X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Sleep apnea sa mga bata: Sanhi, sintomas, at lunas

4 min read
Sleep apnea sa mga bata: Sanhi, sintomas, at lunas

Alamin ang mga sintomas ng sleep apnea na dapat bantayan sa mga bata, upang maiwasan ang misdiagnosis at maagapan ang mga komplikasyon nito.

Magkaiba ang sleep apnea sa mga matatanda at sa bata, mula sa sintomas hanggang sa sanhi nito. Upang makasiguro, alamin ang mga sintomas ng sleep apnea na dapat bantayan sa iyong anak.

Sleep apnea o paghilik in tagalog

Ang pediatric obstructive sleep apnea o paghilik in tagalog ay isang uri ng sleep disorder kung saan nagkakaroon ng bahagya o permanenteng bara ang paghinga ng bata tuwing natutulog. Ito ay dulot ng pagsikip o pagkabara sa upper airway sa pagtulog.

sintomas-ng-sleep-apnea-na-dapat-bantayan

Sintomas ng sleep apnea na dapat bantayan | Image from Unsplash

Ang kadalasang sintomas ng sleep apnea o paghilik in tagalog sa matatanda ay pagkaantok sa araw, at ang madalas na sanhi naman ay obesity. Sa pediatric obstructive sleep apnea naman, ang sintomas ay problema sa pag-uugali, at ang kadalasang sanhi ay paglaki ng adenoids at tonsils ng bata.  

Mahalagang ma-diagnose agad ang batang may sintomas ng sleep apnea, upang mapigilan ang kumplikasyon na maaaring makaapekto sa kanyang paglaki, cognitive behavior, at development.

Sintomas ng sleep apnea na dapat bantayan

Kung napapansin mo ito sa iyong anak habang siya ay natutulog:

Advertisement
  • Paghilik
  • Pagtigil sa paghinga
  • Hindi maayos na pagtulog
  • Snorting, pag-ubo, o pagkasamid
  • Naiihi sa kama
  • Sleep terrors
  • Humihinga sa bibig imbis na sa ilong

Ang mga sanggol at bata ay hindi laging humihilik, ang iba sa kanila ay magkakaroon lamang ng hindi maayos na pagtulog.

sintomas-ng-sleep-apnea-na-dapat-bantayan

Sintomas ng sleep apnea na dapat bantayan | Image from Unsplash

Sa araw, obserbahan din ang mga sintomas na ito:

  • Kung mahina ang performance sa eksuwela
  • Nahihirapan mag-focus
  • May problema sa pagkatuto
  • May problema sa pag-uugali
  • Nahihirapan magdagdag ng timbang
  • Kung siya ay hyperactive

Bantayang mabuti ang mga sintomas na ito, upang maiwan ang misdiagnosis sa iyong anak. Isang ina ang nagbahagi ng kaniyang karanasan, nang makailang beses namisdiagnose ang kanyank anak, hanggang matunton nila na ang bata ay may sleep apnea pala.

Sanhi ng sleep apnea na dapat bantayan

Ang kadalasang condition na nagreresulta sa pagkakaroon ng sleep apnea ng mga bata ay enlarged tonsils at adenoids. Ngunit ang iba pang maging factors at obesity, craniofacial anomalies, at neuromuscular disorders.

Risk factors ng sleep apnea

Maaaring magkaroon ng sleep apnea ang iyong anak kung siya ay mayroong:

  • Down syndrome
  • Abnormalities sa bungo o mukha
  • Cerebral palsy
  • Sickle cell disease
  • Neuromuscular disease
  • History ng mababang timbang
  • Family history ng obstructive sleep apnea

Komplikasyon sa sleep apnea  ng bata

Kung hindi agad maagapan ang sintomas ng sleep apnea, maaari itong mauwi sa stunted growth, heart problems, at pati pagkasawi ng bata.

sintomas-ng-sleep-apnea-na-dapat-bantayan

Sintomas ng sleep apnea na dapat bantayan | Image from Unsplash

Gamot sa paghilik ng bata

May gamot ba sa paghilik ng mga bata? Ayon sa medikal na paliwanag, may iba’t ibang uri ng treatment para sa pediatric obstructive sleep apnea na maaaring irekomenda ng inyong doktor, kabilang na ang:

  • Medications
  • Pagtanggal ng tonsils at adenoids
  • Positive airway pressure therapy
  • Oral appliances

Mayroon din namang alternatibong gamot sa paghilik ng bata. Ito ay ang pagbago ng inyong bahay at lifestyle upang makatulong sa sleep apnea.

Iwasan ang airway irritants at allergens. Lahat ng bata, ngunit mas lalo na ang may sleep apnea, ay dapat iwasan ang usok mula sa tabako at sigarilyo, pati na ang ibang inddor pollutants at allergens, dahil maaaring mairita at mabarahan nito ang kanilang airway.

Weight loss. Maaaring irekomenda ng doktor na magbawas ng timbang ang iyong anak kung siya ay obese.

Bago magtungo sa iyong doktor, makatutulong na ihanda at ilista ang mga sumusunod:

  • Ang sintomas ng sleep apnea ng iyong anak, pati na ang tingin mo ay walang kinalaman dito.
  • Lahat ng gamot, vitamins, at supplements na iniinom ng iyong anak, pati ang dosage nito.
  • Mga tanong sa iyong doktor.

 

Source: Mayo Clinic 

Basahin: Paano maiiwasan ang paghilik?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Partner Stories
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Romy Peña Cruz

Maging Contributor

Inedit ni:

Candice Lim Venturanza

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Sleep apnea sa mga bata: Sanhi, sintomas, at lunas
Share:
  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko