Wonder gulay nga naman na maituturing ang Malunggay. At para sa mga pregnant at breastfeeding moms, napakaraming benepisyo ang kaya nitong ibigay. Isa na riyan ang pagpapadami ng produksyon ng gatas sa katawan.
Kaya naman bilang isang pregnant o breastfeeding mom, magandang isama ang malunggay capsule sa mga supplements na inyong iniinom araw-araw.
Talaan ng Nilalaman
Malunggay capsule para sa breastfeeding moms
Mahalaga na magkaroon ng sapat na gatas ang ating mga anak sa unang buwan nila. Ang gatas ng ina ay mayroong iba’t ibang importanteng sangkap na kailangan ng isang bata sa kaniyang paglaki. Napoprotektahan din nila ang mga ito sa pagkakaroon ng seryosong sakit.
Kaya naman narito ang list ng malunggay supplements na makabubuti sa produksiyon ng gatas:
Vpharma Mega Malunggay Capsule
Best Overall
|
Buy Here |
Buds & Blooms Pure & Young Malunggay Capsule
Most Pure
|
Buy Here |
NATALAC FEFOL
Best pesticide and chemical-free capsule
|
Buy Here |
Pro-Lacta Malunggay Capsule 350 mg, 100Capsules
Best organic
|
Buy Here |
Atienza Naturale Malunggay Capsule
Best for anti-oxidant feature
|
Buy Here |
Life Oil Malunggay Capsule
Best seed oil capsule
|
Buy Here |
Mega Malunggay Capsule
Best Overall
Unang-una sa ating listahan ang Mega-Malunggay supplement. Ang naturang health food supplement na ito ay naglalaman ng malunggay leaves powder at sodium ascorbate na kilalang antioxidant. Nakakatulong ang pag-inom nito sa pagprotekta ng cells pati na rin ang pagkakaroon ng healthy immune system. Naglalaman ang kapsula ng Mega-Malunggay ng 500mg ng Moringa Oleifera powder at 100mg ng sodium ascorbate.
Makakasigurado ka ring safe ito inumin dahil insecticide free ang farms na pinagmulan ng Mega-Malunggay supplement.
Sa mga nais magpapayat, maaari rin itong makatulong sa iyong weight loss. Isa itong supplement na maaari mong isabay sa iyong diet. Pati na rin sa mga matatanda na naghahanap ng natural multivitamin.
Features we love
- Naglalaman ng pure malunggay
- May kasamang sodium ascorbate
- Maganda para sa weight loss
Buds & Blooms Malunggay Capsules
Most pure
Naglalaman ang Buds & Blooms Malunggay Capsules ng 100% na puro at batang dahon ng moringa. Sa produksiyon ng capsule, tanging ang sariwang dahon lang ang kanilang kinuha at makakasisigurong walang dagdag na ibang preservatives at additives.
Matatagpuan sa malunggay ang Vitamins at Amino Acids na importante sa immunity at energy ng nanay. Napag alaman din na nakakatulong ito sa pagpapadami ng gatas ng ina. Ang Pure & Young Malunggay Capsules ay mabibili sa murang mahalaga.
Features we love
- Pure and young malunggay
- Naglalaman ng iba pang vitamins
- Budget-friendly
Natalac
Best pesticide and chemical-free capsule
Kilala rin ang Natalac bilang epektibong lactation enhancer sa mga breastfeeding moms. Ang main ingredient ng supplement na ito ay ang dahon ng malunggay. Safe na safe rin sa mga lactating na nanay dahil nakasisigurong mataas na kalidad ng malunggay ang pinili na lumaki sa organic farm at walang kemikal na kasama.
Makikita rito ang mga pangunahing nutrients na kailangan ng katawan ng katulad ng Vitamin A & C, iron, calcium, phosphorus at protina na mahalaga sa produksiyon ng gatas ng nanay.
Features we love
- Nagtataglay ng moringa, iron, folic acid at vitamns
- Nagmula sa organic farm
Pro-lacta
Best organic
Makakatulong pa ang Pro-lacta sa mga buntis at pagpapataas ng produksiyon ng gatas ng lactating mommy. Ito ay gawa sa 100% organic leaves at pinagmumulan ng Vitamin A &C, calcium, iron at potassium. Ang kada capsule nito ay naglalaman ng 350 mg powdered malunggay na sapat para makatulong sa magandang produksyon ng gatas ni mommy.
Ang pag-inom ng Pro-lacta ay nakadepende sa rekomendasyon ng iyong doktor at kasalukuyang kalagayan ng dami ng iyong gatas.
Features we love
- Naglalaman ng 350 mg malunggay kada capsule
- Organic
Atienza Naturale Malunggay Capsule
Best for anti-oxidant feature
Ang Atienza Malunggay ay nagtataglay ng antioxidants na mabisang panlaban sa pagkadamage ng cell at pagkakasakit dulot ng free radicals. Mayroon kasi itong high concentration ng mga potent antioxidants gaya ng Vitamins A, C, and E. Bukod pa riyan, nakakatulong ito sa pagprevent ng maagang paglabas ng wrinkles at fine lines.
Ang pag-inom din ng Malunggay capsule na ito ay makakatulong upang labanan ang iba’t ibang chronic illnesses gaya ng cancer, heart, kidney at arthritic problems.
Features we love
- Nagtataglay ng iba’t ibang antioxidants
- Nakakapagdelay ng aging
- Kayang labanan ang mga chronic illnesses
Life Oil Malunggay Capsule
Best seed oil capsule
Maganda ring isama ito sa iniinom na supplement pagtapos manganak. Ito kasi ay naglalaman ng pure oil na inextract mula sa fresh na dahon at buto ng malunggay. Nakakatulong din ito sa tendons at joints.
Karagdagan, maganda rin ito sa pagmamaintain ng normal na blood pressure. At higit sa lahat, kayang pataasin ng Life Oil ang milk supply ng isang breastfeeding mom.
Features we love
- gawa sa moringa leaves
- seed extracts
- nakakatulong sa pag maintain ng normal blood pressure
Price Comparison Table
Brand | Pack size | Price | Price per capsule |
VPHARMA Mega Malunggay Capsule | 100 capsules | Php 950.00 | Php 9.50 |
Buds & Blooms Malunggay Capsule | 100 capsules | Php 599.00 | Php 5.99 |
Natalac Fefol | 100 capsules | Php 1,160.00 | Php 11.60 |
Pro-Lacta | 100 capsules | Php 1,500.00 | Php 15.00 |
Atienza Naturale Malunggay Capsule | 100 capsules | Php 800.00 | Php 8.00 |
Life Oil Malunggay Capsule | 60 capsules | Php 1,050.00 | Php 17.50 |
Gaano kahalaga ang breastfeeding kay baby?
Ang pagpapasuso ng ina sa kaniyang bagong silang na sanggol ay isang tagpong hindi mapapalampas ng karamihan lalo na ng mga first time mom.
Ang breastfeeding ay imporante hindi lang para kay baby kundi pa na rin kay mommy. Ngunit ano nga ba ang mga benepisyong makukuha sa gatas ng ina?
1. Ang breastmilk ay naglalaman ng importanteng antibodies
Ang gatas ng ina ay mayaman sa immunoglobulin A na nakakatulong para maiwasan ni baby ang mga bacteria at virus. Napoprotektahan ng immunoglobulin A ang sanggol sa pamamagitan ng paggawa ng protective layer sa ilong, lalamunan at digestive system ng bata.
2. Ang breastmilk at kailangan sa pagpapalaki ng bata
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng iba’t ibang importanteng sangkap para sa development at paglaki ni baby. Espesyal ang breastmilk dahil rito lang nakukuha ni baby ang mga bagay na kailangan niya sa kaniyang paglaki. Kaya naman payo ng mga eksperto na ang pagpapasuso ay kailangang ugaliin ng ina lalo na sa loob ng 6 months o 1 year ni baby.
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng yellowish fluid na tinatawag na colostrum. Mayaman sa protina at mababa sa sugar ang colostrum na matatagpuan sa breastmilk.
3. Mapoprotektahan si baby sa sakit
Ang maganda pa sa gatas ng ina ay kaya nitong maprotektahan ang iyong anak laban sa iba’t ibang uri ng sakit. Narito ang ilan sa kanila:
- Sudden infant death syndrome (SIDS)
- Allergic diseases
- Diabetes
- Childhood leukemia
- Ear infections
- Respiratory infections
Bukod pa rito, ang breastfeed para kay baby ay makakatulong para mapanatali ang maganda at healthy nitong pangangatawan. Maiiwasan din ang obesity o labis na katabaan sa kanyang edad.
Kaya naman payo ng mga eksperto, mas maganda ang breastfeed kay baby sa loob ng at least 1 year. Makakatulong ito sa kanya at siyempre para sa’yo mommy. Ang pagpapasuso ay maaaring makatulong sa’yo para mabawasan ang iyong timbang.