Ano-ano nga ba ang mga sintomas ng ectopic pregnancy at ano ang peligrong maaring maidulot nito sa mga kababaihan? Tatalakayin rin natin ang ano ang mga gamot sa ectopic pregnancy.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang ectopic pregnancy
- Sintomas ng ectopic pregnancy
- Ano ang gamot sa ectopic pregnancy?
- Sanhi ng ectopic pregnancy
Ano ang ectopic pregnancy
Isa ang ectopic pregnancy sa mga kondisyon na nararanasan ng mga babae pagdating sa pagbubuntis. Ito ay isang abnormalidad na kung saan ang fetus ay nabuo sa labas ng matres imbis na sa loob nito.
Ang matres o ang uterus lamang ang nagsisilbing bahay-bata sa pagbubuntis. Kaya naman ang pagbubuntis sa labas nito ay maituturing na unsuccessful pregnancy na may kaakibat na peligro sa babaeng nagdadala nito.
Ayon sa American Academy of Family Physicians (AAFP), isa sa 50 pregnancies o 20 sa 1,000 na pagbubuntis ang maaring maging ectopic.
Bagamat makikita sa pamamagitan ng pregnancy test na positibo sa pagdadalang-tao ang isang babae hindi parin ito nagbibigay kasiguraduhan na ang pinagbubuntis niya ay nasa tama nitong kinanalagyan. At hindi isang kaso ng ectopic pregnancy.
Sintomas ng ectopic pregnancy | Image from Freepik
Sintomas ng ectopic pregnancy
Isa sa pangkaraniwang uri ng ectopic pregnancy ay ang pagkabuo ng fetus sa fallopian tube o sa lagusan ng itlog na mas kilala rin sa tawag na tubal pregnancy.
Nangyayari ito kapag ang fertilized na itlog o egg cell ay nanatili sa fallopian tube imbis na bumaba sa matres ng isang babae upang doon ma-develop at maging isang sanggol.
Sa una, ang ectopic pregnancy ay tulad rin ng normal na pagbubuntis. Ngunit habang tumatagal at lumalaki na ang fetus ay makakaramdam na ang babaeng nagbubuntis ng mga sintomas ng ectopic pregnancy.
Ilan sa mga ito ay:
- Matinding pananakit sa balikat, leeg at isang parte ng tiyan.
- Makakaranas rin ang nagbubuntis ng pagdurugo mula sa mahina o spotting hanggang sa malakas o heavy bleeding.
- Makakaramdam rin ng pagkahilo o pagkahimatay ang isang babaeng nakararanas ng ectopic pregnancy.
Kung makakaramdam ng mga naturang sintomas ng ectopic pregnancy dapat ay kumonsulta agad sa iyong doctor o OB-Gyne.
BASAHIN:
#AskDok: Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo ng isang buntis?
#AskDok: 7 beauty treatments at products na bawal sa buntis
Paninigas ng tiyan ng buntis sa huling buwan: Senyales na ba ng panganganak?
Diagnosis ng ectopic pregnancy
Ang ectopic pregnancy ay hindi matutukoy ng simpleng physical examination lang. Kailangang magsagawa ng transvaginal ultrasound o pagpasok ng isang instrumento sa inyong pwerta.
Ito ay upang makita kung ang pinagbubuntis mo o ang gestational sac ay nasa labas o loob ng iyong matres.
Maari ding magsagawa ng blood test upang malaman ang dami ng hCG o progesterone hormones ng isang buntis. Kung ang dami nito ay nababawasan o hindi nagbabago sa paglipas ng ilang araw.
Wala pa ring nakikitang gestational sac sa iyong matres malinaw na palatandaan na ito at sintomas ng ectopic pregnancy.
Sintomas ng ectopic pregnancy | Image from iStock
Ano ang gamot sa ectopic pregnancy?
Malamang, maaaring nagtatanong kayo kung ano nga ba ang gamot sa ectopic pregnancy. Kung nakakaranas naman ng malalang sintomas na ng ectopic pregnancy tulad ng matinding pananakit at pagdurugo ay kailangan ng sumailalim sa surgery ng babaeng nagbubuntis.
Ito na lamang ang paraan upang agad itong malunasan. Maiiwasan rin ang pagputok ng fallopian tube na maaring magdulot ng peligro sa buhay ng babaeng nagdadala nito.
Sanhi ng ectopic pregnancy
Ang mga sintomas ng ectopic pregnancy ay kadalasang nararanasan ng mga babaeng may sexually transmitted infection o impeksyon na nakukuha sa pamamagitan ng pagtatalik.
Tulad ng gonorrhea o chlamydia na nagdudulot ng pamamaga sa fallopian tubes at iba pang organs sa paligid nito.
Kadalasan ding nangyayari ito sa mga babaeng gumagamit ng mga fertilization methods o ang makabagong paraan upang mabuntis tulad ng in vitro fertilization o (IVF).
Mas malaki rin ang posibilidad na makaranas ng ectopic pregnancy ang mga babaeng dumaan sa tubal surgery at sa mga babaeng nakaranas narin ng ectopic pregnancy noon.
Bagamat pinipigilan dapat nito ang posibilidad ng pagbubuntis, ang paggamit ng IUD o intrauterine device ay maaring maging sanhi ng ectopic pregnancy. Lalo na’t ang pagbubuntis ay hindi inaasahan.
Isang tinuturong dahilan din ng ectopic pregnancy ay ang paninigarilyo na mas nagpapataas ng tyansa nito.
Sintomas ng ectopic pregnancy | Image from Unsplash
Mga bawal sa ectopic pregnancy at paano makakaiwas dito
Walang paraan upang maiwasan ang ectopic pregnancy ngunit may mga maaari kang gawin upang mapababa ang tiyansang makaranas nito.
Una ay ang pakikipagtalik sa isang tao lamang. Sumunod ang maingat na pakikipagtalik o safe sex. Tulad ng paggamit ng condom upang hindi makakuha ng mga sexually transmitted disease at iba pang impeksyon. At kung naninigarilyo, dapat ng tuluyang itigil ito kung nagplaplano ng mabuntis at bumuo ng pamilya.
Bagamat hindi matukoy ang early signs o sintomas ng ectopic pregnancy, hinihikayat ang bawat kababaihan na maging responsable sa kanilang katawan at ugaliin maging maingat sa pagtatalik.
Makakatulong rin ang madalas na pagbabasa upang magkaroon ng dagdag na kaalaman at mabigyang linaw ang mga pagbabagong nararamdaman sa iyong katawan para makasiguradong ikaw ay malusog at walang karamdaman.
Sources:
Healthline, Mayo Clinic, WebMd
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!