Pakiramdam mo ba ikaw ay hina-highblood? Nagcheck ng blood pressure at nalamang mataas ang presyon ng iyong dugo? Alamin dito kung ano ang sintomas na mataas ang presyon ng dugo at ano ang gamot sa high blood.
Ano ang High Blood Pressure?
Ang high blood pressure ay isang sakit na nararanasan kapag mataas ang presyon ng dugo mo kaysa sa normal. Kinakailangan ay nasa kalagitnaan ito ng 120 to 80 ml, ani ni Dr. Amal Makhloufi, Country lead ng Sanofi Philippines, sa isinagawang webinar ng theAsianparent Philippines sa Facebook,
“It is simply a disease that is experienced when one’s blood pressure exceeds normal blood pressure. Typically, normal blood pressure should be between 120 and 80 ml and anything exceeding that number means that you have hypertension.”
Ayon pa sa kaniya ang pagkakaroon ng mataas na presyon o high blood pressure ay maaari ring mamana,
“Those that have a family history of hypertension or high blood pressure have a high risk of getting the disease and as you get older your chances of getting it becomes higher.”
Ngunit, ang iyong presyon sa dugo ay maaaring tumaas kapag ikaw ay gumagawa ng mga partikular na aktibidad. Subalit kapag palaging mataas ang iyong presyon sa dugo ito ay pwede magresulta ng hypertension.
Larawan mula sa Freepik
Dalawang uri ng Hypertension
- Primary: Ang pagtaas ng presyon sa dugo na walang kinalaman sa iyong ibang medikal na kondisyon.
- Secondary: Iba pang medikal na kondisyon na nagiging sanhi ng pagtaas ng dugo, na nakikita sa mga bato, arterya, puso, o endocrine system. Kabilang sa mga halimbawa ay:
- Hirap sa pagtulog katulad ng sleep apnea
- Pagbabara ng renal arteries sa ‘yung bato
- Hindi normal na pagtaas ng hormone na nagkokontrol sa presyon ng dugo
Ano ang mga sintomas na mataas ang presyon ng dugo?
Ang pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo ay kadalasang walang palatandaan o sintomas na pwedeng magamit mo upang malaman kung ikaw ba ay mayroon nito.
Ang pagkuha lang ng iyong presyon sa dugo ay gamit ang BP monitor upang makita mo kung mataas o mababa ba ang iyong presyon.
Ito rin ay tinatawag na “silent killer” sa kadahilanang ito nga ay kadalasang walang palatandaan o sintomas, at karamihan ay hindi nila alam na mayroon na pala sila nito.
Ngunit ito ang ilan sa mga kadalasang nararamdamang sintomas na mataas ang presyon ng dugo:
Ano ang sanhi ng mataas na presyon ng dugo?
Ayon pa kay Dr. Amal Makhloufi ang hypertension ay kadalasang nabubuo paglipas ng panahon. Maaari rin na dahil sa iyong lifestyle, katulad ng hindi pag-eehersisyo ng regular.
Ang ilang mga kondisyon din sa kalusugan, tulad ng diabetes at pagkakaroon ng labis na timbang, ay maaari ring dagdagan ang panganib na magkaroon ng mataas na presyon ng dugo. Ang pagkakaroon din ng mataas na presyon ng dugo ay maaari ring mangyari sa panahon ng pagbubuntis.
Paano maiiwasan ang high blood pressure?
Maaari mong mapababa ang iyong mataas na presyon sa dugo sa sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong lifestyle at pagkain ng masusutansya.
Ito ang ilan na paraan upang mapababa o maiwasan ang pagkakaroon ng high blood pressure:
-
Bawasan ang pakain ng maaalat
Ang pagkain ng sobrang asin o sodium ay nagreresulta sa pagtaas ng blood pressure. Basahin nang mabuti ang mga label kapag ikaw ay namimili sa grocery store. Upang maiwasan ang pagkuha ng mga pagkain na mayroong matataas na sodium.
Mas may malaking tiyansang tumaas ang presyon ng dugo ng mga taong matataba.
Ang pag-eehersisyo araw-araw ay nakakatulong upang makaiwas sa mataas na presyon ng dugo dahil pinapalakas nito ang iyong puso at baga.
Ang paninigarilyo ay maraming komplikasyong dulot at isa ang pagtaas ng presyon ng puso. Itigil ito upang makaiwas sa high blood pressure at iba pang mga malubhang sakit.
Ang pagkain ng may mga potassium ay nakakatulong upang mapababa ng sodium sa ating katawan. Kumain ng mga gulay at prutas na mayaman sa potassium.
Ang pagkakaroon ng stress ay normal na bagay sa mga tao maaari sa eskuwelahan o trabaho. Ngunit kinakailangan iwasan ito para hindi magdulot ng mga sakit. Maging positive thinker upang makaiwas sa stress.
-
Laging magpasuri ng Blood Pressure
Kadalasan ang pagkakaroon ng high blood pressure ay walang sintomas o palatandaan kaya ito tinatawag na silent killers. Kaya ang pagpunta sa iyong doktor ay lubhang kinakailangan upang maiwasan ang mga sakit.
Mabibigyan ka rin ng mga tips at gamot na magpapabuti ng iyong pakiramdam.
Paalala ni Dr. Amal,
“What you eat and the amount of daily exercise also affects your blood pressure. Hypertension patients usually dont see any tell-tale signs or symptoms of the disease. So maintaining regular excercise and regular checking of blood pressure is recommended.”
Ano ang kailangan gawin kapag ikaw ay may mataas na presyon ng dugo?
Isa sa pinakanakakatakot na sakit ang hypertension o pagtaas ng presyon sa dugo. Ito ang ilan sa mga gagawin pag ikaw ay nakakaranas ng sintomas ng high blood pressure:
- Pagpahingahin ang pasyente
Paupuin at pagpahingahin ang pasyente ng 15 minuto at sabihing mag-relax. Painumin ng tubig at itapat sa kanya ang electric fan o kaya paypayan.
- Tignan ang Blood Pressure
Kunin ang blood pressure ng pasyente, at siguraduhing maayos ang pagkuha nito. Kapag ang pasyente ay patuloy ang pagtaas sa 140 over 90, ito ay nangangahulugan na mataas na ang presyon ng dugo nito.
- Painumin ng gamot, kung kinakailangan
Kung ang taong nakakaranas ng pagkahilo ay may mga maintenance medicine, ipainom ito sa kanya.
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan painumin ng gamot ang pasyente, minsan kailangan lang nila umupo at magpahinga upang maayos amg daloy ng kanilang dugo.
Painumin ng maligamgam na tubig ito, para maging maayos ang pakiramdam. Ang maligamgam na tubig ay nakakatulong upang maayos ang daluyan ng dugo.
Mabisang gamot sa high blood
Nakadepende sa iyong overall health ang uri ng gamot sa high blood na ibibigay sa iyo ng doktor. Kung na-diagnose ka na mayroong mataas na presyon ng dugo, irerekomenda ng doktor na sumailalim ka sa mga sumusunod na tests para malaman kung ano ang sanhi ng pagtaas ng presyon ng iyong dugo.
Echocardiogram
Isa itong non-invasive exam kung saan gumagamit ng sound waves para makagawa ng detalyadong imahe ng tumitibok na puso. Ipinapakita rito ang pagdaloy ng dugo mula sa puso at sa mga valves nito.
Ambulatory monitoring
Sa test na ito, minomonitor nang regular ang presyon ng dugo sa loob ng anim hanggang 24 oras. Kaya lamang, hindi lahat ng medical centers ay mayroong aparato na ginagamit sa ambulatory monitoring. Maaaring itanong sa inyong healthcare provider kung mayroon nito sa ospital malapit sa inyo.
Electrocardiogram (ECG)
Sinusukat ang electrical activity ng puso sa pamamagitan ng ECG. Mabilis lang ito at painless. Ikakabit lang ang mga sensors na tinatawag na electrodes sa iyong dibdib, mga binti, at braso.
May nakakonektang wires sa sensors patungo sa machine kung saan naka-display ang resulta. Sa pamamagitan ng ECG malalaman kung gaano kabilis o kabagal ang tibok ng iyong puso.
Lab tests
Maaaring isailalim sa laboratory testing ang iyong ihi at dugo para malaman kung may iba pang kondisyon na posibleng magdulot ng pagtaas ng presyon ng dugo. Sa pamamagitan nito posibleng malaman ang cholesterol at blood sugar levels.
Gamot sa high blood
Nakadepende sa iyong kondisyon kung ano ang gamot na mabisa na angkop sa’yo. Sa pag-inom ng gamot para sa mataas na presyon ng dugo, mahalagang malaman kung ano ang goal mong blood pressure level. Kailangang ang blood pressure mo ay mapababa sa 130/80 mm Hg kung ikaw ay
- Healthy adult na nasa edad 65 pataas
- Nasa edad na mas mababa sa 65 taon at may 10% o mas mataas na panganib na magkaroon ng cardiovascular disease sa susunod na sampung taon.
- Kung ikaw ay may chronic kidney disease, diabetes, o coronary artery disease.
Narito ang ilan sa mga mabisang gamot na high blood na maaaring irekomenda ng iyong doktor:
- Angiotensin-converting enzyme inhibitors – para matulungang ma-relax ang mga blood vessel. Halimbawa: Prinivil, Zestril, benazepril (Lotensin), captropil
- Angiotensin II receptor blockers – Para din ito ma-relax ang mga blood vessel. Halimbawa: candesartan (Atacand), losartan (cozaar)
- Water pills o diuretics – tinutulungan ng gamot na ito na alisin ang sodium at tubig mula sa katawan. Ito ang kadalasang gamot na ibinibigay sa mga pasyente na may high blood pressure. Mayroong iba’t ibang klase ng diuretics at nakadepende sa kondisyon mo kung ano ang irerekomenda ng iyong doktor. Halimbawa: chlorthalidone, hydrochlorothiazide, microzide
- Calcium channel blockers – Tumutulong itoong ma-relax ang muscle ng blood vessels. May ilan na pinababagal ang heart rate. Halimbawa: amlodipine (Norvasc), diltiazem (Cardizem, Tiazac)
Tandaan na bawal uminom ng grapefruit products kapag nagte-take ng calcium channel blockers. Napatataas kasi ng grapefruit ang blood level ng ilang calcium channel blockers. Delikado ito kaya mahalaga ang pag-iingat. Kumonsulta sa iyong healthcare provider o sa pharmacist para makatiyak.
Halamang gamot sa mataas na presyon ng dugo
Narito ang ilan sa mga halamang gamot sa mataas na presyon ng dugo ayon sa Healthline. Ang mga sumusunod na halamang gamot ay makatutulong para mapababa ang presyon ng iyong dugo.
Mayaman ang bawang sa mga compound na makatutulong sa iyong puso. Mayroong sulfur compounds tulad ng allicin ang bawang. Nakatutulong ito para maging maayos ang daloy ng dugo at ma-relax ang blood vessels.
Matagal nang ginagamit ng mga tao ang luya para sa pag-improve ng sirkulasyon ng dugo, cholesterol levels, at blood pressure. Ayon sa Healthline, mayroon nang mga pag-aaral sa hayop at sa tao na nagpapatunay na ang pagkonsumo ng luya ay nakakababa ng presyon ng dugo. Umaakto itong natural na calcium channel blocker at natural ACE inhibitor.
Dahon ng Basil
Mayaman sa eugenol ang basil, powerful compound ito na popular na ginagamit bilang alternative medicine. Mayroong pag-aaral na nagpapatunay na nakatutulong ang eugenol na matatagpuan sa basil para mapababa ang presyon ng dugo sa pamamagitan ng pag-akto bilang natural calcium channel blocker.
Ang calcium channel blockers ang pumipigil sa paggalaw ng calcium patungo sa puso at mga arterial cells upang ma-relax ang mga blood vessel.
Parsley
Mayroong vitamin C at dietary carotenoids ang parsley na maaaring makapagpababa ng presyon ng dugo. Mayroong mga pag-aaral kung saan nabatid na ang carotenoid antioxidants ay nakatutulong sa pagpapababa ng blood pressure at bad cholesterol na mga risk factor ng sakit sa puso.
Ano naman ang heart heart attack at kinalaman nito sa high blood pressure?
Larawan mula sa iStock
Ang isang atake sa puso ay nangyayari kapag may isang bagay na pumipigil sa daloy ng dugo sa iyong puso kaya hindi ito makakuha ng oxygen na kailangan nito.
Sabi ni Dr. Amal Makhloufi, sa Pilipinas mahigit kumulang 1/2 ang may hypertension, ibig sabihin lagpas 12 milyon ay ang delikado sa sakit na hypertensive.
Ayon din Dr. Amal,
“Our goal is to be the best healthcare journey to the Filipinos, we have several programs to help hypertensive patients.
To further support this we have recently released the empower program to help patients with hypertension.
Where patients are provided with coaches and nurse educators. Through these sessions, patients are given proper education of the diseases as well as how to properly manage diabetes.
Additional coaching modules are also available through the biomark app that can be downloaded by patients in the play store or apple store for free”
Sintomas ng pag-atake sa puso
Kasama sa mga sintomas ng atake sa puso ang: Hindi komportable, presyon, bigat, higpit, pisilin, o sakit sa iyong dibdib o braso o sa ibaba ng iyong dibdib
- Kakulangan sa ginhawa na pumapasok sa iyong likuran, panga, lalamunan, o braso
- Kapunuan, hindi pagkatunaw ng pagkain, o isang nasasakal na pakiramdam (maaari itong pakiramdam tulad ng heartburn)
- Pinagpapawisan, nababagabag ang tiyan, nagsusuka, o nahihilo
- Malubhang kahinaan, pagkabalisa, pagkapagod, o igsi ng paghinga
- Mabilis o hindi pantay na tibok ng puso
Larawan mula sa iStock
Ang mga sintomas ay maaaring magkakaiba sa bawat tao o mula sa isang atake sa puso sa isa pa. Ang mga kababaihan ay mas malamang na magkaroon ng mga sintomas ng atake sa puso, ng mga sumusunod:
- Hindi karaniwang pagkapagod
- Pag-iksi ng iyong hininga
- Pagduduwal o pagsusuka
- Pagkahilo o gulo ng ulo
- Hindi komportable sa iyong gat. Maaari itong pakiramdam tulad ng hindi pagkatunaw ng pagkain.
- Hindi komportable sa leeg, balikat, o itaas na likod
Kailan ka dapat pumunta sa doktor?
Kung mayroon kang alinman sa mga sintomas na ito, magpatingin kaagad sa doktor. Maaari kang magkaroon ng isang hypertensive crisis na maaaring humantong sa isang atake sa puso o stroke. Maaari ka ring magkaroon ng isa pang malubhang kondisyong pangkalusugan.
Karamihan sa mga oras, ang mataas na presyon ng dugo ay hindi sanhi ng pananakit ng ulo o nosebleeds. Ngunit, maaari itong mangyari sa isang hypertensive crisis kapag ang presyon ng dugo ay higit sa 180/120.
Kung ang iyong presyon ng dugo ay napakataas at mayroon kang mga sintomas na ito, magpahinga ng 5 minuto at suriin muli. At kung ang iyong presyon ng dugo ay hindi pa rin mataas ang pagtaas, tumawag ka na sa iyong doktor.
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.