Isa sa mga tradisyon na patuloy pa ring isinasagawa sa bawat panig ng mundo tuwing sasapit ang pasko ay ang pagbibigay ng regalo. At ngayong papalapit na ang pasko, kumpleto na ba ang iyong mga panregalo para sa mga mahal sa buhay?
Kung wala ka pang nabibiling regalo para sa iyong nanay, misis o mother-in-law, tiyak na makakatulong sa iyo ang artikulong ito. Keep on scrolling upang malaman ang mga produktong kabilang sa aming listahan ng best gifts for moms para sa darating na pasko.
Best Gifts for Moms this Christmas
[product-comparison-table title="Gifts for Moms"]
[caption id="attachment_490825" align="aligncenter" width="1200"] Best Gifts For Moms: Top Online Finds You Can Give Her This Christmas | Philips[/caption]
Likas sa mga babae ang pagiging maalaga sa kanilang buhok. At dahil diyan, ang pag-iinvest sa iba't ibang hair care products at devices para sa pag-style nito ay nakagawian na rin nila. Gaya na lamang ng pagbili ng magandang klase ng hair dryer o blower. Kaya naman tiyak na ikakatuwa ng mommy na iyong reregaluhan kung bibigyan mo siya ng heavy duty hair blower na ito mula sa Philips.
Hindi gaya ng ibang blower na maaaring makadamage ng buhok, ang Philips HP8108 blower ay less damaging sa buhok dahil sa cool air setting at ThermoProtect attachment na mayroon ito. Mayroon din itong tatlong heat at speed setting na maaaring pagpilian. Karagdagan, slim lang din ang nozzle nito kaya't maganda rin itong gamitin bilang pang-style ng buhok.
Foldable rin ang handle nito at may color combination na pink at white.
[caption id="attachment_490826" align="aligncenter" width="1200"] Best Gifts For Moms: Top Online Finds You Can Give Her This Christmas | Katinko[/caption]
Hilig din ng mga nanay ang paggamit ng ointments at oils dahil nakakatulong ito upang sila ay marelax o di kaya ay maibsan ang sakit ng katawan na kanilang nadarama. Isa sa mga sikat na brands ng ointments at oils dito sa bansa ay ang Kantinko. Kaya naman siguradong magugustuhan ng mga mommies ang Katinko Ka-Thank-You Heart box set.
Sa hugis at disensyo pa lamang ng box ay tiyak na mapupukaw ng ang atensyon ni nanay dahil sa ito ay heart shaped at may printed mother and child painting ng batikang pintor na si Francis Nacion. Naglalaman ang set na ito ng Kantinko stick, oil, inhaler, sports spray at alcohol. Epektibo ang mga ointments at oils ng Katinko upang maibsan ang minor pain and itch, muscle strain, neck and shoulder stiffness, sprain, back pain, headache, colds, insect bites at iba pang minor skin irritation.
[caption id="attachment_489691" align="aligncenter" width="1200"] Best Gifts For Moms: Top Online Finds You Can Give Her This Christmas | Bailey[/caption]
Bukod sa mga gamit sa bahay, sapatos, damit at makeup, isa sa pinaka paboritong gamit ng mga mommies ang bag. Kaya naman kung naghahanap ka ng magandang pangregalo sa mga mommies, perfect ang Bailey Printed Handbag.
Locally made ang mga bags na ito na nagmula sa Marikina na kilala rin sa ating bansa dahil sa mga pagawaan ng matitibay na sapatos na makikita rito. At gaya ng mga sapatos na gawa sa Lungsod, dekalidad din ang quality ng Bailey bags. Ginamitan ito ng man-made leather na hindi madaling masira at kayang tumagal ng ilang taon.
Napakarami ring design at color choices ng bag na ito na tiyak ay magugustuhan ng iyong reregaluhan.
[caption id="attachment_490585" align="aligncenter" width="1200"] Best Gifts For Moms: Top Online Finds You Can Give Her This Christmas | Locaupin[/caption]
Lahat naman ng ina ay masaya kapag nagkakaroon ng bagong gamit sa kusina, hindi ba? Kaya't tiyak din na ikakatuwa ng iyong mother-in-law ang pagbigay mo sa kanya ng Locaupin 2 Tier Dish Drainer.
Kapaki-pakinabang ang dish drainer na ito. Mayroon itong drainer tray sa bottom part na sumasalo ng tubig mula sa bagong hugas sa plato, tasa, baso at iba't ibang utensils. Ang kagandahan pa rito ay may spout din ito na daluyan ng tubig papuntang lababo kaya naman hindi maiipon ang tubig sa tray.
Gawa ito sa ABS plastic at stainless steel kaya naman makakatiyak kang durable ito.
[caption id="attachment_489824" align="aligncenter" width="1200"] Best Gifts For Moms: Top Online Finds You Can Give Her This Christmas | Happy Skin[/caption]
Nais mo bang magkaroon ng plump at dewy skin? Ang Hyaluronic Skincare full set na ito mula sa Happy Skin ang dapat mong gamitin. Kabilang sa set na ito ang soothing cleansing gel, water cream, capsule serum at brightening eye cream.
Ang mga produktong ito ay naglalaman ng Hyaluronic acid na nakakapagbigay ng intense hydration sa balat. Bukod pa riyan ay mayroon din itong Cica na nakakapagpakalma ng inflamed at acne-prone skin, Niacinamide o Vitamin B3 na nakakapagpaputi at Ceramides na nakakapaglock in ng moisture sa skin.
Lightweight at hindi malagkit sa balat ang mga produktong ito kaya napaka komportableng gamitin.
[caption id="attachment_489141" align="aligncenter" width="1200"] Best Gifts For Moms: Top Online Finds You Can Give Her This Christmas | Yves Rocher[/caption]
Light at refreshing naman ang scent ng Yves Rocher Naturelle Perfume. Mayroon itong fresh, floral at woody scent na nagmula sa pinagsama-samang amoy ng green apple, Egyptian jasmine, peach, Virginian cedar, amber at musk.
Skin-friendly at natural ang components ng perfume na ito at siguradong walang iritasyon o anumang masamang epekto kapag ito ay ginamit.
Price Summary
Brands |
Price |
Philips Hair Dryer |
Php 1,340.00 |
Katinko Ka-Thank-You Heart Box |
Php 500.00 |
Bailey Printed Handbag |
Php 440.00 |
Locaupin 2 Tier Dish Drainer |
Php 895.00 |
Happy Skin Hyaluronic Set |
Php 2,999.00 |
Yves Rocher Perfume |
Php 1,249.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.