X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Best Ring Sling Carriers Philippines: Picks Para Sa Busy Parents

Convenient ang baby carrier para mabantayan si baby kahit busy. Alamin dito ang best ring sling carriers in the Philippines to help you.

Malaking responsibilidad ang pagiging isang parent. Aside from taking care of baby, marami pang gawaing bahay at ibang errands ang kailangang gawin. Beneficial ang pagbili ng best ring sling carriers Philippines para hindi mapabayaan si baby kahit maraming ginagawa.

 

Ano ang ring sling carrier at benefits ng paggamit nito?

Gawa ang ring sling carrier sa long piece ng fabric at set of rings. Sinusuot ang tela sa rings para makagawa ng secure pouch kung saan si baby ay carry.

Isinasabit ito sa balikat and worn across the torso para mabuhat ang bata. It allows the carrier na magkaroon ng skin-to-skin contact sa baby at makausap ito closely kahit na busy.

Gamit ang ring sling carrier, malayang makagagalaw ang iyong kamay para gumawa ng mga gawaing bahay.

Another thing, unlike when using a baby stroller, madali kang makakaakyat at baba sa hagdan if you’re running an errand sa labas ng bahay habang dala si baby.

Additionally, pwede mong i-breastfeed si baby kahit nasa ring sling carrier siya.

Kailangan mo lang i-loosen ang panel para ma-lower down si baby at maabot niya ang iyong nipple. When done, siguraduhing ibalik siya sa snug and upright position to ensure baby's safety.

 

Ring sling carriers Philippines: Mga dapat i-consider bago bumili

Narito ang ilang bagay na dapat isaalang-alang para matiyak na akma ang bibilhing best ring sling carriers Philippines:

  • Age appropriateness – Ring sling carriers are recommended kapag 4 months na si baby. Ito ay para masigurong safe ito sa neck muscles ng bata.
  • Weight limit – Alamin ang carrying capacity ng bibilhing ring sling carrier if akma ito sa timbang ng iyong anak.
  • Materials used – A ring sling carrier may be uncomfortable if mainit ang panahon. Mabuting pumili ng tela na malamig sa balat.
  • Design – Halos magkakatulad ang design at gamit ng ring sling carriers. Nakadepende sa iyong preference ang pipiliing color at pattern. However, best na piliin ang design na madaling i-prepare at gamitin.  
  • Safety and Durability – Siguraduhing matibay ang bibilhing ring sling carrier mula sa tela hanggang sa rings nito. This is to ensure baby's safety.

 

Best ring sling carriers in the Philippines para sa baby wearing parents

Madalas ka rin bang busy pero hindi maiwan si baby? Narito ang best ring sling carriers Philippines na pwede mong pagpilian.

[product-comparison-table title="Best Ring Sling Carriers in the Philippines"]

 

Nanay at Ako Ring Sling Carrier Review

Best overall ring sling carrier

Nanay at Ako Ring Sling Carrier | Best Ring Sling Carriers Philippines

Gawa sa cotton fabric ang Nanay at Ako ring sling carrier. Because of this, breathable at durable ang tela nito. Madaling i-thread sa rings ang cloth at hindi dumudulas.

Meanwhile, pleated type ang bandang balikat para madaling i-spread sa shoulder ng magbubuhat. Best ito para sa mga may narrow shoulder.

Moreover, sturdy at safe ang rings ng Nanay at Ako ring sling carrier. In fact, kaya nitong bumuhat ng hanggang 2700 pounds. Non-welded ito at may diameter na three inches.

Not only that, hindi rin nangangalawang kahit ilang beses mabasa. Another thing, iba’t iba ang kulay ng rings na ka-match ng fabric prints.

Best of all, matibay ang pagkakatahi ng rings sa tela. May three layered stitches na may breaking point na hanggang 40 kilograms. Additionally, may maliit na pocket ito na pwedeng paglagyan ng gamit.

Maaari din gawing stow away bag ang bulsa tuwing hindi gagamitin ang ring sling carrier.

Mga nagustuhan namin:

  • 15 kg weight limit.
  •  Available sa iba’t ibang designs.
  •  Highly adjustable.
  •  Easy to breastfeed in.
  • Rings that are free from nickel and lead.

Nanay at Ako Ring Sling Carrier

product imageBuy Now

Kangaroo Baby 5-in-1 Baby Wrap Ring Sling Carrier Review

Best multifunctional carrier

 Kangaroo Baby 5-in-1 Baby | Best Ring Sling Carriers Philippines

Made of high-quality cotton and spandex blend ang Baby wrap ring sling carrier. Breathable, elastic at malambot sa balat kaya safe para sa delicate skin ni baby.

Single layer lang ang material na ginamit dito para maiwasan ang overheating both for the carrier at kay baby.

Moreover, multipurpose at madaling gamitin ang ring sling carrier na ito. Aside from being versatile sa iba’t ibang positions, pwede rin itong gawing nursing cover. Madaling i-thread at i-adjust para mag-fit sa iba’t ibang body sizes.

Furthermore, may shoulder padding ito for additional comfort.

Siguraduhin lang na maayos ang pagkakalagay sa balikat at huwag masyadong nakadikit sa leeg upang hindi maging uncomfortable sa magbubuhat kay baby.

Mga nagustuhan namin:

  • 15 kg carrying capacity.
  • Shock-absorbent.
  • With small pocket.
  • Available in different colors.
  • Thickened neck guard.

Kangaroo Baby 5-in-1 Baby Wrap Ring Sling Carrier

product imageBuy Now

Soft-Structured Carrier Sling Review

Best for breastfeeding moms

Soft-structured Carrier Sling | Best Ring Sling Carriers Philippines

Ergonomically designed ang Soft-structured carrier sling. Stretchy at sturdy ang material para hindi masyadong ma-strain ang iyong balikat at likod sa pagbubuhat.

Gawa ito sa 95 percent French terry cotton at 5 percent spandex. These materials are harmless at suitable sa sensitive skin ng baby.  

In addition, beneficial ang soft-structured carrier sling sa nursing moms. May mahabang bahagi ng fabric that can be used bilang breastfeeding cover.

Mga nagustuhan namin:

  • Up to 15 kg weight capacity.
  • Simple gender-neutral design.
  • Breathable fabric.
  • Durable.
  • Machine washable.

Soft-structured Carrier Sling

product imageBuy Now

Next9 Baby Sling Review

Best cotton fabric

Next9 Baby Sling Review Best Cotton Fabric | Best Ring Sling CarriersPhilippines

Ginawa ang Next9 Baby Sling with consideration sa Pinoy baby wearers. Made from lightweight cotton ang ring sling carrier na because of this, tiyak ang comfort during warm weather.

To add, ang sturdy aluminum rings nito ay dumaan sa impact at pull testing para masiguro ang durability. Kayang bumuhat ng bawat ring ng 300 pounds na bigat.

Nakalagay sa acrylic box ang Next9 Baby Sling at may kasamang instructional video at baby wearing safety handout kapag binili. Best of all, may unique one-time-only prints ang fabric nito. 

Mga nagustuhan namin:

  • Carefully made.
  • Breathable and soft fabric.
  • Highly adjustable.
  • Suitable for tropical weather.

Next9 Baby Sling

product imageBuy Now

Mamaway Bohemian Denim Ring Sling Review

Most durable

Mamaway Bohemian Denim Ring Sling | Best Ring Sling Carrier Philippines

Matitiyak ang safety ng iyong anak sa Mamaway Bohemian Denim ring sling. Acknowledged ito ng The International Hip Dysplasia Institute (IHDI) bilang “hip-healthy" product.

Highly adjustable ang one-size-for-all ring sling carrier na ito. For sure, magagamit ng iyong anak mula infancy up to toddler ages.

Additionally, hindi natu-twist, bend, stretch at deform ang ultra-strong N66 double rings nito. Isa sa pinakamatibay na ring sling carriers ang Mamaway Bohemian Denim.

Usually, nasa 15 kilograms lang ang weight limit ng ring sling carrier. However, umaabot ng 50 kilograms ang carrying capacity ng Mamaway ring sling carrier.

Mga nagustuhan namin:

  • Premium combed cotton fabric.
  • Breathable and absorbent.
  • Easy to use.
  • Suitable for all body sizes.
  • Hidden storage pocket.

Mamaway Bohemian Denim Ring Sling

product imageBuy Now

Price Comparison: Best Ring Sling Carrier Philippines

Narito ang price list ng best ring sling carrier in the Philippines to guide you kung ano ang dapat bilhin.

Product Price

Nanay at Ako Ring Sling Carrier

₱799.00

5-in-1 Baby Wrap Ring Sling Carrier

₱478.00

Soft-structured Carrier Sling

₱352.00
Next9 Baby Sling ₱1,000.00

Mamaway Bohemian Denim Ring Sling

₱2,668.00

Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

 

Mga dapat tandaan sa paggamit ng ring sling carriers

Kahit gaano ka-busy si mommy o daddy, top priority pa rin ang safety ni baby. To ensure na ligtas siya sa ring sling carrier, remember these:

  • Before using the ring sling carrier, siguraduhing good condition ito. Walang punit o tastas ang tela.
  • Kung masyadong maliit si baby, ipinanganak na premature, or has other health conditions, consult your doctor kung maaari bang gumamit ng ring sling.
  • Mag-ingat sa paghawak ng maiinit na inumin, at sa pagbubuhat ng heavy things habang nasa ring sling carrier ang inyong anak.
  •  Maging pamilyar sa tinatawag na T.I.C.K.S ng baby wearing community:
    • T: Tight – Tiyaking upright at tight enough ang pagkakalagay sa iyong anak sa ring sling carrier para maiwasan ang pagkahulog.
    • I: In view at all times – Kailangang kita ang mukha ni baby para ma-monitor ang paghinga at mood niya.
    • C: Close enough to kiss – Kung hindi mo maabot nang maayos ang ulo ng iyong anak to plant a kiss, i-reposition ito. Kailangang magawa mo siyang halikan with just a little effort. Just be careful na malinis ang bibig bago hahalik. 
    • K: Keep chin off chest – Tingnan kung may two fingers wide gap sa ilalim ng kanyang baba. Malalaman mo kung nasa magandang posisyon si baby kung hindi masyadong nakadikit ang kanyang baba sa kanyang dibdib.
    • S: Supported back – Iwasang higpitan ang carrier sa bandang likod ng iyong anak. Dapat na walang masyadong gap sa pagitan ni baby at ng iyong katawan. However, siguraduhin ding magagawa mo pang i-slide ang iyong kamay sa loob ng carrier.

Lastly, kahit na ang focus mo ay nasa iyong baby at sa ginagawa, make sure pa rin na komportable para sa’yo ang paggamit ng ring sling carrier.

 

Habang busy, maari ring bigyan sila ng laruan para mapukaw ang kanilang attensyon. Basahin: Best Sensory Toy for Babies: Para sa Healthy Development ng Senses

Editor's note: The product links provided here are aimed to help simplify product searches for our readers. Purchase the items at your own discretion. We do not take liability for any transaction issues and dispute. If you purchase an item from this post, theAsianparent may receive a small cut. Each item and price is up to date at the time of publication; however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
img

Sinulat ni

Jobelle Macayan

I-share ang article

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community saiOS oAndroid!

  • 5 Best Potty Trainer for Babies: Top Brands na Mabibili Mo Online

    5 Best Potty Trainer for Babies: Top Brands na Mabibili Mo Online

  • Buntis Guide: Bakit laging nahihilo ang buntis?

    Buntis Guide: Bakit laging nahihilo ang buntis?

  • #GlowingSkin2023: 5 Best Whitening Lotion for Moms in the Philippines

    #GlowingSkin2023: 5 Best Whitening Lotion for Moms in the Philippines

  • 5 Best Potty Trainer for Babies: Top Brands na Mabibili Mo Online

    5 Best Potty Trainer for Babies: Top Brands na Mabibili Mo Online

  • Buntis Guide: Bakit laging nahihilo ang buntis?

    Buntis Guide: Bakit laging nahihilo ang buntis?

  • #GlowingSkin2023: 5 Best Whitening Lotion for Moms in the Philippines

    #GlowingSkin2023: 5 Best Whitening Lotion for Moms in the Philippines

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.