Rainy season is here! Sunud-sunod na bagyo at madalas na pag-ulan ang nararanasan natin sa bansa. Kaya naman bukod sa payong, must-have rin ang raincoat para sa lahat.
May mga taong pinipiling magbaon ng raincoat kaysa payong dahil mas nakakapagbigay ito ng proteksyon sa pagkabasa dulot ng ulan at madali rin ito ilagay sa bag kumpara sa payong. Kaya naman kung on the hunt ka for the best raincoat, perfect ang inihanda naming listahan for you!
Motorcycle raincoat o kids raincoat man ang hanap mo, lahat ay nandito! Keep on scrolling upang malaman mo ang best brands ng kapote na mabibili mo online!
Paano pumili ng best raincoat
Upang matulungan ka sa pagpili ng kapote na swak sa pangangailangan mo, narito ang ilang factors na dapat mong i-consider:
Materyales
Una sa lahat, kailangan mong i-check ang materyales na ginamit sa raincoat na bibilhin. Dapat ito ay waterproof upang makapagbigay ng proteksyon sa iyo mula sa ulan. Tignan din ang kapal ng materyales sapagkat kapag ito ay sobrang nipis, maaari itong mapunit sa kasagsagan ng malakas na ulan.
Sino ang gagamit
Napakaraming uri ng kapote sa market. Kaya naman sa pagpili nito, isaalang-alang ang pangangailangan ng taong gagamit. Kung ito ay para kay daddy na nagmomotor, pumili ng mga raincoat na may katernong pants o di kaya ay poncho raincoat para madaling suotin. Kung para naman ito sa iyong chikiting na pumapasok sa school, siguraduhing ito ay expandable para may space para sa kanyang bag.
Comfort
Higit sa lahat, mahalagang komportable ka sa gagamitin mong kapote. May mga kapote na sobrang bigat bitbitin at suotin. Mayroon din namang napakahirap isuot at hubarin. Kaya naman di rin dapat ipagsawalang bahala ang comfort sa pagpili.
Best Raincoat Brands in the Philippines
[product-comparison-table title="Best Raincoat"]
Best Terno
[caption id="attachment_486667" align="aligncenter" width="1200"] Best Raincoat Philippines: Brands Na De-Kalidad At Swak Sa Budget | Motorcycle Terno Raincoat[/caption]
Kung hanap mo ay motorcycle raincoat, perfect ang set na ito. Ang Waterproof Motorcycle Terno Raincoat na ito ay set ng waterproof jacket at pants. Zipper ang ginamit na pangsara sa jacket at garterized naman ang pants kaya madali itong suotin. Malaking tulong ito lalo na kapag inabutan ng ulan sa daan.
Bukod pa roon, may reflector rin ang kapote na ito kaya tamang-tama para sa mga motorista. Makakasigurado ka ring ito'y matibay at komportable suotin. Ito ay dahil sa gawa ito sa malambot at high quality polyester material. Abot-kaya lang din ang presyo ng jacket at pants terno na ito kaya naman siguradong swak sa budget mo!
Features we love:
- Jacket and pants terno
- Para sa mga motorista
- Waterproof at komportable gamitin
Best for Women
[caption id="attachment_486669" align="aligncenter" width="1200"] Best Raincoat Philippines: Brands Na De-Kalidad At Swak Sa Budget | Kada[/caption]
Hindi rin namin kinalimutang isama sa aming listahan ang raincoat for women. Siguradong magugustuhan ito ng mga kababaihang nagcocommute o gumagamit din ng motorcycle dahil sa chic colors na mayroon ito. Bukod pa roon, set din ito ng jacket at pants kaya nakakapagbigay ito ng overall protection sa pagkabasa.
Karagdagan, ang raincoat set na ito ay gawa sa high quality, waterproof fabric material na komportable suotin. Mayroon din itong reflector sa harap at likod na nakakapagdagdag ng visibility mo lalo kapag madilim ang paligid o gabi na. Madali lamang din ito suotin dahil ito ay de-zipper at garterized ang pants.
Features we love:
- Waterproof jacket at pants set
- Comfortable and easy to wear
- Chic color choices
Best easy to wear
[caption id="attachment_486670" align="aligncenter" width="1200"] Best Raincoat Philippines: Brands Na De-Kalidad At Swak Sa Budget | Poncho Raincoat[/caption]
Isa rin ang Poncho Raincoat sa best motorcyle raincoat. Bakit? Dahil napakadali itong suotin. Ipapatong mo lamang ito sa iyong katawan, isusuot ang butas sa ulo at ilolock ang mga plastic buttons ng nakabukas na sides. Higit pa riyan ay multifunctional din ito para sa mga nagmomotor. Ito ay dahil sa maaari rin itong gawing motorcycle cover dahil sa lapad nito.
Mas magugustuhan mo ang produktong ito dahil sa tibay nito. Ito ay gawa sa synthetic nylon at vinyl na bukod sa matibay ay may katamtamang bigat lamang. Napakadali lang din nitong itupi at itago sa bag o compartment ng motor kaya naman hassle-free ka. Available ito sa mga kulay na maroon, dark green, royal blue at navy blue.
Features we love:
- Madaling suotin
- Magaan at madaling itago
- Multifunctional
Best disposable
[caption id="attachment_486732" align="aligncenter" width="1200"] Best Raincoat Philippines: Brands Na De-Kalidad At Swak Sa Budget | Mitsushi[/caption]
Alam na ninyo na may disposable na kapoteng mabibili online? Kung ito ang hanap niyo, tignan ang Mitsushi Disposable Raincoat. Bukod sa pagiging disposable nito ay napakahandy ng kapoteng ito. Kapag ito ay nakatupi, siguradong magkakasya ito sa bulsa ng inyong bag. Perfect ito baunin lalo na kung ikaw ay mamamasyal o magtatravel abroad.
Karagdagan, gawa ito sa durable at eco-friendly plastic material na kayang magbigay ng proteksyon sa iyo mula sa malakas na ulan at hangin. Ito rin ay may presyong abot-kaya at dahil dyan ay makakapag stock ka nito ng marami. Magugustuhan mo rin ang mga color choices na mayroon ang item na ito: blue, pink, yellow at purple.
Features we love:
- Disposable
- Gawa sa eco-friendly material
- Handy at madaling baunin sa bag
Best for Kids
[caption id="attachment_486739" align="aligncenter" width="1200"] Best Raincoat Philippines: Brands Na De-Kalidad At Swak Sa Budget | Kids Raincoat[/caption]
Mayroon din kaming recommended brand for kids! Ito ay ang Expandable Raincoat for Kids. Siguradong magugustuhan ito ng iyong chikiting dahil sa cartoon character designs na mayroon ang kapoteng ito. Plus point pa dahil ito ay expandable at may space para sa bag kapag gagamitin ng bata na galing sa school.
Ang materyal na ginamit dito ay PVC na hindi mabigat sa pakiramdam kapag sinuot. Ito ay may katamtamang kapal lamang kaya't komportable isuot. Makakampante ka rin na ipasuot ito sa iyong anak habang umuulan dahil ito ay 100% waterproof. Matibay din ito kaya't sulit bilhin.
Features we love:
- Magaan at may katamtamang kapal
- Expandable
- Cartoon designs
Best waterproof jacket
[caption id="attachment_486740" align="aligncenter" width="1200"] Best Raincoat Philippines: Brands Na De-Kalidad At Swak Sa Budget | MPJ[/caption]
Hindi rin namin kinalimutang isama ang fashionable kapote na ito from MPJ. Hindi mo lamang ito magagamit tuwing tag-ulan. Pwedeng-pwede rin itong pamorma! Available ito sa iba't ibang kulay na swak para sa babae at lalaki.
Windproof ang jacket na ito at gawa sa silk satin fabric. Hindi basta-basta tumatagos ang ulan dito ngunit ito ay hindi advisable gamitin kapag malakas ang ulan. Presko rin ito isuot at maaaring gamitin kapag maaraw bilang proteksyon mula sa araw. Affordable rin ito kaya't magandang addition ito sa iyong closet.
Features we love:
- Lightweight at presko suotin
- Fashionable jacket
- Maraming color choices
Price Comparison Table
Brands |
Price |
Waterproof Motorcycle Terno |
Php 199.00 |
Kada |
Php 399.00 |
Poncho Raincoat |
Php 150.00 |
Mitsushi |
Php 19.00 |
Expandable Kids Raincoat |
Php 160.00 |
MPJ |
Php 169.00 |
Tips para hindi magkasakit matapos maulanan
- Hubarin kaagad ang basang damit at maligo.
- Linisin mabuti ang katawan lalo na ang kamay at paa.
- Punasan at patuyuin ang buhok at buong katawan.
- Magsuot ng makapal ngunit komportableng damit.
- Humigop ng mainit na sabaw o inumin upang hindi ginawin.
Bukod pa rito, makakatulong din ang pag-inom ng vitamin C o di kaya ay multivitamins araw-araw upang mapanatiling malakas ang iyong resistensya. Higit sa lahat, huwag kakalimutan magbaon ng payong o ng best raincoat lalo na ngayong tag-ulan. Ingat!