Sa panahon ngayon, parang may app na para sa lahat ng bagay. May mga health tracker, meal tracker, exercise tracker, at kung anu-ano pa. At siyempre, mayroon ding pregnancy apps. Pero paano mo malalaman
Best pregnancy apps para sa mga nagbubuntis!
1. theAsianparent app
Alam niyo ba na ang theAsianparent app ay ang pinakamalaking social media community para sa mga magulang? Sa kasalukuyan, mayroong 11 million users ang app na ito!
Ang ikinaganda ng app na ito ay puwede kang direktang magtanong sa mga kapwa mo magulang at agad-agad mo ring makukuha ang sagot sa kanila.
Bukod dito, puwede mo pang ibahagi ang mga larawan ng iyong anak, at may kasama rin itong baby at pregnancy tracker! Kaya’t siguradong malaki ang maitutulong ng theAsianparent app sa iyo.
2. Matriarc
Ang Matriarc ay isang magandang app pagdating sa self-care matapos ng iyong panganganak.
Madalas, matapos manganak, napupunta lahat ng focus ng mga ina sa kanilang mga anak. Dito makakatulong ang Matriarc na app dahil dito makakakita ka ng iba’t-ibang mga uri ng exercise para palakasin ang iyong katawan pagkatapos mong manganak.
3. Bellybump
Itong app na ito ay para sa mga ina na mahilig magbahagi ng progress ng kanilang pagbubuntis sa social media! Ito ay para sa mga gustong i-track ang kanilang pagbubuntis at ipagmalaki ito.
Dito, pwede kang magbahagi ng mga larawan ng iyong tiyan, at puwede mo rin itong gawing time-lapse photo na pwede mong ipakita sa iyong mga kamag-anak at kaibigan!
4. Mind the Bump
Ang Mind the Bump na app ay mayroong kakaibang approach pagdating sa pagbubuntis. Ito ay nagfofocus sa meditation na napatunayang makakabawas ng stress sa iyong pagbubuntis.
Mayroon itong mga tips na dinesign ng mga mental health provider at experts sa mindfulness at perinatal health. Kaya’t kung gusto mong maging mas relaxing ang iyong pagbubuntis, gamitin mo ang app na ito!
5. Glow Nurture Pregnancy App
Ang ikinaganda ng Glow Nurture app ay ang pagiging simple nito. Saktong-sakto ito para sa mga ina na naghahanap ng isang app kung saan pwede nilang i-save ang progress ng pagbubuntis nila, mga doctor’s appointment, at mga larawan ng iyong pagbubuntis.
Matapos mo manganak, magagamit mo din ang app na ito dahil puwede mong i-track ang iyong breastfeeding at pumping para sa iyong anak.
6. Sprout Pregnancy
Ang Sprout pregnancy app ay parang isang journal na magagamit mo para i-track ang progress ng paglaki ni baby!
Maibabahagi mo din ang progress ng iyong anak sa ibang mga ina, at makakatulong ito para mas maexcite ka sa pagdating ng iyong baby.
Bukod dito, makikita mo din sa app kung ano ang ginagawa ng iyong baby sa tiyan mo, pati kung ano ang tunog ng kanilang heartbeat!
7. Ovia Pregnancy Tracker
Bukod sa pagiging isang pregnancy tracker, alam niyo ba na may fertility at menstruation tracker din ang Ovia na app?
Ibig sabihin nito, puwede mo itong gamitin bago ka magbuntis, habang ikaw ay nagbubuntis, at kahit pagkatapos mong magbuntis! Perfect ang app na ito para sa mga mommies na ayaw gumamit ng iba-ibang app, at sapat na ang isang simpleng app.
8. Hello Belly Pregnancy Tracker
Ang Hello Belly pregnancy tracker ay isang uri ng social app na hindi kasing seryoso ng ibang apps sa list na ito.
Sa pregnancy tracker na ito, makikita mo ang iba’t-ibang mga useful na tips at simpleng facts na may kahalong mga nakakatuwang illustration!
Maganda ito para sa mga ina gustong mag-relax at magbasa-basa ng kung anu-ano tungkol sa kanilang pagbubuntis.
9. The Bump Pregnancy Countdown
Ang The Bump pregnancy countdown na app ay mayroong 3d simulation ng development ng iyong baby! Ibig sabihin nito, puwede kang magkaroon ng “sneak peek” sa pang araw-araw na development ng iyong anak.
Bukod dito, puwede ka pang magtanong ng mga questions mula sa staff ng The Bump, na mga pregnancy experts.
10. WebMD Pregnancy
Para sa mga mommies na gusto ng solid na medical information tungkol sa kanilang pagbubuntis, maganda ang WebMD pregnancy app.
Sa lahat ng apps sa listahan na ito, ang WebMD app ang mayroong pinaka-accurate na impormasyon. At yun ang ikinaganda ng app na ito, dahil siyempre, wala namang ina ang gusto na hindi accurate ang impormasyon na nakukuha nila.
Puwede mo din i-track ang progress ng iyong pagbubuntis gamit ang app na ito, pati na ang iyong blood pressure, at activity ni baby sa iyong tiyan.
11. What to Expect Pregnancy & Baby Tracker
Ito ay base sa sikat na libro na “What to Expect When You’re Expecting,” kaya’t siguradong mapagkakatiwalaan ang impormasyon sa app na ito!
Mayroon itong personalized na tracking para sa iyong pagbubuntis, at mayroon itong mga informative video na ipinapakita ang nangyayari sa iyong katawan kada linggo.
Doctor-approved din ang mga health tips nito, kaya’t siguradong sulit ang pagdownload ng app na ito!
Source: Women’s Health
Basahin: 10 apps na makakatulong mag-track ng period at fertile days
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!