Ready na ba kayong mga Ninong at Ninang para sa darating na pasko? Kung hindi pa at kasalukuyan pang nag-iisip ng best gift for inaanak, tamang-tama ang listahang ito para sa inyo!
Naghanap kami ng safe, educational at budget-friendly na panregalo para sa inyong mga inaanak na siguradong magugustuhan nila. Keep on scrolling at alamin kung anu-ano ang mga ito. Plus, kumuha ng tips kung paano makakatipid sa pagbili ng Christmas gift para sa inaanak.
Best gift for inaanak
[caption id="attachment_490160" align="aligncenter" width="1200"] Best Gift For Inaanak Para Sa Pasko: Educational, Affordable At Safe | Pop-up picture book[/caption]
Isa sa mga ideal gifts for kids ang story books. Bukod sa nakakaaliw ang mga makukulay na illustrations sa bawat pahina ng libro ay tiyak na makakatulong ito upang matuto silang magbasa. Maganda rin na maging hobby nila ang pagbabasa upang maiwasan ang masyadong pagbababad sa gadgets.
At ang best choice ng story book na magandang panregalo this Christmas ay ang Bible Story Pop Up Picture Book For Kids. Ito ay isang board book kaya't hindi basta-basta masisira kapag napaglaruan ng mga chikiting. Siguradong ikakatuwa rin nila ang pop-up pictures sa kada pahina ng libro.
Karagdagan, bible stories ang nilalaman ng aklat na ito at tiyak na may mapupulot na aral ang mga bata. Available ito sa mga bible stories na Daniel in the Lion's Den, Jonah and the Whale, The Story of Moses and The Story of Noah's Ark.
[caption id="attachment_490161" align="aligncenter" width="1200"] Best Gift For Inaanak Para Sa Pasko: Educational, Affordable At Safe | ETL Coloring book[/caption]
Swak din na Christmas gift para sa mga inaanak ang coloring books. Maganda ito para malinang ang kanilang artistic skills at a young age. Kadalasan, ang mga coloring book ay naglalaman din ng istorya kaya na maaari ring basahin ng mga bata. Kaya naman maging ang literacy skills ng mga chikiting ay maaaring madevelop sa pagbibigay sa kanila ng coloring books.
Kung plano mong magregalo ng coloring books sa iyong inaanak, tamang-tama ang ETL Coloring book set. Ang coloring book na ito ay tungkol sa Disney movie na "Frozen" na popular sa mga bata. Naglalaman ang set na ito ng limang coloring books. At hindi lamang pagkukulay ang maaaring gawin ng iyong inaanak dito dahil may kasama itong mga learning activities. Tiyak na mag-eenjoy ang iyong inaanak sa mga coloring books na ito!
[caption id="attachment_490162" align="aligncenter" width="1200"] Best Gift For Inaanak Para Sa Pasko: Educational, Affordable At Safe | Super Mega Art Set[/caption]
Kung patok ang coloring book bilang panregalo, siguradong magugustuhan din ng iyong inaanak ang art set na naglalaman ng iba't ibang klase na pangkulay. Bukod sa ikatutuwa nila ang paggamit nito ay mapapakinabangan pa nila ito sa school.
Perfect ang Super Mega Art Set bilang Christmas gift. Sa presyong abot-kaya, naglalaman ang set na ito ng 208 pieces art materials na maaaring gamitin ng mga bata sa pagdodrawing at pagkukulay. Ang kagandahan pa sa art set na ito ay mayroon itong drawing board at paper na magagamit ng mga bata.
Siguradong malilinang ang creativity ng iyong inaanak sa paggamit ng art set na ito!
[caption id="attachment_490164" align="aligncenter" width="1200"] Best Gift For Inaanak Para Sa Pasko: Educational, Affordable At Safe | Jigsaw Puzzle[/caption]
Magandang panregalo rin ang puzzle for kids. Maaari itong buoin ng mga bata kasama ang iba nilang kalaro o di kaya ay nila mommy at daddy. Nakakatulong din ang paglalaro ng puzzle sa hand-eye coordination development, color at shape recognition at paglawak ng imagination ng mga bata.
Gaya na lamang ng 24 pieces Jigsaw puzzle na ito. Safe na safe itong laruin ng mga batang may edad na 3 years old pataas. Available ang puzzle toy na ito sa mga designs na animal party, sea world at cosmic adventure.
[caption id="attachment_490166" align="aligncenter" width="1200"] Best Gift For Inaanak Para Sa Pasko: Educational, Affordable At Safe | Drawing Table[/caption]
Siguradong magugustuhan din ng mga bata ang drawing o study table. Magagamit nila ito kung mahilig silang magdrawing at magkulay. Bukod pa riyan ay puwede rin nila itong gamitin para sa kanilang pag-aaral at paglalaro.
Kaya naman tiyak na magugustuhan ng iyong inaanak ang drawing table na ito. Mayroon itong cute animal design at projector na makakatulong sa pagdodrawing ng bata. Ang kagandahan pa rito, napakaraming patterns ang maaaring ilagay sa projector na masusundan ng mga chikiting
[caption id="attachment_490167" align="aligncenter" width="1200"] Best Gift For Inaanak Para Sa Pasko: Educational, Affordable At Safe | Activity Set[/caption]
Hindi rin dapat mawala ang activity set sa aming listahan ng best gift for inaanak this Christmas. Napakaraming benepisyo na dulot ng paglalaro nito sa mga bata kaya naman ideal din ito bilang panregalo.
Siguradong ikatutuwa ng iyong inaanak ang educational activity set na ito dahil napakaraming items na included dito. Mayroon itong makukulay na linking cubes, iba't ibang activity cards, marker, dice at pointer. Sa paglalaro ng toy set na ito ay tiyak na madedevelop ang shape at number recognition ng bata, matututo rin siyang mag add, subtract at multiply, at malilinang din ang kanyang kakayahan sa pagsosort at group ng mga bagay.
Price Summary
Brands |
Price |
Bible Story Pop Up Picture Book |
Php 130.00 - Php 516.00 |
ETL Coloring Book bundle |
Php 740.00 |
Super Mega Art Set |
Php 229.00 |
Jigsaw Puzzle |
Php 229.00 |
Kids Projector Drawing Table |
Php 235.00 - Php 465.00 |
Linking Cubes with Activity Cards Set |
Php 599.00 - Php 1,000.00 |
Tips para makatipid sa pagbili ng regalo para sa inaanak
Narito ang ilang mga tips na maaari mong sundin upang makatipid sa mga regalong bibilhin para sa mga inaanak:
[caption id="attachment_490300" align="aligncenter" width="1200"] Best Gift For Inaanak Para Sa Pasko: Educational, Affordable At Safe[/caption]
- Alamin ang budget na ilalaan bilang panregalo upang maiwasan ang pag overspend.
- Ilista ang pangalan ng mga inaanak para malaman ang bilang nila at walang makaligtaan. Sa ganitong paraan, mas makakapag budget ka ng maayos.
- Pumili ng mga produktong nakaset o bundle upang mas makatipid. Ang mga bundled products na ito ay maaaring paghiwa-hiwalayin at gawing individual gifts.
- Bumili ng mga unisex na gamit o laruan. Kadalasan kasi ay mas mura ang mga ito kaysa sa mga gender specific na produkto.
- Para rin maging sulit ang mga regalong bibilhin, mas magandang piliin ang mga educational toys. Bukod sa maeenjoy ng mga bata ang laruan at tiyak na may matututunan pa sila.
Tandaan na hindi naman ang halaga ng regalo ang batayan ng pagmamahal natin sa ating mga inaanak. Ang pinaka mahalaga sa lahat ay bilang mga ninong at ninang, handa tayong umagapay sa kanilang mga magulang kung sakaling kailanganin nila tayo.