain tissue sa bumbunan ng sanggol dahil sa pagkakaroon ng butas sa kanyang bungo
Talaan ng Nilalaman
Mga gabay sa pagpili ng tamang folic acid brands para sa buntis
1. Suriin ang bilang ng daily serving size
Ang karaniwang serving size ng folic acid ay nasa pagitan ng isa hanggang anim na capsule sa isang araw. Depende ito sa pangangailangan at advise mula sa doktor.
Mahalagang malaman ang impormasyong ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng kakulangan sa prescribed folic acid intake. Maaari itong magbunsod ng pagkakaroon ng maternal nutrient deficiency gaya ng anemia.
Tignan ang label ng kahon o bote ng inyong folic acid supplement kung mayroong impormasyon ukol dito. Kailangang ang iyong folic acid ay may rekomendadong 400mcg (micrograms) ng folate upang maging sapat ang nutrisyon na makukuha mo.
2. Iwasan ang gummy option
Totoo, madali para sa lahat ang uminom ng gamot na naka-gummy option. Ngunit hindi advisable ang gummy supplements bilang uri ng prenatal vitamins.
Maraming essential nutrients kasi ang mababa sa bilang o kulang dahil na rin sa jelly texture nito. Kailangang sapat ang nutrisyon na nakukuha sa mga supplement at nakaayon sa recommended dose ng iyong doktor.
3. Ikonsidera ang personal preference at medical needs mo
Maaari nating isama ang ating personal preference at pangangailangang medikal sa pagpili ng folic acid brands para sa buntis. Puwede tayong pumili ng supplements na:
- Allergen-free para sa iyo
- Halal para sa mga kapatid nating Muslim o
- Vegan and gluten-free option
Mainam na sabihin ito sa iyong doktor upang maresetahan ka ng tamang folic acid brand na nakabatay sa mga ito.
4. Karagdagang nutrients ng folic acid supplement
Malaking tulong sa nutrisyon ng isang nagdadalantao ang pagkakaroon ng karagdagang nutrients sa kanyang iniinom na folic acid. Ilan sa mga essential nutrients na mainam bilang karagdagang sangkap sa iyong folic acid ay ang:
- Omega-3 DHA
- Iron
- Vitamin D
- Vitamin A
- Choline
- Iodine
5. Iwasan ang mga supplement na may dagdag na herbs
Maraming herbs ang kontra-indikado sa pagdadalantao ng isang ina, lalo na sa mga maseselan at may komplikasyon sa pagbubuntis. Mabuting pumili ng folic acid supplement na wala nito.
6. Presyo
Siyempre pa, mahalagang factor din sa ating pagpili ang presyo ng folic acid brands para sa buntis. Kinakailangang akma ang presyo nito sa ating budget dahil marami rin tayong pinagkakagastusan sa araw-araw. Mahalagang pumili ng de kalidad na folic acid supplement na abot-kaya natin ang presyo.
7. Aprubado ng FDA
Kailangang may kumpletong sertipikasyon mula sa Food and Drug Administration ng pamahalaan ang mga folic acid supplement brands na iyong bibilhin. Ito ay upang masiguro ang kalinisan at kaligtasan nito sa ating kalusugan. Hanapin lamang sa website ng FDA ang pangalan ng brand ng iyong folic acid upang malaman kung ito ay aprubado nila.
5 best folic acid brands para sa buntis na aming napili
Puritans Pride Folate 400mcg 250 caplets
Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ay may rekomendadong 400mcg ng folic acid na kailangan ng mga nagdadalantao. Aprubado ito ng FDA ng USA at Pilipinas. All-natural ito kaya walang artificial coloring at flavoring.
Puwede rin ito para sa mga vegetarian dahil gluten-free at lactose-free ito. Nakakatulong din ito sa nervous system at cardiovascular health ni mommy at baby.
Features:
- FDA-registered
- Sinusuportahan ang heart, nervous system at cardiovascular health
- Mabuti sa energy metabolism ni mommy
- Vegetarian dietary supplement
- No artificial color, flavor or sweetener
- Sugar, Lactose, Gluten, Soy, Wheat and Sodium-free
- No starch
- No preservatives
Solgar Folate 400mcg 100 tablets
Bakit mo ito magugustuhan?
All-natural at organic ang folic acid na ito kaya suitable para sa mga vegan. Wala itong artificial coloring at flavoring. Sinusuportahan nito ang malusog na nervous system at pormasyon ng mga red blood cells sa ating katawan.
Naglalaman din ito ng rekomendadong 400mcg ng folic acid para sa mga nagdadalantao.
Features:
- Non-GMO
- No artificial coloring, flavoring and sweeteners
- Gluten, Wheat and Dairy-free
- No yeast, salt, and sugar
- Halal product
- No preservatives
Folart Folic Acid 5mg
Bakit mo ito magugustuhan?
Ang brand na ito ang pinakamura sa lahat ng folic acid supplement na aming napili. Ito ang una at orihinal na purong 5mg na folic acid capsule sa merkado.
Higit 20 taon na itong subok na ligtas at mabisa para sa mga nagdadalantao. Ang pinakamataas na uri ng raw materials na sangkap nito ay mula pa sa Swiss origin at manufactured sa ilalim ng ISO 9001-2008.
Features:
- Anti-anemic
- 5mg o 500mcg folic acid
- Higit 20 taon ng subok na ligtas at mabisa
- Mula sa Swiss origin ang sangkap
- Mabibili sa halos lahat ng drugstores sa bansa
Iberet Folic 500 Multivitamins + Iron
Bakit mo ito magugustuhan?
Mayroon itong sangkap na 105mg ng Iron na nakatutulong upang magamot at maagapan ang anemia. Ito lang ang folic acid brand para sa buntis na may Gradumet Technology upang maibsan ang pagkakaroon ng gastric discomfort. Nakakatulong din ang teknolohiyang ito upang mas maging efficient ang absorption ng iron sa ating katawan.
Features:
- Mayroong 800mcg folic acid
- 105mg Iron
- 500mg Vitamin C
- Vitamin B Complex
- Gradumet Technology for efficient iron absorption
Hemarate FA
Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ay may karagdagang sangkap na minerals gaya ng iron at vitamin B-complex. Ang folic acid content nito ay 600mcg upang maiwasan ang neural tube defects sa mga fetus.
Nakatutulong din ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng cardiovascular disease habang nagdadalantao.
Features:
- 600mcg folic acid
- 60mg Iron
- 20mg Pyridoxine HCI (Vitamin B6)
- 25mcg Cyanocobalamin (Vitamin B12)
Munting paalala para sa mga nagdadalantao
Hindi tayo dapat dumipende lamang sa pag-inom ng folic acid brands para sa buntis. Kinakailangan pa ring sabayan ito ng pagkain ng mga masusustansiyang pagkain at healthy lifestyle. Panatilihin ito upang mapangalagaan ang iyong kalusugan.
Komunsulta muna sa iyong Obstetrician-Gynecologist bago uminom ng mga supplements. Ito ay upang mas magabayan ka tungo sa pagpili ng tamang folic acid na para sa iyo.
Kung nakaramdam ng hindi maganda sa mga iniinom na supplements, agad na magpatingin sa doktor.
Source:
WebMD, Kidshealth, Healthline, Mayo Clinic, Reproductive Medicine Associates
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.