Ang rattle toys for baby ang isa sa mga tried and tested toys kahit noon pang generation ng ating grandparents. It really stands the test of time at patuloy pa ring nakatutulong in raising a newborn.
Ang baby rattle toys ay maaring gawa sa wood, plastic, o cloth. Karamihan sa mga ito ay brightly colored at may iba’t-ibang shapes at textures. Helpful ito para ma-stimulate ang senses ng iyong anak. The best ang rattle toys for baby lalo na kung nasa teething stage na ang iyong anak. Moreover, makatutulong din ito para ma-entertain ang baby during tummy time.
Benefits ng rattle toys for baby’s development
Bukod sa mabisang pang-aliw sa sanggol ang rattle toys for baby, makatutulong din ito sa iba’t-ibang developmental skills ng iyong anak.
- Ang pag grab at pag shake ng rattle toys for baby may makatutulong sa development ng kaniyang gross motor skills.
- Magandang tool ang rattle toys para i-introduce sa iyong anak ang konsepto ng cause and effect. Mauunawaan niya na tuwing aalugin niya ang rattle toy, ito ay tutunog.
- Matutulungan mong ma-develop ang hand-eye coordination skill ng iyong anak gamit ang rattle toys for baby. I-shake ang rattle toy and move it across sa field of vision niya. Susundan ng iyong anak ng tingin ang paggalaw ng laruan at unti-unti ay gagabayan ang sarili na mahawakan ito.
- Karaniwan sa rattle toys ang pagkakaroon ng textured surfaces. Helpful ito para sa mga teething baby. Makatutulong ang pag chew ng teether rattle toys para ma-relieve ang pain sa kanilang gums dulot ng pagtubo ng ngipin.
Paano pumili ng best rattle toys for baby?
- Age appropriateness – dapat i-take into consideration ang edad ng iyong anak bago bumili ng rattle toys for baby. Mas mabuting piliin ang magagaan na rattles para sa mga baby na younger than 3 months. On the other hand, mas magugustuhan naman ng older babies ang rattle toys na interactive or sensory toys for babies na good for their 5 senses development.
- Safety – common sa mga bata na isubo ang mga laruan nila lalo na kung ito ay rattle toy at teether. That is why, mahalagang tiyakin na safe at toxin-free ang bibilhing laruan. Make sure din na walang sharp edges na maaaring makasugat sa bata.
- Material – iba’t-ibang materials ang ginagamit sa paggawa ng rattle toys for baby. Kabilang na rito ang plastic, fabric, rubber, at wood. Piliin ang materials na durable at magagamit nang matagal ng iyong anak. Aside from that, pumili rin ng material na madaling linisin.
- Design and feature – kung nais mong maging longtime favorite ng iyong anak ang rattle toy na bibilhin, make sure na pumili ng attractive design. Maraming iba’t-ibang design at feature ang baby rattle toy. Mayroong animal shapes, bright colors, at interesting texture na makatutulong para maging interesado rito ang iyong anak.
- Price – maraming iba’t-ibang klase ng rattle toys sa market. Piliin lang ang angkop sa inyong budget upang mailaan sa iba pang importanteng bagay ang pera. Ang mahalaga ay pumili ng safe para sa anak at makatutulong sa kanyang developmental skills.
Best rattle toys for baby: makulay at stimulating sa senses
Narito ang listahan ng rattle toys na tiyak na makakakuha ng interes ng kids. We compiled the best rattle toys for baby’s development para matulungan kang pumili.
|
Brand |
Category |
Grace Baby Giraffe Cotton Rattle |
Best overall |
Chewelry Baby Pacifier Chain Set |
Best baby wooden rattle toys |
Infantino Sand Crab Rattle and Teether |
Best for baby’s oral exploration |
Playgro Twisting Rattle Barbell |
Best for stimulating auditory and visual senses |
Hello Kimi Rolling Rattle Toy |
Best for developing hand-eye coordination skill |
Best rattle toys for baby
| Grace Baby Giraffe Cotton Rattle Best overall | | View Details | Buy Now |
| Chewelry Baby Pacifier Chain Set Best baby wooden rattle toys | | View Details | Buy Now |
| Infantino Sand Crab Rattle and Teether Best for baby’s oral exploration | | View Details | Buy Now |
| Playgro Twisting Rattle Barbell Best for stimulating auditory and visual senses | | View Details | Buy Now |
| Hello Kimi Rolling Rattle Toy Best for developing hand-eye coordination skill | | View Details | Buy Now |
Best overall
Tunay na stimulating sa senses ng baby ang Grace Baby Giraffe Cotton Rattle. Makatutulong sa tactile development niya ang textured click clack rings na nakalagay sa leeg ng giraffe plush toy. Pwede rin itong magsilbing teether na makatutulong para maibsan ang sakit at pangangati ng gums dulot ng pagtubo ng ngipin ng baby.
Aside from that, malambot ang ulo at paa ng giraffe plush toy at gawa ito sa iba’t-ibang plush fabric materials. Kaya naman, helpful ito sa pag-introduce sa iyong anak sa iba’t-ibang texture. In addition, may rattling colored balls ito na tumutunog sa tuwing inaalog ang rattle toy. Sa pamamagitan nito, matutulungan ang iyong anak na ma-develop ang kaniyang auditory system.
Naiikot naman ang rainbow colored beads nito na makatutulong sa visual development ng bata. Makulay at cute ang disensyo ng Grace Baby Giraffe Cotton Rattle. Katunayan ay ibinahagi ng ilang mommy na nagustuhan ng kanilang anak ang attractive design ng laruan.
Mga nagustuhan namin:
- Gawa sa BPA-free, Phthalic-free materials na safe sa bata.
- Nagproproduce ng sound na entertaining sa baby.
- May vibrant patterns na attractive sa mata ng mga baby.
Best baby wooden rattle toys
Gawa sa imported beech wood at silicone material ang Chewelry Baby Pacifier Chain Set. Ang bawat set ay binubuo ng tatlong baby wooden rattle toys na matibay at impact resistant. Magaan ang bawat rattle toys na angkop sa iyong anak. Manually polished din ito at may soft edges kaya tiyak na safe mula sa injury ang bata.
Bukod pa rito, ligtas din para sa baby kahit na maisubo nito ang Chewelry Baby Pacifier Chain Set. Ito ay dahil BPA-free, PVC-free, lead-free, Phthalate-free, at cadmium-free ang laruang ito. Tiyakin lang na mabantayan kung saan ipapatong ng bata ang rattle toys para masiguro ang kalinisan ng laruan bago ito maisubo ng iyong anak.
Mga nagustuhan namin:
- May iba’t ibang disenyo.
- Angkop ang sukat at gaan sa kamay ng baby.
- Gawa sa materials na safe sa bata.
- Maaaring gawing pacifier o teething toy.
Best for baby’s oral exploration
Happy ang mga mommy sa Infantino Sand Crab Rattle and Teether. Ayon sa mga nakabili na ng produktong ito, ikinatuwa talaga ng kanilang baby ang makulay na sand crab rattle toy ng Infantino.
Gawa sa BPA-free, phthalates-free, mercury-free, at lead-free plastic material ang rattle toy na ito. That is why, safe para sa bata kahit na maisubo niya ito at gamitin bilang teether. Mayroon itong textured crab feet na best for teething babies. Makatutulong din ito para sa oral exploration ng bata. Sa pamamagitan nito, mauunawaan ng iyong anak ang konsepto ng iba’t-ibang texture.
In addition, magaan at madaling hawakan kaya angkop sa tiny hands ni baby. Helpful din ito para ma-develop ang fine motor skills ng iyong anak. Ito at tumutukoy sa kakayahang gamitin ang small muscles sa kamay at pulsuhan para makagawa ng precise movements.
Mga nagustuhan namin:
- Non-toxic and safe.
- Multi-developmental tool.
- Bright and colorful design.
- Angkop ang sukat at gaan sa kamay ng bata.
Best for stimulating auditory and visual senses
Dinisenyo ang Playgro Twisting Rattle Barbell para sa maliit na kamay ng baby. Gawa ito sa ABS plastic material na BPA-free kaya safe para sa mga bata. Nagpro-produce ng clicking sound ang bawat pag-ikot sa rattle toy na ito. Mayroon din itong colorful rattling beads na gumagawa ng ingay kapag inaalog ang rattle toy. Makatutulong ang napro-produce na sound ng pag-ikot at pag-shake ng Playgro Twisting Rattle Barbell sa development ng auditory senses ng iyong anak.
On the other hand, ang makulay na design nito ay makaka-stimulate ng visual senses ng baby. Helpful din ang textured rings na nakalagay sa handle nito para sa tactile development ng baby. Maaari din itong gamitin bilang teether at makatutulong para maibsan ang pananakit ng gums ni baby dulot ng pagtubo ng ngipin.
Satisfied ang mga mommy na nakabili na ng Playgro Twisting Rattle Barbell. Anila, natanggap nila ang produkto sa maayos na kondisyon. Maayos din ang pagkakabalot nito at talagang nagustuhan ng kanilang mga anak.
Mga nagustuhan namin:
- Magaan at madaling hawakan.
- Makulay at entertaining.
- Cute design na magugustuhan ng bata.
Best for developing hand-eye coordination skill
Gawa sa natural silicone rubber at cloth fabric ang Hello Kimi Rolling Rattle Toy. Wala itong BPA at PVC kaya tiyak na ligtas para sa iyong anak kahit na ito ay kaniyang makagat o maisubo. May malambot at matigas na bahagi ito na makatutulog para ipakilala ang texture sa iyong anak.
Maaari itong pagulungin bilang activity na makatutulong kay baby na ma-develop ang kaniyang hand-eye coordination skill at motor skill. Pwede rin naman itong alugin o i-shake para tumunog ang rattling beads sa loob ng rattle toy. Makatutulong naman ito para ma-stimulate ang auditory senses ng iyong anak.
Maganda rin itong tool para ipakilala sa iyong anak ang iba’t-ibang kulay, shapes, at pattern. Ayon sa mga mommy na nakabili na ng Hello Kimi Rolling Rattle Toy, magaan umano ito at malambot. Tiyak na ma-eenjoy daw ng bata ang tunog na nililikha ng pag-shake nito.
Mga nagustuhan namin:
- Colorful design na may iba’t-ibang texture at pattern.
- Lumilikha ng tunog na entertaining sa bata.
- Malambot at magaan, madaling mahahawakan ng baby.
Price Comparison
Nahihirapan ka bang pumili ng tiyak na angkop sa budget? Narito ang listahan ng presyo ng best rattle toys for baby na available online.
|
Product |
Price |
Grace Baby Giraffe Cotton Rattle |
Php 110.61 |
Chewelry Baby Pacifier Chain Set |
Php 351.82 |
Infantino Sand Crab Rattle and Teether |
Php 239.00 |
Playgro Twisting Rattle Barbell |
Php 232.27 |
Hello Kimi Rolling Rattle Toy |
Php 298.00 |
Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Tips sa paglilinis ng rattle toys for baby
Narito ang mga maaaring gawin para mapanatiling malinis ang rattle toys ni baby:
- Madaling linisin ang plastic rattle toys sa pamamagitan ng pagpunas. Gumamit ng malinis na pamunas to sanitize it.
- Asahang palaging malalagyan ng drool o laway ng bata ang rattle toys lalo na kung siya ay nasa teething stage na. Madalas niya rin itong mailalagay sa kaniyang bibig kaya mabuting punasan din nang madalas ang laruan.
- Para naman sa fabric wrist rattles at iba pang plush, soft toys, maaari itong ilagay sa loob ng pillow case. Matapos ilagay sa punda ay isalang sa washing machine at labahan.
Bilhan din ang iyong anak ng iba pang toys na kaniyang need, gaya nito: Best Sensory Toys for Babies to Stimulate their Five Senses