Bettina Carlos, ibinahagi ang kaniyang pinagdaanang short-lived pregnancy sa mga netizen.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bettina Carlos ectopic pregnancy
- Ano ang Ectopic pregnancy?
Bettina Carlos ectopic pregnancy
Aktres na si Bettina Carlos, nakaranas ng miscarriage sa kaniyang second baby. Ayon sa kaniya, January 19, 2022 nang malaman niyang siya ay 4 weeks pregnant na.
Nagtatalon sa tuwa ang kaniyang daughter na si Amanda Lucia nang kaniyang malaman ang tungkol sa pagbubuntis ni Bettina. Sabi pa niya,
“May addition na kami sa family!”
Masayang-masaya ang kaniyang anak, lalo’t higit ang kaniyang asawa na si Mikki Eduardo dahil noong mga panahong ‘yon ay talagang sinusubukan nila ang pagkakaroon ng baby.
Pagbabahagi ng aktres,
“That time, we were just so happy that we are finally pregnant ‘cause we’ve been trying for the last 6 months.”
Nagdadalawang-isip pa nga noong una si Bettina na sabihin sa mga tao, kahit pa sa kanilang kamag-anak, ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis dahil para sa kaniya masyado pang maaga.
Larawan mula sa Instagram account ni Bettina Carlos
Subalit pinili rin nilang ibahagi dahil ayaw rin umano nilang putulin ‘yong joy sa kanilang pamilya lamang. Pinili nilang i-extend ang joy at happiness sa kanilang pamilya at sa mga tao pang malalapit sa kanila.
Sa kabila ng nangyari, hindi naman nagsisi ang mag-asawa na ibinahagi nila agad ang tungkol sa kaniyang maikling pagbubuntis sa mga tao. Pagbabahagi ni Bettina,
“Kahit gaano pa kaiksi, kahit sabihin pa nilang ‘hindi pa tao ‘yan..’ ‘wala pa ngang heartbeat eh’ ‘hindi naman ‘yan baby.’ For us, it was real, it was a pregnancy, and we counted it as one.”
Habang nagbubuntis, ibinahagi ni Bettina na siya ay nakaranas ng spotting o pagdurugo. Dahil rito, pinayuhan at niresetahan siya ng kaniyang doktor na uminom ng pampakapit.
Kinailangan niyang matinding pahinga upang mapangalagaan at maprotektahan ang kaniyang pagbubuntis kaya minabuti niyang mag bedrest.
“I was only on bedrest for 10 days. Until I felt a sharp stabbing pain, which lasted for minutes,” pagsasaad ng aktres.
Dahil rito, agad siyang sisnugod sa pinakamalapit sa ospital. Sumailalim siya sa Transvaginal ultrasound upang malaman kung ano ang kalagayan ng kaniyang baby.
Larawan mula sa Instagram account ni Bettina Carlos
“When they checked, my uterus was empty. There was nothing in,” sambit niya.
Mabilis ang naging pangyayari noong araw na iyon. Ayon sa kaniya, sinabi ng doktor ng kailangan niya sumailalim sa emergency operation. Noong pagkakataong iyon, hindi rin niya maintindihan kung ano ang nangyayari at kung bakit kailangan niya ito maranasan.
Pagbabahagi ni Bettina,
“Ganun kabilis. Jan. 19, we were pregnant. Jan 28, I had to undergo a pelvic laparotomy to remove my right fallopian tube.”
Dito na niya sinabi “Ectopic pregnancy” ang kaniyang pinagdaanan. Ito ang sitwasyon kung saan ang fertilized egg ay hindi napupunta sa uterus ng babae kung saan ito dapat nandun. Bagkus, ang fertilized egg na napunta sa kaniyang fallopian tube.
Dahil sa nangyari, maraming mga mga tanong na hinahanapan niya ng sagot. Tinatanong niya ang kaniyang sarili kung saan siya nagkulang, nagpabaya ba siya, kulang ba ang pammaahinga niya, o may ginawa ba siyang mali para mangyari ito.
Larawan mula sa Instagram account ni Bettina Carlos
Umabot din sa puntong tinanong niya ang Diyos kung bakit ito nangyari. Pagtatanong niya,
“Why will you give and take it back so soon? As soon as 10 days.”
Nilinaw ni Bettina na hindi niya kinukuwestiyon ang Diyos tungkol sa nangyare sa kaniya. Bagkus, sincere siyang naghahanap ng kasagutan sa kaniyang pinagdaraanan.
Sa kabila ng mga nangyari, pinili pa rin ng aktres na mas tatagan pa ang kaniyang pananampalataya at maniwalang may plano sa kaniya ang Diyos.
Paniniwala niya,
“It’s really God’s will. God’s will to give and to take away after 10 days.”
Ibinahagi rin ni Bettina Carlos ang rason kung bakit niya gustong i-share sa mga tao ang kaniyang naging short-lived pregnancy journey.
Ayon sa kaniya, ginawa niya ang video na iyon hindi para magbigay ng sagot sa tanong ng mga taong nakaranas din ng miscarriage katulad niya. Dahil alam niya na iba-iba ang kwento ng bawat tao.
Bagkus, ginamit nya ito para i-encourage ang mga tao na hanapin ang Diyos sa mga panahong dumaraan sila sa ganitong klase ng pagsubok.
Ayon sa kaniya, ang pangyayaring ito ay,
“A gain in trust” at “A gain in faith.”
Samantala, hindi nagiisa si Bettina sa naging journey na ito. Masaya siya dahil ang kaniyang pamilya ay laging nandiyan sa kaniyang tabi lalo na noong dumaraan sila sa pagsubok na ito. Mayroon pa ngang maikli pero sweet na letter ang kaniyang anak na si Amanda para sa kaniya.
Larawan mula sa Instagram account ni Bettina Carlos
Mensahe ni Amanda:
“Hi mommy!
I miss you. I’ve been praying for you. God is in control. I had a hard time accepting that I was still an only child. But God is still good. No matter what, I love you mommy & you too, wammy.”
BASAHIN:
REAL STORIES: “We had a Miscarriage due to Ectopic Pregnancy.”
Ectopic Pregnancy: A quick guide for Filipino moms
What is a blighted ovum: Causes, symptoms and treatment
Ano ang Ectopic pregnancy?
Ang pagkakaroon ng ectopic pregnancy ay nangyayari kapag ang fertilized egg ay hindi napunta sa loob ng uterus o bahay bata. Karaniwan, ang fertilized egg ay naiiwan lamang sa fallopian tube, kung saan dumaraan ang egg mula sa obaryo papunta sa bahay bata ng babae.
Kabilang sa mga early warning ng ectopic pregnancy ay ang bahagyang pagdurugo o light vaginal discharge at pelvic pain.
Samantala, mayroon ding tinatawag na emergency symptoms kung saan patuloy na lumalaki ang fertilized egg sa loob ng fallopian tube. Ito ang dahilan sa pagka-rupture ng fallopian tube at nagkakaroon ng heavy bleeding.
Kapag mas lumala pa ang kondisyon na ito at hindi naagapan, maaaring magkaroon ito ng banta sa buhay ng nagdadalang-tao.
Narito ang ilang mga senyales ng ectopic pregnancy kung saan dapat ka nang humingi ng emergency medical help:
- Labis na pananakit ng tiyan at balakang na may kasamang pagdurugo
- Labis na pagkahilo
- Pananakit ng balikat
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!