Moms! Noong nagbubuntis ka, ano ang paborito mong gulay na kainin? Ngayong buntis ako, nahiligan ko na ang pagkain ng iba't ibang klase ng gulay. Isa na riyan ang malunggay na alam nating lahat na mayroong madaming benepisiyong taglay sa katawan natin. Napagalaman ko rin na nakabubuti ang ang pag-inom ng malunggay capsule para sa ating (soon-to-be) breastfeeding moms.
Malunggay capsule para sa breastfeeding moms
Mahalaga na magkaroon ng sapat na gatas ang ating mga anak sa unang buwan nila. Ang gatas ng ina ay mayroong iba't ibang importanteng sangkap na kailangan ng isang bata sa kaniyang paglaki. Napoprotektahan din nila ang mga ito sa pagkakaroon ng seryosong sakit.
Kaya naman narito ang list ng malunggay supplements na makabubuti sa produksiyon ng gatas:
[product-comparison-table title="Malunggay capsule para sa moms"]
1. Mega Malunggay

Unang-una sa ating listahan ang Mega-Malunggay supplement. Ang naturang health food supplement na ito ay naglalaman ng malunggay leaves powder at sodium ascorbate na kilalang antioxidant. Makakatulong sa pagprotekta ng cells ang pag-inom ng Mega-Malunggay supplement pati na rin ang pagkakaroon ng healthy immune system. Naglalaman ang kapsula ng Mega-Malunggay ng 500mg ng Moringa Oleifera powder at 100mg ng sodium ascrobate.
Makakasigurado kang healthy ang pag-inom ni mommy dahil insecticide free ang farms na pinagmulan ng Mega-Malunggay supplement.
Sino ang maaaring uminom ng Mega-Malunggay?
Nirerekomenda ng mga doktor na kailangang uminom ng breast milk ang mga sanggol simula pagkalabas nito hanggang 6 months old. Ngunit maaari pa rin namang umabot ito hanggang dalawang taong gulang. Nakakalungkot man ngunit hindi lahat ng nanay ay madaling makapag-produce ng kanilang gatas. Kaya naman swak na swak ang Mega-Malunggay bilang supplement sa mga nanay na gustong tumaas ang produksiyon ng kanilang gatas.
Ang galactagogue ay nakakatulong sa mabilis at mataas na pagdami ng gatas ni mommy. Isa rin itong source ng iron na kinakailangan ng ating katawan.
Paalala: Para sa mga breastfeeding moms, kinakailangan na uminom ng tatlong capsule sa isang araw para makatulong sa produksiyon ng gatas. Habang isang tableta naman para sa daily maintenance.
Ang pag-inom ng Mega-Malunggay ay maaaring inumin din ng mga bata. Nakakatulong ito para mapunan ang pang araw-araw na kailangang makuha na nutrisyon ng bata mula sa mga gulay. Hindi lang 'yan, dahil nakakapigil rin ito ng malnutrition!
Sa mga nais magpapayat, malaki ang maitutulong sa iyong weight loss ang pag-inom ng Mega-Malunggay. Isa itong supplement na maaari mong isabay sa iyong diet. Pati na rin sa mga matatanda na naghahanap ng natural multivitamin.
Maaaring mabili ang Mega-Malunggay sa VPHARMA sa abot presyong halaga. Makikita rin ito sa iba't-ibang local drugstores.
2. Buds & Blooms Malunggay Capsules
Naglalaman ang Buds & Blooms Malunggay Capsules ng 100% na puro at batang dahon ng moringa. Sa produksiyon ng capsule, tanging ang sariwang dahon lang ang kanilang kinuha at makakasisigurong walang dagdag na ibang preservatives at additives.

Matatagpuan sa malunggay ang Vitamins at Amino Acids na importante sa immunity at energy ng nanay at anak nito. Napagalaman din na nakakatulong ito sa pagpapadami ng gatas ng ina. Ang Pure & Young Malunggay Capsules ay mabibili sa murang mahalaga.
- 99 pesos for 10 capsules
- 399 pesos for 60 capsules
- 599 pesos for 100 capsules
Isa pang produkto na hatid ng Buds & Blooms at Maxine ang kauna-unahang Vanilla Almond Malunggay Lactation spread. You heard it right! Ito ay gawa sa sariwang dahon ng malunggay na sinamahan ng natural at pinatamis na organic coconut sugar na may organic vanilla. 'Wag mag-alala mommies dahil ito ay walang added oils at refined sugars. Kaya naman safe para sa inyo.

Ang lactation spread na ito ay naglalaman ng natural na galactagogues na makikita rin sa Buds & Blooms Pure & Young Malunggay capsule. Swak na swak ito para sa mataas na produksiyon ng gatas ni mommy dahil sa protina at fiber nitong dala.
Ito ay nagkakahalaga ng ₱360 at mabibili sa Shopee, Lazada, Beautymnl at sa website ng Tiny Buds.
3. Natalac

Kilala rin ang Natalac bilang epektibong lactation enhancer sa mga breastfeeding moms. Ang main ingredient ng supplement na ito ay ang dahon ng malunggay. Safe na safe rin sa mga lactating na nanay dahil nakasisigurong mataas na kalidad ng malunggay ang pinili na lumaki sa organic farm at walang kemikal na kasama. Makikita rito ang mga pangunahing nutrients na kailangan ng katawan ng katulad ng Vitamin A & C, iron, calcium, phosphorus at protina na mahalaga sa produksiyon ng gatas ng nanay.
Maaaring makabili ng Natalac sa mga suking butika kahit na walang reseta. Isang dose lamang ang kailangang inumin araw-araw.
4. Pro-lacta

Makakatulong pa ang Pro-lacta sa mga buntis at pagpapataas ng produksiyon ng gatas ng lactating mommy. Ito ay gawa sa 100% organic leaves at pinagmumulan ng Vitamin A &C, calcium, iron at potassium.
Ang pag-inom ng Pro-lacta ay nakadepende sa rekomendasyon ng iyong doktor at kasalukuyang kalagayan ng dami ng iyong gatas.
Bukod sa mga supplement na ito, maaari ring uminom ng mga gatas ang lactating mom. Makakatulong ito sa produksiyon ng kanilang gatas at pagpaparami nito. Katulad ng MommaLove Lactation Milk with Malunggay na sagana rin sa wheat flakes at fiber.
Gaano kahalaga ang breastfeeding kay baby?
Ang pagpapasuso ng ina sa kaniyang bagong silang na sanggol ay isang tagpong hindi mapapalampas ng karamihan lalo na ng mga first time mom.
Ang breastfeeding ay imporante hindi lang para kay baby kundi pa na rin kay mommy. Ngunit ano nga ba ang mga benepisyong makukuha sa gatas ng ina?
1. Ang breastmilk ay naglalaman ng importanteng antibodies
Ang gatas ng ina ay mayaman sa immunoglobulin A na nakakatulong para maiwasan ni baby ang mga bacteria at virus. Napoprotektahan ng immunoglobulin A ang sanggol sa pamamagitan ng paggawa ng protective layer sa ilong, lalamunan at digestive system ng bata.
2. Ang breastmilk at kailangan sa pagpapalaki ng bata
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng iba't ibang importanteng sangkap para sa development at paglaki ni baby. Espesyal ang breastmilk dahil rito lang nakukuha ni baby ang mga bagay na kailangan niya sa kaniyang paglaki. Kaya naman payo ng mga eksperto na ang pagpapasuso ay kailangang ugaliin ng ina lalo na sa loob ng 6 months o 1 year ni baby.
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng yellowish fluid na tinatawag na colostrum. Mayaman sa protina at mababa sa sugar ang colostrum na matatagpuan sa breastmilk.
[caption id="attachment_394962" align="aligncenter" width="670"]
Malunggay capsule benefits | Image from Unsplash[/caption]
3. Mapoprotektahan si baby sa sakit
Ang maganda pa sa gatas ng ina ay kaya nitong maprotektahan ang iyong anak laban sa iba't ibang uri ng sakit. Narito ang ilan sa kanila:
Bukod pa rito, ang breastfeed para kay baby ay makakatulong para mapanatali ang maganda at healthy nitong pangangatawan. Maiiwasan din ang obesity o labis na katabaan sa kanyang edad.
Dagdag pa rito, nakakatalino rin ang gatas ni mommy!
Kaya naman payo ng mga eksperto, mas maganda ang breastfeed kay baby sa loob ng at least 1 year. Makakatulong ito sa kanya at siyempre para sa'yo mommy. Ang pagpapasuso ay maaaring makatulong sa'yo para mabawasan ang iyong timbang.
BASAHIN:
Relactation: Guide para magkaroon ng gatas ulit kahit huminto na magpa-breastfeed
Safe bang uminom ng antibiotic at iba pang gamot ang breastfeeding mom?
Mommy duty while working! Iya Villania, nagpa-breastfeed habang live sa "Chika Minute"