Inilathala ng mga eksperto mula sa WHO ang bagong uri ng tulo na lumalaban na sa epekto ng mga antibiotic para rito. Kaya nga ito ang panahon para alamin kung ano nga ba ang sintomas ng tulo o gonorrhea. Para maiwasan at malaman ang dapat gawin kung hinihinalang nahawa na.
Larawan mula sa Unsplash
title="Ano ang tulo o gonorrhea?
">Ano ang tulo o gonorrhea?
Sanhi ng tulo: saan nakukuha ang tulo
title="Sintomas ng tulo o gonorrhea
">Sintomas ng tulo o gonorrhea
Sintomas ng tulo sa lalaki
Sintomas ng tulo sa babae
Ilang araw bago gumaling ang tulo?
Nakakamatay ba ang tulo?
Ano ang gamot sa tulo?
Nagagamot ba ang tulo? Paano gamutin ang tulo?
Paano malalaman kapag magaling na ang iyong tulo?
Ilang araw bago gumaling ang tulo?
Gamot sa tulo – home remedy
Yakult gamot sa tulo
Mga bawal kainin pag may tulo
Safe sex at iba pang preventive measures
Ano ang tulo o gonorrhea?
Narinig mo na ba ang terminong sakit na tulo sa ari? Ano ba ang tulo at ano ang mga sintomas nito?
Kilala sa tawag na tulo sa ari sa mga Pilipino, at gonorrhea naman sa wikang Ingles. Ang sakit na tulo ay isang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik, o sexually transmitted disease (STD) at sexually transmitted infection (STI).
Sanhi ng tulo ay ang impeksiyon galing sa bacterium na Neisseria gonorrhoeae, at nakakaapekto sa babae man o lalaki. Ibig sabihin mayroong tulo sa babae at mayroon ding tulo sa lalaki.
Namamahay ito sa mga mainit at basang bahagi ng katawan tulad ng urethra, mata, lalamunan, anus, vagina, at female reproductive tract (fallopian tubes, cervix, at uterus). Ayon sa World Health Organization (WHO) , pinakakaraniwang ito sa mga edad 15 hanggang 24 taong gulang.
Sanhi ng tulo: saan nakukuha ang tulo
Saan nakukuha ang tulo? Tinawag itong STD o STI dahil nakukuha at kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik—oral, anal o vaginal man.
Kapag madalas ang sexual contact, lalo’t hindi gumagamit ng sapat na proteksiyon, madaling naipapasa at kumakalat ang bacteria. Mas malaki ang panganib kapag marami ang katalik.
Kaya naman pinapayo ng mga eksperto na gumamit ng proteksiyon laban sa mga sexually transmitted disease at sexually transmitted disease.
Pinapayo rin ng mga eksperto na kung maaari ay huwag makipagtalik sa higit sa iisang partner. Sapagkat mas mataas ang tiyansa nang pagkakaroon ng STI o STD.
Gayunpaman, maaaring maipasa ang bacteria at impeksiyon sa isang sanggol mula sa kaniyang ina pagkapanganak.
Sintomas ng tulo o gonorrhea
Katulad nga ng nabanggit kanina, parehas na nagkakaroon ng gonorrhea ang babae man o lalaki, kaya naman mahalaga rin malaman kung ano ang mga sintomas ng tulo sa babae at sintomas ng tulo sa lalaki.
Para kung nakakaramdam ka na ng mga senyales ay makakapunta ka sa iyong doktor upang maagapan at malaman kung paano mawala ang tulo.
Paano nga ba malalaman kung may tulo ang isang tao? Ano ang itsura ng tulo? Narito ang ilang sintomas ng gonorrhea na dapat bantayan:
Sintomas ng tulo sa lalaki
Ang mga lalaking may impeksiyon na ay maaaring hindi pa makitaan ng sintomas ng tulo hanggang makalipas ang ilang linggo. Ang iba naman ay lubusang hindi nakakaranas ng senyales ng tulo. Karaniwang lumalabas ang mga sintomas ng tulo isang linggo matapos mahawa.
Sa mga lalaki, ang mahapdi at masakit na pag-ihi ang unang mararamdamang na sintomas ng tulo. Kasunod na nito ang mga sumusund:
- madalas na pag-ihi, o pakiramdam na naiihi
- namamaga o namumula ang bukana o dulo ng ari
- namamaga o masakit ang testicles
- hindi nawawalang sore throat (kung ang bacteria at impeksiyon ay nasa lalamunan, sanhi ng oral sex)
- At higit sa lahat, may nana na tumutulo mula sa ari, na maaaring puti o greenish ang kulay, kaya ito tinawag na “tulo” ng mga Pilipino.
Larawan mula sa iStock
May mga kaso ng tulo na tuluyang sumisira ng sistema ang impeksiyon, lalo na sa urethra at testicles, at umaabot sa rectum ang labis na pananakit.
Dito na makikita ang dugo sa anus, o kaya naman ay pamumula, pamamaga ng kasu-kasuan at skin rash. Pati na ang pangangati at nana sa mata, kung naimpeksiyon ang mata dahil nahawakan ng kamay na may bacteria.
Nananatili ang impeksiyon sa katawan hanggang hindi nagagamot. Sa loob lang ng 2 hanggang 14 na araw ay kumakalat na ang bacteria at makikita na ang mga sintomas, ayon sa Department of Health (DOH).
May mga taong may impeksiyon na ngunit hindi pa nakikitaan ng sintomas ng tulo. Ito ang tinatawag na nonsymptomatic carrier, at paniguradong nakahahawa pa rin.
Sintomas ng tulo sa babae
Samantala, narito naman ang ilan sa mga senyales ng babaeng may tulo:
- Pananakit ng ari habang umiihi
- Pagdurugo (na hindi regla)
- Malapot na dilaw o berde na genital discharge (nana)
Ngunit maaari ring magkaroon ng gonorrhea o tulo ang babae kahit walang lumalabas na sign na may tulo siya.
Ilang araw bago gumaling ang tulo?
Maaaring umabot ng dalawang linggo para tuluyang gumaling ang tulo ng isang tao.
Nakakamatay ba ang tulo?
Hindi naman nakakamatay ang sakit na ito. Subalit kapag hindi naipagamot ang tulo, maaaring magdulot ito ng iba pang kumplikasyon katulad ng pelvic inflammation o at makaapekto sa kakayahan ng tao na magbuntis, ‘di kaya’y pagkabaog. Maaari rin na maipasa ang impeksiyon na ito sa baby kung ikaw ay buntis.
Ano ang gamot sa tulo?
Sa palagay mo ba ay mayroon kang sintomas ng tulo at naghahanap ng gamot para dito? Ano ang gamot sa tulo?
Sa unang makitang sintomas ng tulo pa lang, magpatingin na agad sa doktor para masiguro kung tulo nga ito, at mabigyan ng karampatang lunas at gamot sa tulo. Nalalaman ito sa pamamagitan ng urine sample o swab test sa apektadong bahagi ng katawan.
Nagagamot ba ang tulo? Paano gamutin ang tulo?
Tulad ng anumang impeksiyon, antibiotics ang unang lunas dito. Kung maaga pa lang ay natukoy na ang sakit, madaling nagagamot ito ng antibiotic. Mas maaga ang paggamot, mas madaling nalalabanan ang impeksiyon.
Kung mayroon kang tulo o gonorrhea, hindi lang ikaw kundi pati ang iyong partner ay posibleng kailanganing uminom ng antibiotics. Maaari ka ring bakunahan ng antibiotics na Ceftriaxone.
Ang dosage nito ay nakadepende sa iyong timbang. Kung ikaw ay may timbang na mas mababa sa 150 Kgs, 500 milligrams ng nasabing gamot ang ibabakuna sa iyo. Habang 1 gram naman kung ang iyong timbang ay mahigit 150 kilograms.
Kung may allergy sa ceftriaxone, puwedeng 240 milligrams ng Gentamicin ang irekomenda ng iyong doktor kasama ang 2 grams ng Azithromycin. Ibabakuna rin ang gentamicin habang iinumin naman ang azithromycin.
Paano gamutin ang tulo?
Para magamot ang tulo, aalamin ng iyong doktor ang mga sintomas na nararanasan mo maging ang sexual history. Pagkatapos ay sasailalim sa tests ang iyong ihi at dugo para malaman kung may presensya nga ng gonorrhea sa ihi at dugo.
Narito ang posibleng ipagawa sa iyo ng doktor para malaman paano gamutin ang tulo:
- Kung ikaw ay babae pelvic exam ang unang gagawin. Kukuha ng fluid sample mula sa iyong cervix para i-test.
- Kapag lalaki naman ang pasyente, kukuha ng sample fluid sa ari ng lalaki para din i-test.
- Sasailalim din sa swab test kung saan kokolekta ng fluid mula sa lalamunan at rectum para mai-test.
- Urine test.
Ang iyong doktor ang makapagsasabi kung ano ang angkop na test para sa iyong kondisyon. Kapag nagpositibo ka sa gonorrhea, reresetahan ka ng doktor ng antibiotic gaya ng nabanggit sa itaas.
Posible rin na magdagdag ng medication ang iyong doktor tulad ng doxycycline para malinis din ang iyong katawan sa co-infection dulot naman ng chlamydia bacteria. Tiyaking sundin ang instructions ng iyong doktor sa pag-inom ng gamot.
Paano malalaman kapag magaling na ang iyong tulo?
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), kapag nawala na ang mga sintomas ng may tulo pagkatapos ng gamutan, maaari mong masabing gumaling na ang sakit na tulo. Subalit kapag hindi pa rin bumubuti ang iyong pakiramdam pagkatapos ng pag-inom ng gamot
Kapag hindi kaagad nagamot, maaaring kumalat sa sistema at magkaroon ng mas seryosong sakit, lalo na sa reproductive tract.
Nuong 2017, naglathala ng babala ang WHO na may bagong strain na ng gonorrhea na hindi tinatablan ng mga gamot sa tulo, sa mga bansang Japan, Spain at France.
Ayon kay DOH Assistant Sec. Eric Tayag, sa panayam ng RadyoManila, bagama’t hindi na tumatalab ang ilang gamot na pangontra sa tulo, mayroon pa rin namang mga uri ng gamot na epektibo sa Pilipinas. Wala pang naitatalang kaso ng hindi nagagamot na gonorrhea dito sa atin.
Dagdag ni Sec Tayag, kapag kasi tuluyang “natuto” ang mga bacteria o ‘superbug’ na labanan ang mga antibiotic, mahihirapan nang mapagaling ang impeksiyon, at baka magtuluy-tuloy na itong magkaroon ng komplikasyon.
Larawan mula sa iStock
Ilang araw bago gumaling ang tulo?
Kung nagsisimula ka na sa paggamot ng iyong tulo, unti-unti na rin ang paggaling nito. Ilang araw bago gumaling ang tulo? Nakadepende ang tagal ng paggaling sa severity ng iyong kondisyon. Maaari mo itong itanong sa iyong doktor sakaling ipatingin mo ang iyong tulo.
Basta’t importanteng sundin ang paggamot na bilin ng doktor. Inumin ang antibiotic na nireseta nito hanggang sa araw na sinabi ng doktor.
Huwag basta-basta ititigil ang pag-inom ng gamot dahil lang sa pakiramdam mo ay okay na ang iyong tulo. Mahalagang sundin kung ilang araw dapat inumin ang gamot para maiwasan ang pagbalik ng impeksyon.
Gamot sa tulo – home remedy
Paniniwala ng iba, may mga halamang gamot o herbal na gamot sa tulo. Subalit ang home remedies o herbal na gamot sa tulo gaya ng pagkain ng maraming bawang, paghuhugas ng apple cider vinegar sa iyong ari at maging ang pagmumumog ng Listerine o ibang mouthwash ay wala umanong sapat na ebidensiya para patunayan ang bisa ng mga ito, at sa halip na makatulong, ay maari pa itong makasama, ayon sa Healthline.
Mabisang gamot sa tulo kahit walang reseta ng doktor ba ang hanap mo? Delikado ‘yan. Sensitibo ang ari ng babae at lalaki. Hindi dapat basta-bastang sumusubok ng akala nating mabisang gamot sa tulo kahit walang reseta ng doktor. Dahil baka lalong lumala ang kalagayan imbes na magamot.
Para sa mabisang gamot sa gonorrhea ng lalaki at babae, pinakamainam pa rin na kumonsulta sa isang doktor.
Yakult gamot sa tulo
May mga YouTube vlog na nagsasabing ang yakult ay gamot sa tulo. Totoong ang yakult ay mayroong probiotics na makatutulong upang malinis ang mga bacteria mula sa ating katawan. Pero walang sapat na pag-aaral kung saan ay masasabing ang yakult ay gamot sa tulo.
Mga bawal kainin pag may tulo
Ayon sa Newsmax, mahalaga ring bantayan ang kinakain kapag ikaw ay may tulo. May mga pagkain kasi na posibleng makapagpalala ng iritasyong dulot ng tulo.
Narito ang mga bawal kainin pag may tulo:
- Maanghang na pagkain
- Deep-fried foods
- Baked goods
- Dairy products tulad ng butter at cheese
Safe sex at iba pang preventive measures
Bumabalik na ba ang tulo? OO. Kahit gumaling ka na mula rito, puwede ka uling mahawa ng iyong partner. Kaya naman paalala ng mga doktor, dapat ay ingatan ang sarili para maiwasan ang sakit na ito.
1. Sa unang mapansin na mayroong sintomas ng tulo o gonorrhea, tumigil na muna sa pakikipagtalik para maiwasan ang pagkahawa mula sa tulo.
Hintayin munang matingnan ng isang doktor, at matapos ang lahat ng paggamot. Ang doktor o healthcare provider lamang ang makakapagbigay sa pasyente ng “clearance” na wala nang impeksiyon at hindi na nakakahawa, sa pamamagitan ng mga panibagong tests.
Karaniwang pinaghihintay ng 7 araw pagkatapos ng clearance, saka pa lang puwedeng makipagtalik muli. Tandaan na nauulit ang pagkakaroon ng tulo, kaya’t dapat maging mas maingat.
2. Kung mayroong kasalukuyang sexual partner, mahalagang ipaalam sa kaniya ang naging diagnosis, at hikayatin siyang magpatingin din sa doktor at magamot kung nahawa na siya.
3. Ang paggamit ng condom ang isa sa pinakaepektibong paraan para mapigil ang pagkalat ng bacteria.
Sinumang sexually active ay bukas sa pagkakaroon ng gonorrhea at anumang STI o sexually transmitted disease. Kaya dapat na maalam sa mga sintomas ng sakit na ito. Lalo na kung marami ang nagiging katalik, at hindi iisang partner lang ang iyong tinatalik.
Ang DOH, sa pamumuno ni Dr. Jose Gerard B. Belimac, program manager ng Department of Health-National Center for Disease Prevention and Control (DOH-NCDPC), ay may HIV/STI Prevention Program na naglalayong mapababa ang bilang ng transmission ng HIV at STI sa ating populasyon.
May mga libreng voluntary HIV /STI Counseling at Testing Service, “100% Condom Use Program (CUP)” sa mga entertainment establishments, peer education at outreach, pagsuporta sa mga Hygiene Clinics at pag-didistribute ng male condoms bilang education materials sa mga outreach programs.
Kaya kung ikaw ay sexually active at may katanungan tungkol sa mga sakit na maari mong makuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik, huwag mahiyang kumonsulta sa isang gynecologist.
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!